Para sa Huling Graduating Class Bago Magunaw ang Mundo

Ang pyesang ito ay itinanghal nina Patty Hilao at Charmie Abarquez sa CAS Testimonial noong 2012. Ang performance ay idinirek naman nina Aizel Cabilan at Drew Espenocilla. Muli kong binubuhay para sa mga magsisipagtapos sa darating na Sabado.

Pag-alis mo ng LB, dalhin mo lahat ng parte ng katawan at pagkatao mo, kasama ang puso. Lalo na ang utak.

Pag-alis mo ng LB, dalhin mo lahat ng parte ng katawan at pagkatao mo, kasama ang puso. Lalo na ang utak.

Nakaupo si Patty. Nakatayo si Charmie.

CHARMIE: (kumakanta) Ikaw lamang ang pangakong mahalin, sa sumpang sa iyo magpakailan pa man, yakapin mong bawat sandali, ang puso kong sumpang sa’yo lamang alay, at mapapawi—
PATTY: Next.
CHARMIE: (kumakanta) Natatandaan mo pa ba nung tayong dalwa’y unang magkita, panahon ng kamusmusan, sa piling ng mga bulaklak at halaman—
PATTY: Next.
CHARMIE: (kumakanta) So I sing this song to all of my age, for these are the questions we got to face, for in this cycle that we called life, we—
PATTY: Next!
CHARMIE: Ayoko na! Kanina mo pa ko ginagawang human playlist!
PATTY: Hay. Ang hirap pala pumili ng graduation song, noh?
CHARMIE: Kailangan ba kasi yun?
PATTY: Oo naman. Para may pang-background music kapag gumawa ka ng slide show ng college life pictures mo.
CHARMIE: Tapos ia-upload sa fb at youtube?
PATTY: Hindi, hindi. Para sa’kin lang! Ako lang ang kokunsumo! Pampatulog every night. Malamang, gagawin mo nga yun para sa mga nakasama mo at sa mga maiiwan mo dito sa LB. (iiyak ng OA) Titoooooo Marrrrrrr!!! Titaaaaaa Daisssssy!!! Ma’am Juliandaaaaa!!!
CHARMIE: (iiyak nang mas malakas) SISTERRRRRRRRRRR!!! Siiirrr Duldulaoooo!!!! Chancelloooooor!!!
PATTY: Ang OA mo. Masyado kang maraming iniiyakan.
CHARMIE: E sino lang ba dapat?
PATTY: (humihikbi) Yung mga blocmates mo. Yung mga batchmates mo. Yung mga dormates mo dati. Yung mga housmates mo. Yung mga orgmates mo. Yung mga churchmates mo. Yung mga naging classmates mo. Yung mga naging groupmates mo. Yung mga naging seatmates mo.
CHARMIE: Ang konti nga lang nung iniiyakan mo. E yung hindi mo naman iiyakan?
PATTY: Ayyyy, tatlong tao lang yan! yung Adviser ko… si Ate Lorly ang babae sa window 6… at yung manloloko kong Ex!
CHARMIE: Ang pagtatapos ay pagsisimula.
PATTY: Ang pagtatapos ay pagsisimula ng pag-alala…
CHARMIE: … at pagsisimula ng paglimot.
PATTY: Lahat ng mga nakilala mo dito sa LB, ‘yang katabi nyo sa kaliwa at kanan, magrereminisce kayo ngayon nang sabay, pero pustahan, paglabas nyo ng Laguna, at one point, makakalimutan nila kayo.
CHARMIE: Lahat ng mga mates na mayroon ka dito sa LB, contractual pa lang sila sa buhay mo. Ang permanent lang ay yung mga taong sasama sa’yo paglabas at yung mga sasamahan mo pag-alis.

Patlang.

CHARMIE: Nasan na pala yung mga handouts na nasa mesa?
PATTY: Yung tone-toneladang kalat? Ikinahon ko na. Ready for pick up ng junk shop.
CHARMIE: Ha? E may mga kailangan pa ko dun.
PATTY: Anong kelangan mo dun? Kalat nga eh. Magti-teacher ka ba?!
CHARMIE: Hindi. Pero gusto kong i-keep yung mga handouts ng favorite kong prof. Tsaka yung mga handouts na may doodle namin habang nagkaklase. Tsaka yung mga handouts na sinulatan ng mga friends ko.
PATTY: Che! Hayaan mo na yun dun. Masyado kang sentimental.
CHARMIE: Ikaw din naman.
PATTY: Anong ako? Excuse me, wala akong itinagong handout. Hindi ako geek. Hindi ako GC. Kaya nga hindi ako laude.
CHARMIE: Wala ngang handout, pero nakita kong inilagay mo sa treasure box mo yung mga balat ng pancit canton na may mga label pa kung kelan at saan mo kinain.
PATTY: Pakialamera! Eh konekatdo yun sa mga special memories ko, bakit ba?
CHARMIE: Lalanggamin lang yan.
PATTY: Calamansi flavor lahat yun, hindi matamis, kaya hindi lalanggamin.
CHARMIE: Pag-uwi ninyo sa kanya-kanyang bahay, hahanap-hanapin nyo ang pamilyar na sulok ng dorm, ang ingay ng Grove, ang mga banga sa campus.
PATTY: Pero wag malungkot. May alkansya kang dala pagdating mo sa inyo. Alkansyang hindi mababasag at hindi mawawalan ng laman. Alkansyang tinatawag na alaala.
CHARMIE: Ingatan mo ang mga naipon mong alaala. Hindi yan mananakaw, hindi masusunog, hindi lalanggamin.
PATTY: Mabubura lang sila kung makakalimot ka.

