Tayo ang Pamantasan

Ang dulang ito ay itinanghal ng Center Stage Guild para sa Poknatan 2008, isang paligsahan na inorganisa ng UP Society of Agricultural Engineering Students. Muli kong binubuhay ang ilang bahagi nito para ialay sa mga kaibigan at kapwa iskolar sa UPLB na magsusuot na ng sablay sa April 26.

***

Walang makakapalit sa ligaya at luhang ibinigay  sa akin ng LB. Dito ako sumaya, dito ako lumaya.

Walang makakapalit sa ligaya at luhang ibinigay
sa akin ng LB. Dito ako sumaya, dito ako lumaya.

 

Hinihingal na papasok si Student. Halatang natatakot na lumapit kay Mother.

Student: (kumakain ng meal sa Ministop) Akala ko po isasama nyo si Ate?
Mother: (kumakain ng KFC) Hindi naman pala masarap ‘tong manok nila.
Student: Kamusta na nga po pala si Papa?
Mother: Masyadong maharina. At itong fries, konti na nga, maliliit pa.
Student: (nahihiya) Ma, may problema po ba?
Mother: Itong manok ko, napakaalat.
Student: Wag nyo na lang po kainin. Baka makasama sa inyo.
Mother: Naku, sayang naman. Ang mahal kaya nito. At tsaka alam ko na kung ano ang makakasama sa’kin.
Student: Buti po dumalaw kayo. Miss nyo na ako no?
Mother: Nakakauhaw.
Student: Bili ko po kayo ng soft drinks.
Mother: E di lalo lang akong nauhaw… Babagsakin!
Student: Ma?
Mother: (popormal) I received the copy of your grades last week.
Student: Ma sasabihin ko naman po ka—
Mother: 21 units! 4 major subjects, 3 GE courses, 2 PE. Ang ipinasa mo, PE1 at Psychology 1. Dismissed. Pero ang sabi mo, naka-reg ka this sem. Wonderful!
Student: Ma, I’m sorry.
Mother: When I was in college, isa lang ang goal ko. Ang makatapos. Bonus na sa akin ang pagiging magna. Ikaw, do you have any goals? O alam mo man lang ba ang meaning ng goal?
Student: Yes, Ma.
Mother: No. You do not know. Dahil mana ka sa tatay mo. Son, you are in UPLB. The premiere university in the whole… Los Banos. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?
Student: Ma hindi ko kayang maging ikaw!
Mother: Hindi mo kaya?! Hindi mo kayang mabuhay na nagbabasa ng libro? Ng pina-photocopy na handouts? Hindi mo kayang mag-aral para sa exams? Hindi mo kayang gumawa ng papers? Hindi mo kayang tapusin ang thesis mo? ANO’NG KAYA MO? Yung kung ano lang ang kayang gawin ng mga college students sa may Lopez Avenue at El Danda?
Student: Ma, ang edukasyon ay hindi lang sa loob ng classroom nakukuha. Mas maraming mapupulot sa lansangan, sa labas, sa totoong mundo.
Mother: Wow. A typical UPian. Liberal. Activist. Student leader. At ano’ng mapupulot mo sa kalsada? May mapupulot ka bang diploma roon na pwede mong idisplay sa bahay. Anak, nag-aral din ako dito. Alam ko ang buhay UP, ang buhay org na isinasabuhay mo. Pero nung panahon namin, we know how to manage our time. Balance. We know our priorities. Ikaw? Balak mo man lang ba grumaduate on time?
Student: Quality education takes time, Ma! And I will graduate on time no matter how long it takes.
Mother: Nagbago na nga ang UP.
Student: Walang nagbago, Ma. Iba lang ang pananaw nyo.
Mother: Mas angkop kaysa sa pananaw na mayroon kayo.
Student: Angkop nung panahon nyo.
Mother: UP is about quality education.
Student: UP is also about fighting for free education for all. Hindi lang sa notebook at sa blackboard natuto ang mga estudyante.
Mother: (iinom) Matabang na ang iced tea mo! (mag-wo-walkout)

