In Retrospect: 20 Dula ng 2013

Unang beses kong maglathala ng talaan ng mga dulang aking napanood. Hindi sa nagmamayabang o nagmamarunong sa larangan ng pagtatanghal — layon lamang nito na ibahagi ang aking mga karanasang kultural sa nagdaang taon at ipahayag ang aking mga papuri sa mga sumusunod na produksyon:

17.  KINANG SA ULING
Panulat:  Ronaldo Tombokon
Direksyon:  –
Likha ng:  Barasoain Kalinangan Foundation
Patok points:  mabisa ang pagganap ng pangunahing aktor (isang workshopper)

16.  HACIENDERO
Panulat:  Yuri Sta. Maria
Direksyon:  Yuri Sta. Maria
Likha ng:  Evangelical Baptist Church (UPLB)
Patok points:  hindi ka kailanman bibiguin ng musika ng isang Yuri Sta. Maria

Ang Haciendero ay dulang tigib sa pag-ibig, pag-asa, at pananampalataya.

Ang Haciendero ay dulang tigib sa pag-ibig, pag-asa, at pananampalataya.

15.  IBALONG
Panulat:  Rody Vera
Direksyon:  Tuxqs Rutaquio
Likha ng:  Tanghalang Pilipino
Patok points:  ang tunay na nagustuhan ko rito ay ang disenyo ng produksyon at galaw

Ang Ibalong ay isang ethno-musical na naglalahad ng epiko ni Hadyong.

Ang Ibalong ay isang ethno-musical na naglalahad ng epiko ni Hadyong.

14.  CYBER.COM
Panulat:  Chrispolo Allan Abuan
Direksyon:  –
Likha ng:  Barasoain Kalinangan Foundation
Patok points:  mahusay ang pagkalikha sa dulang ito na isinulat ng isang workshopper ng BFKI;  nakakatawa at tunay na napapanahon

Ang Cyber.com ay tumatalakay sa mga isyung kakambal ng responsableng paggamit ng social media.

Ang Cyber.com ay tumatalakay sa mga isyung kakambal ng responsableng paggamit ng social media.

13.  CHIPLINE
Panulat:  Dominique La Victoria
Direksyon:  Charles Yee
Likha ng:  Virgin Lab Fest 9
Patok points:  sapat nang banggitin na ang dulang ito ay nakasulat at itinanghal gamit ang wikang Bisaya

Ang Chipline ay kwento ng 3 kabataan na aagawan ng palaruan dahil sa ipinatatayong pribadong zipline.

Ang Chipline ay kwento ng 3 kabataan na aagawan ng palaruan dahil sa ipinatatayong pribadong zipline.

12.  THE PRODUCERS
Panulat:  Brooks and Thomas Meehan
Direksyon:  Jaime del Mundo
Likha ng:  Repertory Philippines
Patok points:  funny, sunny, and gay

Ang The Producers ay sumasalamin sa masalimuot na sining/negosyo/proseso ng pagbuo ng isang produksyon.

Ang The Producers ay sumasalamin sa masalimuot na sining/negosyo/proseso ng pagbuo ng isang produksyon.

11.  DER KAUFFMAN: ANG NEGOSYANTE NG VENECIA
Panulat:  Rody Vera
Direksyon:  Tuxqs Rutaquio at Rody Vera
Likha ng:  Tanghalang Pilipino
Patok points:  papuri sa malaman, matalim, at matalinhagang teksto;  gayundin sa kapuri-puring pagganap ng mga aktor

Ang Der Kauffman ay adaptasyon ng dulang Merchant of Venice ni Shakespeare.

Ang Der Kauffman ay adaptasyon ng dulang Merchant of Venice ni Shakespeare.

10. TATLO PANG KWENTO NI LOLA BASYANG
Panulat:  Christine Bellen
Direksyon:  Roxanne Lapus
Likha ng:  Ballet Manila
Patok points:  puno ng salamangka ang palabas na ito; dahil dito, mas lalo kong nabigyang halaga ang sayaw bilang paraan ng paglalahad ng naratibo

Itinatampok sa Tatlong Kwento ni Lola Basyang ang mga sumusunod: Ang Palasyo ng mga Duwende, Labindalawang Masasayang Prinsesa, at Anting-Anting.

