Mali Ka

kuha ng may-akda sa Clark, Pampanga

kuha ng may-akda sa Clark, Pampanga

Mali ka.
Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada ay liliko ako sa kanan,
at ikaw sa kaliwa.
Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap,
ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan.
Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas,
upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata.
Hindi kita niyakap nang ilang ulit (nakaw man, matagal o mahigpit)
upang sa pagkalas ng mga braso ko sa’yong katawan ay maramdaman mong iniiwan kita.
Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali, at gabi
upang sa muli mong paggising kinabukasan ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa paglikha.

Mali ka.
Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

19 thoughts on “Mali Ka

  1. Hello po! Hindi talaga ako matahimik hehe. Kayo po pala ang orihinal na sumulat nito? Gandang ganda po kasi ako kaya nirepost ko pa sa FB nung Bonifacio Day sa FB. Paniwalang paniwala pa naman ako na sulat talaga yun ni Bonifacio kay Ka Oryang. ❤

  2. So ikaw po pala talaga??? Ang danda po. Isa rin po ako sa nag-akalang si Lolo Andres talaga ang lumikha ng sulat na iyon. Haha, grabe ka po. Lodi na po kita. 😂😂😂😂😂😂

  3. Magandang araw po G. Deldoc! Kasalukuyan po kaming gumagawa ng fact checking bilang proyekto po namin sa isa po naming asignatura at ang Liham ni Andres para kay Oryang po ang gagawan namin ng fact check. Itatanong ko lang sana po kung itong gawa ninyong tula na “Mali Ka” ay nagawa na ninyo noong 2013 at idinagdag niyo lang po sa liham ni Andres na sinulat niyo sa taong 2016. Tama po ba G. Deldoc? Maraming salamat po!

Leave a reply to kalyosakanangpalasinsingan Cancel reply