5 Tula na Magpapaibig Sa’yo sa mga Salita

Ibinabahagi ang mga sumusunod tula na hindi na kailanman nawaglit pa sa isipan ng may-akda…

1.  Sa Tabi ng Dagat
ni Ildefonso Santos

Sa_Tabi_Ng_Dagat_by_Caraviel
“Pagdadapithapon,
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon:
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan…”

Basahin:  http://churlaloo.wordpress.com/2011/01/10/sa-tabi-ng-dagat-ni-ildefonso-santos/

2. Ang Pamana
ni Jose Corazon de Jesus

Mother and Child by Beth Bato
“Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Basahin:  http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-pamana-ni-jose-corazon-de-jesus.html

3. Ang Guryon
ni Ildefonso Santos

images
“Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.”

Basahin:  http://myegotism.wordpress.com/2011/08/10/ang-guryon-ni-ildefonso-santos/

4. Sapagkat Hindi Delubyo ang Kanyang Pangalan
ni Emmanuel V. Dumlao

evers-typhoon
“siya ang alon na naghatid ng sanlaksang putik
at nagpabulwak sa dagat ng ating hinagpis,
pero hindi delubyo ang kanyang pangalan;
titigang maigi, titigan ang kanyang mukha
at tuntunin ang bukal ng ating mga luha:”

Basahin:  http://www.acpfi.org/?page=news&action=details&categ=Literary&code01=LS09200049

5. Anatomiya ng Halik
ni Carlos Piocos III

R143000A
“Sa sandaling iyon, napagtanto nilang ang
mga saglit ng kaligayahan ay tinatantiya lamang
ng lakas ng kanilang mga baga, at magagagap
lamang ang pag-ibig sa mga pagkakataon ng
pagpipigil-hininga. Tinanggap nila ang pagiging mortal:
ang nakaambang pagbitaw at pagkalunod sa mga pansamantala.”

Basahin:  ika-6 na pahina sa http://fc05.deviantart.net/fs40/f/2009/051/0/1/Philippine_Collegian_issue_25_by_kule_0809.pdf

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s