Walang Pagkakaibang mga Dapithapon

kuha ng may-akda sa Bulan, Sorsogon

kuha ng may-akda sa Bulan, Sorsogon

Abala ang bantay ng palaisdaan sa pagsusulsi ng lambat
na daantaon nang nakatiwangwang
sa inaagiw na sulok ng kubo.

Naghuhugas naman ng pinagkainan ang maybahay
sa naghihingalong poso na balot ng kalawang,
habang nagpupuyos ang alinsangan.

Samantalang ang kanilang bunso
ay nahihimbing sa nisnis na duyan
at inuugoy ng hanging umiihip pakanluran.

Tahimik ang kabahayang nasusukluban ng pawid;
naiinip sa mabagal na pag- usad ng oras,
nauumay sa walang pagkakaibang mga dapithapon.

Advertisements

One thought on “Walang Pagkakaibang mga Dapithapon

  1. Pingback: 10 Bagay na Magpapaalala Sa Akin na “Lila Ang Kulay ng Pamamaalam” | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s