Intensity nga Naman (o kung paano harapin ang post prod syndrome ng Overheard)

Overheard narrates the life of 4 UPLB students who have different dreams and dilemmas as students, friends, and lovers. Their experiences reflect everyday UPLB life — simple yet complex, free but restricted, exhilirating but also grounded on reality. Though it’s a mishmash of the online community’s most popular stories from different campuses over the years, it also tries to capture current UPLB culture.

Overheard narrates the life of 4 UPLB students who have different dreams and dilemmas as students, friends, and lovers. Their experiences reflect everyday UPLB life — simple yet complex, free but restricted, exhilirating but also grounded on reality. Though it’s a mishmash of the online community’s most popular stories from different campuses over the years, it also tries to capture current UPLB culture.

Mangilan-ngilan lang ang pasahero ng HM bus na kinalululanan ni Levi. Nakaupo siya sa bandang likuran, yakap-yakap ang itim na sling bag na naglalaman ng bagong print na resume. Pakiramdam niya, naka-fan lang ang aircon ng bus. Mabuti na lang at hindi ganoon kaalinsangan. Dala marahil ng inip, hinawi ni Levi ang pulang kurtina sa tabi. Napangisi na lamang siya nang matanaw sa bintana ang maliit na gusali ng Soft Pillow. Intensity nga naman. ‘Sing bilis ng mga humaharurot na jeep pa-College, nagsalimbayan sa isip niya ang maraming alaala. Naantala lamang ang kanyang pananaginip nang tumunog ang cellphone sa bulsa niya.

Nakatitig sa malamlam na ilaw ng IC’s si Gelay nang lumapit sa kanya ang waiter para iabot ang pangatlong bote niya ng Red Horse. May isang kaha ng Pall Mall sa kanyang mesa na sadya niyang ‘di binubuksan. May plato rin ng french fries na halos ‘di pa niya nagagalaw. Sa gitna ng nakabibinging katahimikan, hindi magkamayaw ang napakaraming  isipin sa utak ni Gelay. Mayamaya, pumailanlang sa loob ng bar ang boses ni Adele. Intensity nga naman. Naramdaman niya na nangilid ang kanyang luha. Nang buksan niya ang bag para kunin ang panyo, nahagip ng kanyang mata ang kanyang visa. Tuluyan siyang lumuha nang tahimik.

Walang tao sa tambayan nang dumating si Barbi. Dala niya ang isang paper bag na may lamang mga frat shirt na isasauli niya sana sa brods. Dala niya rin ang makulay na payong na pinaburdahan niya ng pangalan. Pinigilan ni Barbi ang sarili na umupo sa tambayan. Alam niyang hindi na siya bahagi ng organisasyon. May kaunting lungkot siyang nararamdaman. Pero nadadaig naman ito ng katuwaang hatid ng kanyang kalayaan. Dala marahil ng malalim na pag-iisip,  hindi napansin ni Barbi ang paglapit ng isang batang lalaki na nagtitinda ng sampagita. Wala siyang maiabot na barya sa nangungulit na paslit. Kaya para di na maabala ang kanyang pag-eemote,  ibinigay na lamang ni Barbi ang makulay niyang payong. Malugod namang tinanggap ng bata. Pakanta-kanta pa ito ng Let It Go habang naglalakad papalayo. Napailing na lamang si Barbi. Intensity nga naman.

Gusto sanang sumigaw ni Rexy sa kalawakan ng Freedom Park habang nakatayo siya sa stairs ng DL Umali. Natakot lang siya na baka may dumaang CSB. Nagkasya na lang tuloy siya sa pagtitig sa malaking mural sa lobby ng auditorium. Sa kanyang haraya, tinatawid ng mga mata ni Rexy ang salaming pintuan at ang pader na kinalalagyan ng mural. Hindi niya maisip kung ngingiti ba siya o iiyak habang malaya niyang tinatanaw ang entabladong itinuring na niyang tahanan. Tila naririnig pa niya ang mga hiyaw at palakpak ng mga kaibigang palagi nang nakasuporta sa kanyang mga palabas. Ilang saglit pa, dahan-dahan nang ipinikit ni Rexy ang mga mata,  gaya nang dahan-dahang pagsasara ng tabing. Sa kadiliman, nakita niya ang pagbubukas ng ‘di mabilang na ilaw. Tumitig siya sa mga ito na tila ba hindi nasisilaw. Sa muling pagdilat ni Rexy, sinalubong ng kanyang mga mata ang naghahalong dilaw at kahel sa malawak na alapaap ng Elbi.

