Salamat Pa Rin

kuha ng may-akda sa Infanta, Quezon

kuha ng may-akda sa Infanta, Quezon

Pinasakay mo ko sa ulap
Kung saan sabay nating minasdan
Ang tayog ng ating mga panaginip at pangarap.

Sinalo mo ang nahulog na bulalakaw,
isang gabing hindi natin maaninag ang liwanag ng buwan.
Inabot mo sa palad ko ang pumanaw na bituin.
Napaso ako kaya’t dagli mong hinipan ang lapnos sa aking kamay
na ilang segundo lang ay agad na nagtubig.

Tumahimik ka at pinakinggan ko ang iyong paghinga.
Kinuyom ko ang aking palad
at tuluyang namatay ang apoy na aking tangan.

Noon ko naunawaan na ito ang regalo mo sa ating kaarawan.
Noon ko naintindihan na kailangan kong humiling muli
dahil ikaw, tulad ng talang ibinigay mo sa akin,
gaano man kaningning ay mapupundi rin.

Pero salamat pa rin dahil minsan tayong nagsalo sa iisang alapaap.
Salamat dahil nang talikuran ako ng mundo, nanatili ka at sa aki’y yumakap.
Salamat dahil nung hindi ko na kayang magmahal, mas minahal mo ako.

Salamat pa rin kahit naligaw tayo’t nagkahiwalay sa lawak ng langit.
Salamat pa rin dahil nung hindi na kita makita, nakita kong muli ang sarili kong nawaglit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s