Patlang.

CHARMIE: Ang dami pala nating gamit dito sa dorm. Lahat ba yan iuuwi mo ulit?
PATTY: Ay hindi. Hassle. Yung iba, ipapamana ko na. Nakalista na yan kung kani-kanino ko ibibigay o ibebenta.
CHARMIE: Yung electric fan mo?
PATTY: Sa sis ko sa soro.
CHARMIE: Yung kutson mo?
PATTY: Sa pinsan kong NF.
CHARMIE: Yung tabo at timba mo?
PATTY: Sa CR ng Biosci o kaya ng Hum.
CHARMIE: Yung durabox mo?
PATTY: Sa dati kong housemate.
CHARMIE: Yung grand piano mo?
PATTY: May ganun ba ko?
CHARMIE: Ay wala ba. Yung ref mo?
PATTY: Matagal ko nang na-misplace.
CHARMIE: Yung rice cooker mo?
PATTY: Sa pinsan ko ring NF.
CHARMIE: Eh yung puso mo?
PATTY: Eeeeeeeeee. Asaaaaar kaaaaaa.
CHARMIE: Pag-alis mo ng LB, dalhin mo lahat ng parte ng katawan at pagkatao mo, kasama ang puso. Lalo na ang utak.
PATTY: Huwag mong iiwan sa kahit saan, at sa kahit na kanino. Walang magpapatibok ng puso mo kundi ikaw.
CHARMIE: Walang magpapatalas ng utak mo kundi ikaw.
PATTY: Mang-iwan ka. Iwanan mo. Bahagi yun ng pagtatapos.
CHARMIE: Dahil kung iisipin mong mabuti, iniwan ka rin, may nang-iwan din sa’yo. Bahagi yun ng pagpapatuloy.

Patlang.

PATTY: Di ka pa nagugutom?
CHARMIE: Hindi pa naman. Gusto mo ng pancit canton?
PATTY: Slight lang. Haha. Mamaya food trip tayo. Yung mga hindi na natin makakain pag-alis natin ng LB.
CHARMIE: Go ako dyan. I will miss Papu’s Siomai.
PATTY: Weh? Ako yung chocomilk sa DTRI.
CHARMIE: Tsaka yung sisig ng Sizzlers.
PATTY: Yung Better than Sex ng Ahl’s.
CHARMIE: Better ba talaga?
PATTY: Hindiiii ko masabeee. Haha. Bili rin tayo ng shing a ling.
CHARMIE: Tapos lechong kawali ng Batcave.
PATTY: Shawarma rice!!!
CHARMIE: Bugong!!!
PATTY: Proveeeeen!!!
CHARMIE: Syempre Ellen’s fried chicken.
PATTY: Tsaka yung alak sa square.
CHARMIE: Iba ba ang lasa ng alak sa ibang lugar?
PATTY: Wag kang makialam. Mag-isip ka ng sa’yo.
CHARMIE: Huwag kang aalis ng LB nang hindi ka busog.
PATTY: Huwag kang aalis ng LB nang uhaw na uhaw ka.
CHARMIE: Hindi sapat ang iuuwi mong Mernel’s o Lety’s.
PATTY: Hindi sapat ang pagbababad mo sa pool ng Pansol sa grad party mo.
CHARMIE: Kapag wala ka na sa LB, kakalam lagi ang sikmura mo sa mga bagay na hindi mo nagawa at nasubukan.
PATTY: Kapag wala ka na sa LB, manunuyo ang lalamunan mo sa mga bagay na sana ay ginawa mo at sinubukan.

Patlang.

CHARMIE: Numbers o letters?
PATTY: Ayoko ng numbers. Binibilangan ako. Sosci 1 o Sosci 2?
CHARMIE: Ahh— Socsci 3 para mas yummy!
PATTY: Ay pervert.
CHARMIE: Kanan o kaliwa?
PATTY: San ba pupunta? Haha! Sakbayan o Buklod?
CHARMIE: Uhm… Pass. Boston o Dairymoore?
PATTY: Ayoko ng coffee. Parang ikaw, bitter.
CHARMIE: Ganun naman yata talaga kapag gagraduate na.
PATTY: Sabagay. Parang nakikipag-break ka sa four years or more mong jowa.
CHARMIE: Ang hirap kapag nasanay ka na .
PATTY: Tapos biglang kailangan mo nang umalis kasi may iba na siyang kasama.
CHARMIE: Maaalala kaya ako ng LB?
PATTY: Makakalimutan mo ba ang LB?
CHARMIE: Iiyak siguro ako pag nagmartsa na.
PATTY: Siguro ako— ngayon na. (ngangawa)
CHARMIE: Kapag umaalis, bumabalik din naman di ba?
PATTY: Babalik ka lang kung may naiwan ka.

Magdu-duet sina CHARMIE at PATTY ng kantang Farewell.

TABING

________
25 Abril 2012

Advertisements

4 thoughts on “Para sa Huling Graduating Class Bago Magunaw ang Mundo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s