Owel

*Ang dulang Owel ay unang itinanghal sa Virgin Labfest 9 ng Cultural Center of the Philippines. Ito ay tumanggap ng nominasyon sa 26th Aliw Awards para sa 2 kategorya: Best Non-musical Play at Best Director for Non-Musical Play (para kay Marlon N. Rivera).

Owel's medical examination unlocks a story of loss, romantic petition, and gender discussions. Sexual innuendos, mentions of heartbreak, and personal strife are juxtaposed against the clinical atmosphere of an infirmary in Makati. Two ex-lovers attempt closure over stool samples and urine examinations staying true to the genre of black comedy plays.

Owel’s medical examination unlocks a story of loss, romantic petition, and gender discussions. Sexual innuendos, mentions of heartbreak, and personal strife are juxtaposed against the clinical atmosphere of an infirmary in Makati. Two ex-lovers attempt closure over stool samples and urine examinations staying true to the genre of black comedy plays.

(sipi mula sa dulang may isang yugto)

MGA TAUHAN

OWEL        24, yuppie, good looking, maganda ang pangangatawan
CECILIO    19, nursing student, attractive, may pagka-snob
MGA NURSE AT DOKTOR NG MEDICAL DIRECT

Sasalubungin ni MS. JANET, ang x-ray technician, sina OWEL at CECILIO.

CECILIO: Ms. Janet— (iaabot ang folder)

MS. JANET: Dito po sa loob, sir.

OWEL: (papasok) Nurse, ikaw? Hindi ka ba papasok?

CECILIO: Si Ms. Janet na po’ng bahala.

OWEL: Pumasok ka na rin dito. Pwede naman, Ms. Janet, di ba?

MS. JANET: Pwede naman po. Upo ka na lang dito. (ituturo ang silya)

Papasok si CECILIO at uupo.

OWEL: (mapapansin ang paskil sa dingding na “If you are pregnant, or think you may be, tell the X-ray technician before the procedure.”) Ms. Janet, pa’no yan? I’m pregnant.

MS. JANET: (matatawa) Ganun ba? E di exempted na lang po kayo sa rule. Maliit pa naman. Patanggal na lang po ng polo.

OWEL: Wait lang, Ms. Janet. Pwede ba muna akong magtanong?

MS. JANET: Pwede, sir. Basta, wag lang Math.

OWEL: May boyfriend po ba kayo?

MS. JANET: Ay ano ba yan?! Mas mahirap pa yan sa Math, sir!

OWEL: (matatawa) Gusto ko lang malaman kung nung kabataan nyo ba, na-experience nyong ma-inlove sa isang lalaki, as in super in love.

MS. JANET: (kikiligin) Lahat naman tayo dumaan sa ganun, sir.

OWEL: Na-experience nyo rin ba na bigla kayong iniwan nung lalaking mahal na mahal nyo nang hindi mo man lang alam kung bakit?

MS. JANET: Bakit nyo naman po naitanong yan, sir?

OWEL: Out of the blue lang, Ms. Janet.

MS. JANET: Ang hirap naman. Bakit hindi mo na lang itanong dun sa nang-iwan sa’yo?

CECILIO: Alam mo, Ms. Janet, sa tingin ko, kung iniwan ka man ng boyfriend mo, alam mo naman ang dahilan kung bakit. Ayaw mo lang talagang tanggapin sa sarili mo yung rason.

MS. JANET: Ganun ba yun? Bakit, Villamora? Nagka-bf ka na ba?

CECILIO: Ang ibig ko lang sabihin, Ms. Janet, baka nagbibingi-bingihan ka lang dun sa ibinigay sa’yong dahilan nung tao. Kasi ang palagi mong gustong marinig ay yung gusto mo lang marinig.

OWEL: Pero Ms. Janet, di ba ang hirap naman sa part mo na wala ka nang narinig galing sa kanya since walk-out-an ka niya sa huli nyong date? Hindi mo man lang alam kung hindi lang ba siya nasarapan dun sa pagkain o inatake ba siya ng diarrhea o namahalan siya sa presyo nung menu?

CECILIO: Excuse me, Ms. Janet—

OWEL: Hindi mo man lang alam, Ms. Janet, kung ano na ang next sa inyo.

MS. JANET: Ay! Mahirap nga naman yun. Kahit sa exam, nakakapagbagabag kapag hula lang ang sagot mo, di ba?