Paubos na ang huling yosi ni Jorge pero hindi pa rin tapos ang pinapa-print niyang tarp sa Signeffex. Kanina pa rin siya tinetext ng mga brods na ngayon ay nasa San Pablo na para sa kanilang community service. Dala marahil ng stress, hindi na rin niya napansin ang dalawang ulit na pagtawag ni Bok. Ayaw rin muna niyang makausap ang batchmate dahil ayaw niyang siya ang tumanggap sa isasauli nitong mga gamit. Sa kabilang banda, hindi na masyadong nagtatampo si Jorge sa hindi pagpunta ni Bok sa induction niya bilang bagong presidente ng frat.  Naintidihan naman niya ang dahilan ng kaibigan. Hindi pa lang niya nareresolba sa sarili kung paanong hindi na niya makakasama sa kahit na anong activity o alumni homecoming ang taong nagturo sa kanya kung paano maging tunay lalaki. Mayamaya ay tinawag na si Jorge ng kuyang nagpiprint ng tarp. Ipinakita sa kanya ang finish product. Walang laude sa brods nya ngayong taon. Pero sapat nang nasa listahang iyon si Bok.

Sa sulok malapit sa CR ng Cafe Antonio, inuunti-unti ni Jestine ang frappe na inilibre sa kanya ng boss niya. Last day na niya kasi sa trabaho. Natatawa siyang isipin na dati ay nagkakasya na siya sa 3-in-1 na kape, ngayon ay may whipped cream pa. Intensity nga naman. Habang ninanamnam ang mamahaling inumin, naisip ni Jestine na ang bilis nga ng usad ng panahon. Bukas-makalawa, nasa college na rin ang mga kapatid niya. Bukas-makalawa, aayain na siyang magpakasal ni Levi. Handa na siya doon sa una. Pero sa ikalawa, mukhang kailangang makailang tasa pa siya ng kape. Habang masayang inaalala ang mukha ng kababata, nahagip ng mata niya ang dumaang DLTB bus. Naalala ni Jestine na ngayon ang interview ni Levi sa Makati. Agad niyang kinuha sa bulsa ang cellphone upang itext ang kaisa-isang instructor na nagbigay sa kanya ng uno.

Katatapos lang maglinis ng apartment ni Ian kaya ngayon lang siya nagkaroon ng oras na dumaan sa campus. Plano niyang puntahan ang dorm ni Rexy kung saan naiwan si Teddy Bear. Isasama niya sa pag-uwi niya after graduation. Makailang ulit din siyang sumilip-silip sa entrance ng dorm; nagbabakasakaling may makitang kakilala. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pang dumadaang estudyante. Ilang saglit pa ay nagdesisyon na si Ian na umikot sa may laundry area ng dorm; magbabakasakaling may tao doon. Hindi naman siya nabigo. May nakita siyang nakatayo sa may lababo. Yung dating roommate ni Rexy na SA ni Levi. Intensity nga naman. Tatawagin na sana niya ang babae nang maalala niya na hindi niya alam ang pangalan nito.

Napansin din ni Ian na may nililinis ang babae gamit ang isang orange na tooth brush. Si Teddy Bear. Halatang maalikabok na ang balahibo pero matamis pa rin ang pagkakangiti. Habang malamyos na umiihip ang hangin, nanumbalik sa alaala ni Ian ang huling gabi na kasama niya si Belle. Pero ‘di tulad noon, hindi na siya nasasaktan. Narinig niyang hina-hum ng roommate ni Rexy ang isang pamilyar na kanta. Sinubukan niyang huwag kumanta. At sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang ilang buwan, nagtagumpay si Ian.

————————-

Tingan ang mga link na ito para sa iba pang detalye ukol sa Overheard:
http://www.rappler.com/bulletin-board/51816-overheard-up-play
http://www.yupielbi.org/post/78603688128/overheard-at-up-now-a-theatrical-production#notes
http://prinsesamusang.wordpress.com/2014/03/13/overheard-by-up-lb-tabsing-kolektib-good-show/

Advertisements

6 thoughts on “Intensity nga Naman (o kung paano harapin ang post prod syndrome ng Overheard)

  1. tangina kuya eljay, ang daming feels! ang ganda nung kwento nila gelay, bok, jorge at ian 😀 kaso bakit ipinamigay ni Bok yung payong? awtsu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s