Mali Ka

kuha ng may-akda sa Clark, Pampanga

kuha ng may-akda sa Clark, Pampanga

Mali ka.
Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada ay liliko ako sa kanan,
at ikaw sa kaliwa.
Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap,
ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan.
Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas,
upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata.
Hindi kita niyakap nang ilang ulit (nakaw man, matagal o mahigpit)
upang sa pagkalas ng mga braso ko sa’yong katawan ay maramdaman mong iniiwan kita.
Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali, at gabi
upang sa muli mong paggising kinabukasan ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa paglikha.

Mali ka.
Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Advertisements

15 thoughts on “Mali Ka

  1. Hello po! Hindi talaga ako matahimik hehe. Kayo po pala ang orihinal na sumulat nito? Gandang ganda po kasi ako kaya nirepost ko pa sa FB nung Bonifacio Day sa FB. Paniwalang paniwala pa naman ako na sulat talaga yun ni Bonifacio kay Ka Oryang. ❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s