Amorseko | Poster

kuha ng may-akda sa National Museum (Maynila)

kuha ng may-akda sa National Museum (Maynila)

Amorseko

Sa tuwing binabagtas ko, Inang,
ang pilapil naminsang hinalikan
ng iyong mga talampakan,
dumidikit sa akin
ang mga dahon
ng tag
ni-
tag-
ni mong
ala
ala;

kusang kumakapit
sa pantalon,
sa manggas,
sa balat;

mahirap
tang
ga
l
i
n

masakit
kung sapilitang
aalisin.

***

Poster

Sa bawat pahid ko ng pinakuluang gawgaw
at pagdidikit ng papel
lulan ang iyong malungkot na ngiti—
sa mangilan-ngilang poste
na aking nadaraanan—
kumakawala ang alaala ng
huling Linggo na kasama kitang
makinig ng misa.
Nagpupumiglas ang pinunit ko ng imahe
ng mga ‘di kilalang lalaki
na kumaladkad sa’yo palabas
ng simbahan.
Dumudungaw ang aking luha
sa tuwing mababasa ko
ang mga titik na
“ n   w   w   a   l   a ”
sa ilalim ng iyong pangalan.
Subalit batid ng nagluluksa kong puso
na hindi dapat pagapi
sa pangungulila—
sa mga araw na hinahanap-hanap ko
ang iyong sipol at pagsaway,
sa mga gabing hinehele ako
ng mga kuliglig
sa pagtanaw sa bintana.
Dahil
sa bawat pahid ko ng pinakuluang gawgaw
at pagdidikit ng papel
lulan ang iyong malungkot na ngiti—
sa mangilan-ngilang poste
na aking nadaraanan—
nararamdaman kong ika’y
nasa tabi ko lang, Tatang.

Advertisements

One thought on “Amorseko | Poster

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s