CECILIO: Ms. Janet, hindi yun mahirap. Eh matagal naman na kayong hiwalay. Eh di understood na dapat move on na ang kasunod nun.

OWEL: Hindi ba masyadong fast forward yun? Parang wala naman kayong pinagsaluhang mga moment para basta na lang idisregard yung samahan.

CECILIO: Eh ganun talaga, Ms. Janet. Sa bilis ng usad ng mundo, hindi talaga makakasabay ang mga old-school.

OWEL: Eh pa’no ka naman magmo-move on, Ms. Janet? Eh alam na alam mo at ramdam na ramdam mo na mahal nyo pa ang isa’t isa? Hindi mo man lang ba bibigyan ng another chance yung tao? Yung relasyon?

MS. JANET: Sabagay. Si Lord nga nagbibigay ng second life. Jowa pa kaya?

CECILIO: Ms. Janet, paano kung ilang beses ka nang nagbigay? Ng second, third, or even fourth chance? Hindi ka naman si Lord para hindi maubusan ng ibibigay na biyaya. And most importantly, paano mo pa gagawin yun kung ikaw mismo sa sarili mo, may hindi ka ma-resolve na problema?

MS. JANET: Teka. Ano ba’ng problema?

OWEL: Oo nga! Ano ba’ng problema?

CECILIO: See? Problemang matagal mo nang hinahanapan ng sagot, Ms. Janet, pero hindi mo pa rin masolusyunan. Na kahit ilang ulit mong sabihin dun sa partner mo, hindi ka naman niya maintindihan.

OWEL: Ano yun, Ms. Janet?! Yung hindi mo alam kung ano ka ba talaga?!

MS. JANET: Alam ko, sir. Radiologic technologist ako dito.

OWEL: Yung hindi mo maamin sa sarili mo kung ano talaga yung totoong gusto mo? Yun ba yung hindi mo maresolve, Ms. Janet? Eh mahigit isang taon na kayong magkasama!

CECILIO: Nakita mo na yung point, Ms. Janet? Magiging at peace ka ba kung dinidiktahan ang nararamdaman mo? Na hindi nirerespeto yung kung anumang sinabi at pinagdadaanan mo?

OWEL: Ms. Janet, paano mo tatanggapin yung rason na yun ng pakikipagbreak? Ang tagal nyo nang mag-on pero hindi mo pa rin sigurado sa sarili mo kung ano ka? Ano yun lokohan?

CECILIO: Hindi ako manloloko, Ms. Janet. Bakit ba kung makapagsalita ang ibang tao, akala nila alam nila kung pa’no tumatakbo ang utak at sistema ng kapwa nila? Iiwanan ka talaga kung ganyan kasarado ang isip mo.

OWEL: Ako pa ba ang sarado ang utak, Ms Janet? Eh ikaw na nga ‘tong umintindi sa walang hanggang paghahanap niya sa sarili!

CECILIO: Inintindi mo lang pero hindi mo inunawa.

OWEL: That’s bull shit, Ms. Janet!

CECILIO: Who the hell cares?!

OWEL: Ang selfish, Ms. Janet! Bakit ka pumatol sa relasyon kung hindi ka naman pala sigurado sa pinasok mo?

CECILIO: It’s beyond that, Ms. Janet.

OWEL: Beyond what?! Ms Janet?

CECILIO: If you will just listen to me, Ms. Janet!

MS. JANET: SHUT THE FUCK UP! Radiologic technologist ako hindi chief justice!

Saglit na patlang.

CECILIO: Sa labas na lang ako maghihintay, Ms. Janet. (lalabas)

Isang private medical clinic sa Makati ang tagpuan ng dula. Ito ay itinanghal sa Batute Theatre, CCP.

Isang private medical clinic sa Makati ang tagpuan ng dula. Ito ay itinanghal sa Batute Theatre, CCP.

Bukod sa mga nasa larawan, gumanap din sa dula sina Lynn Sherman at Alessandra de Rossi bilang mga doktor.

Bukod sa mga nasa larawan, gumanap din sa dula sina Lynn Sherman at Alessandra de Rossi bilang mga doktor.

 

Advertisements

8 thoughts on “Owel

  1. Pingback: This is how “Owel” resonates: you realize that this story of an encounter is one that we’ve all had. | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  2. Pingback: Maraming Salamat, The Virgin Labfest | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s