Itinatampok sa Tatlong Kwento ni Lola Basyang ang mga sumusunod: Ang Palasyo ng mga Duwende, Labindalawang Masasayang Prinsesa, at Anting-Anting.

9.  R’MEO LOVES JOEL
Panulat:  Rody Vera
Direksyon:  Tuxqs Rutaquio
Likha ng:  Tanghalang Pilipino
Patok points:  para sa isang recital performance, ito ay “much appreciated”; ang kulit/kiliti ng teksto ay napaigting ng direksyon at mga pagganap

Ang dula ay hango sa Romeo and Juliet ni Shakespeare. Dalawang lalaki ang bida sa dulang ito.

Ang dula ay hango sa Romeo and Juliet ni Shakespeare. Dalawang lalaki ang bida sa dulang ito.

8.  SANCTUARIO
Panulat:  Yuri Sta. Maria
Direksyon:  Yuri Sta. Maria at Roxanne Flores
Likha ng:  Students of Destiny (UPLB)
Patok points:  si Yuri ay isinilang upang magkwento gamit ang kanyang musika

Ang Sanctuario ay kwento ng pangarap, pagtanggap, at paglingap.

Ang Sanctuario ay kwento ng pangarap, pagtanggap, at paglingap.

7.  OPERATION BALIK-TAO: INSPIRASYON MULA SA RUR
Panulat:  Layeta Bucoy
Direksyon:  Elmer Rufo
Likha ng:  Sigma Theta Delta (UPLB)
Patok points:  panalo ang paggamit ng LED lights sa costume ng mga robot; contemporary love story + UPLB old love songs = orgasm

Ang Operation Balik-Tao ay naglalahad ng kwento ng pag-ibig sa panahon ng mga robot.

Ang Operation Balik-Tao ay naglalahad ng kwento ng pag-ibig sa panahon ng mga robot.

6.  SANDOSENANG SAPATOS
Panulat:  Layeta Bucoy
Direksyon:  Tuxqs Rutaquio
Likha ng:  Tanghalang Pilipino
Patok points:  paborito ko ang librong ito kaya’t kapana-panabik matunghayan ang pagsasabuhay nito sa entablado; papuri sa paggamit ng roller blades bilang theatrical device; kay ganda ng mga awit

Ang wagas na pagmamahal ng isang ama ang puso ng dulang Sandosenang Sapatos.

Ang wagas na pagmamahal ng isang ama ang puso ng dulang Sandosenang Sapatos.

5.  ISANG DAAN
Panulat:  Liza Magtoto
Direksyon:  Ed Lacson Jr.
Likha ng:  Virgin Lab Fest 9
Patok points:  isang inspirasyon para sa katulad kong nagsisimula pa lamang linangin ang kakayahan sa pagsulat ng dula; hindi ito kikilalaning Best One-act Play ng taon nang walang dahilan

Ang Isang Daan ay isang socio-politikal na dulang nakasentro sa pag-aagawan ng mga tauhan sa isang makasaysayang kalsada.

Ang Isang Daan ay isang socio-politikal na dulang nakasentro sa pag-aagawan ng mga tauhan sa isang makasaysayang kalsada.

4.  CARRIE
Panulat:  Lawrence D. Cohen
Direksyon:  Bobby Garcia
Likha ng:  Atlantis Productions
Patok points:  “spectacular” marahil ang angkop na pang-uri para sa dulang ito; masayang makita na ang dating kasalo sa entablado (sa katauhan ni Yanah Laurel) ay pumapalaot na sa mas mapanghamong tanghalan

Ang Carrie ay batay sa nobelang isinulat ni Stephen King.

Ang Carrie ay batay sa nobelang isinulat ni Stephen King.

