Buwan, Bituin, Bantilan

hiram na larawan

hiram na larawan

Nilalambungan ako ng bilog na buwan
habang kinikitil ang bawat minuto
sa kawayang bantilan
na nag-iwi sa ating pinagsamahan.
Tahimik ang hangin
kalmado ang sapa;
pinalis ng nakasabog na tala
ang kumpol ng manipis na ulap.
Panatag ang pilapil
ngunit hindi ang nilalamok kong isip.
Sinisisi ko ang mga bituin —
sa tuwing sila’y aking tatanawin
minumura ako ng mapusyaw nilang ningning.
Sinisisi ko ang mapanukso nilang kislap
na naaabot ko lamang
kapag sinisipat ko ang agwat nila sa akin.
Madaya ang langit,
naghahain ng kariktan na kailanman
ay hindi mo naman mahahawakan.
Nanunudyo ang namumulang buwan;
nag- aalok ng huwad na liwanag
na napupundi rin pagkagat ng umaga.
Sumisipol na ang hangin,
may kumakalawkaw sa sapa.
Pinalis ng manipis na ulap
ang kumpol ng nakasabog na tala.
Nilisan ko ang kawayang bantilan
at nagpasyang kitlin ang orasan
habang puno ng pantal ang aking isipan
na ang tanging laman
ay ikaw at ikaw lamang.

 

Advertisements

16 thoughts on “Buwan, Bituin, Bantilan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s