Student: (monolog) Iskolar ng bayan ang tawag sa’kin. Ang tingin ng lahat, matalino ako, mahilig mag-aral. Ang totoo, ganun ako… ung freshman. Nung wala pa akong pakialam. Nung NF pa lang ako at ang tanging alam ko ay magkulong sa dorm at kumain sa IRRI kasama ang mga blocmates ko. Pero narealize ko na hindi lang ganun ang isang isko o iska. Dapat alam mo rin kung paano i-maximize ang absences, kung paano magkaroon ng instant sakit para sa instant med cert, kung paano mag-aral an hour before the exam, at kung paano busugin ang sarili sa pancit canton o Meal 1 ng papus. Sa UP, hindi lang ikaw at ikaw. Dapat, patunayan mo na iskolar ka rin para sa bayan. Walang kasing sarap ang makapag-held ng isang successful activity na nakatulong sa mga nangangailangan. Umabot ng 100 years ang UPLB dahil alam ng mga estudyante na ang tunay na hamon ay nasa labas ng kampus. Sana maintindihan ako ni Mama.

Papasok ang BF ni Student.

Student: Oi, Joshua! (lalapit) Isang linggo mo na akong hindi kinokontak.
BF: Busy lang ako.
Student: 6 units ka na lang ah. Ano’ng haggard dun?
BF: Syempre, may mga kasamang units pa sa gimiks, moni, tambay… alam mo yun. Social life!
Student: Ineenjoy mo ang natitira mong sem?
BF: Parang ganun na nga. May taning na buhay ko dito e. Mas okay na yung masulit ko di ba.
Student: Iiwan mo na ko?
BF: Maraming mahirap iwan dito sa Lb. Una, yung apartment kung saan madalas mag-inom ang mga tao. Ilang beses ka ring sumuka don at ilang beses din tayong kinatok ng landlord at inireklamo ng mga alive-alive nating kapitbahay. Tapos yung tambayan ng org. Aba, second home ko yun. Maraming memories ang nabuo dun with our brods and sisses.
Student: At dun tayo nagkakilala…
BF: Mahirap din ilet-go ang LB Square, Batcave, Bugong, at syempre ang Ellens. Pag uwi ko sa probinsya, di ko na yun matitikman. Sarap pa naman nun.
Student: Parang ako?
BF: Parang yung pagtambay sa Freedom, sa Cpark, sa Humsteps. Yung pakiramdam na relax ka lang kasi walang laboratory or napostpone ang exam. Parang kapag nanood ka ng play, o nakikikain ka sa opentam at orientation ng mga frat at soro, o yung simpleng pagkain ng proben. Hay, the best! Mahal na mahal ko ang UPLB!
Student: Mahal na mahal din kita Joshua.
BF: Pero kung minsan kailangan natin tanggapin na may ending ang lahat ng bagay. Dito sa UPLB, lahat possible. Lahat pwedeng pangarapin. Dahil hindi naman ‘to totoo. Pagpunta natin sa totoo nating mundo, baka wala talagang puwang para sa atin.
Student: Tayo… tayo ang totoo.
BF: Babaunin ko lahat ng alaalang bigay sa akin ng UPLB.
Student: May iba na ba?
BF: Wala. Walang makakapalit sa ligaya at luhang ibinigay sa akin ng LB. Dito ako sumaya, dito ako lumaya.
Student: Dito tayo nagmahalan.
BF: (tingin sa relo) Gotta go. May klase pa ako. I need to pass this para makapagmartsa na ko. Bye! (iiwan si Student)

Magda-drama si Student, tapos ay lalabas ng stage. Papasok si BF.

BF: (monolog) Aminin man natin o hindi, mahirap iwanan ang UPLB na naging mundo natin sa loob ng humigit kumulang apat na taon. Mushy man, o cheesy, o emo, di natin maaalis ang katotohanang para sa ilan sa atin, ang UPLB ay isang paraiso, isang hideout, isang playground, isang arena, isang malambot na kama, o isang piraso ng butterfly na pagkatatamis tamis at pagkalagkit-lagkit. Bawat sakay at baba mo sa jeep, bawat paglakad sa Grove at pagpasok sa Raymundo Gate, bawat meeting sa Vega at praktis sa DL steps, mamahalin mo talaga, dahil napamahal ka na sa UP. At kung magmamartsa ka na palabas ng kampus, masarap balikan na minsan sa buhay mo, nakapagsuka ka sa Whitehouse, nakaligo ka sa Baker Hall ng dis oras ng gabi, nakapag-over night ka sa Pansol, at nakainom ka ng gatas sa DTRI.

20 November 2008

_____________

Panoorin ang video ng actual performance:
http://bit.ly/1fhP8mi
http://bit.ly/1fZPZY3

Advertisements

2 thoughts on “Tayo ang Pamantasan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s