Ngayon Pa Ba Matatakot

kuha ng may-akda sa Morong, Bataan

kuha ng may-akda sa Morong, Bataan

Ngayon pa ba ako matatakot amining mahal pa rin kita
Kung kailan wala nang maniniwala sa bibitiwan kong salita.
Kahit ang sarili kong tenga ay nagsasara
sa tuwing mahahagip ng mga ligaw na pangungusap ang iyong pangalan.
Wala nang makakarinig sakali mang isigaw ko
na hindi pa rin kita nakalilimutan.

Ngayon pa ba ako matatakot aminin ang katotohanan na sa tuwing gumigising ako sa umaga,
naaalala ko ang daan-daang umaga
na ang nakapinid mong mata ang aking bukang liwayway.
Bago bumangon sa malamig na kama ay binabalikan ko ang aking mga panaginip;
Nagbabakasakaling kagabi sa’king mababaw na pagtulog ay kasama kita.

Ngayon pa ba ako matatakot aminin sa sarili ko
na sa bawat kantang umeere sa radyo,
ang naririnig ko ay hindi ang titik o ritmo,
kundi ang boses mo at ang ating kwento
na sabay nating hinabi noon ngunit mag-isa kong hinahanapan ng buhol ngayon.

Ngayon pa ba ako matatakot amining mahal pa rin kita
Kung kailan batid kong wala naman nang mawawala.
Kung marinig mo man ako o masabi ito sa’yo ng sinumang makababasa,
alam kong hindi na ganoon kahalaga.
Dahil hindi tulad ko, matapang ka.
ahil hindi tulad ko, hindi ka natatakot aminin sa sarili mo, sa iba, at sa akin,
na may mas higit na karapat dapat aa alay mong pagtingin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s