3.  ANG BUHAY AY PELIKULA
Panulat: Dennis Marasigan
Direksyon: Jethro Tenorio
Likha ng:  ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs (Ateneo ENTABLADO)
Patok points:  espesyal sa akin ang dulang ito na nagdulot ng matinding nostalgia (ginawa namin ang dulang ito sa UPLB noong 2007); mas naunawaan ko ang dula at ang mga lunggati ng mga tauhan matapos itong mapanood sa ibang tanghalan

Ang Buhay ay Pelikula ay dulang nagpapakita ng magulong mundo at industriya ng paggawa ng pelikula sa Pilipinas.

Ang Buhay ay Pelikula ay dulang nagpapakita ng magulong mundo at industriya ng paggawa ng pelikula sa Pilipinas.

2.  COLLECTION
Panulat:  Floy Quintos
Direksyon:  Dexter Santos
Likha ng:  Dulaang UP
Patok points:  ramdam na ramdam ang catharsis sa pagsasara ng tabing; kapuri-puri ang direksyon, pagganap, at disenyo ng produksyon; hindi mananalo sa Palanca ang dulang ito nang wala ring dahilan

Ang Collection ay isang matalinong dula ukol sa kasaysayan at kasakiman.

Ang Collection ay isang matalinong dula ukol sa kasaysayan at kasakiman.

1.  HIMALA THE MUSICAL
Panulat:  Ricky Lee at Vince de Jesus
Direksyon:  Alejandro ‘Bong’ Ramos
Likha ng:  ATG Entertainment Production (PUP)
Patok points:  mahusay ang direksyon at musika; dahil sa dulang ito, mas lalong lumutang ang ganda at halaga ng teksto; masarap panoorin ang mga bagong mukha na nagbibigay kulay, buhay, at hustisya sa mga pamilyar na karakter

Ang Himala ay unang napanood bilang isang pelikula na idinerehe ni Lino Brocka.

Ang Himala ay unang napanood bilang isang pelikula na idinerehe ni Lino Brocka.

***
Narito naman ang 3 dula na naging mahalagang bahagi ng aking 2013. Isang natupad na pangarap, isang ‘di inaasahang tagumpay, at isang hudyat ng mayabong na bukas.

*OWEL
Panulat:  Eljay Deldoc
Direksyon:  Marlon N. Rivera
Likha ng:  Virgin Lab Fest 9

Ang Owel ay nabigyan ng nominasyon sa 26th Aliw Awards para sa pinakamahusay na dulang hindi musikal.

Ang Owel ay nabigyan ng nominasyon sa 26th Aliw Awards para sa pinakamahusay na dulang hindi musikal.

*RAMON BAUTISTAR AND HIS TALES FROM ‘D FRIENDZONE
Panulat:  Eljay Deldoc
Direksyon:  Ron Binas
Likha ng:  Tabsing Kolektib (UPLB)

Ang Ramon Bautistar ay umani ng palakpak at papuri mula sa komunidad ng UPLB.

Ang Ramon Bautistar ay umani ng palakpak at papuri mula sa komunidad ng UPLB.

*ANG FAVORITE BOOK NI JUDE
Panulat:  Eljay Deldoc
Direksyon:  Ron Binas, Dan Dagondon, Tracy Quila
Likha ng:  Tabsing Kolektib (UPLB)

Ang Favorite Book ni Jude ang launching production ng Tabsing Kolektib.

Ang Favorite Book ni Jude ang launching production ng Tabsing Kolektib.

Bukas na ang tabing para sa 2014. Handa na ako sa mga surpresang hatid ng pinakaiibig kong sining.

_______________________

Ang mga larawang ginamit ay mula sa mga official website o/at Facebook page ng mga nabanggit na produksyon.

Advertisements

4 thoughts on “In Retrospect: 20 Dula ng 2013

  1. Puwede ba kita samahan manood ng nasa talaan mo para sa 2014? Alam mong isang text o PM lang, andyan na ako. 🙂 Miss you!

  2. Pingback: In Retrospect: 32 Dula ng 2014 | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s