Tatlong Pirasong Pan de Regla

Ang monolog na ito ay mula sa isang dula na sinimulan kong gawin noon pang 2012. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos isulat. Si Eunice ay isa lamang sa labindalawang tauhan (pero baka sa revision, walo na lang ang matira).

summertime-delight-min-wang

***

EUNICE: (nagmamaktol pagsakay ng jeep) Imbyerna! Super effort pa ko sa pagpe-prepare para sa packing tape na breakfast na ‘to, tapos ano?! Ten little indian naman ang drama ng mas packing tape na si Tonton! (iiyak nang OA) Mas maaga pa kong gumising sa tandang para lang maka-shaw nang matagal. Tiniis ko ang ice cold water kaninang 4 A.M. nang hindi humihiyaw dahil baka magising ang buong compound. Nagplantsa ko ng buhok, nag-cut ako ng nails, nag-mouthwash ako after mag-toothbrush thrice, and to top it all, umarkila pa ko ng dress sa Gay-gay, alam n’yo kung saan yun? Dun yun sa may Osboy’s, tapat ng Lopez Elementary School. Tapos hindi naman pala niya ko sisiputin. Aaaaah!!! Bakit ang lulupit ng mga male species?! Bakit napakamapanakit nila?! Bakit sila bad, terrible, ghastly, ruthless, merciless, at unscupulous?! Pak! Right click, ‘tas synonyms. ‘Pag no suggestions, click Thesaurus.

Ano kayang nangyari dun kay Tonton? Ni waley man lang text o kahit drop call. Oh JMJ! You know JMJ?! Hindi n’yo alam?! It’s Jesus-Mary-Joseph. JMJ! Baka kung anong nangyari kay Tonton. Baka nasaksak s’ya, baka ninakawan s’ya. Naku, magdasal tayo. (sa mga kasakay sa jeep) Join kayo, i-pray over natin si Tonton ko. Maghawak-hawak tayo ng kamay, dali, wala ng panahon! (pipikit at magdadasal) Come, Holy Spirit, fill the hearts of Your faithful and kindle in them the fire of Your love. Send forth Your Spirit and they shall be created, and You shall renew the face of the earth. Spirit of understanding, enlighten and teach me. Spirit of counsel, direct my inexperience. Spirit of fortitude, strenghten my weakness, spirit of piety, nakalimutan ko. Spirit of fera, restrain me from all evil. Sabay-sabay tayong lahat, Amen.

Hay. Hindi naman talaga ko religious and pious way back in the early years of my existence. Katoliko ako dati pero nagsisimba lang ako ‘pag thanksgiving ng org namin. Required kasi. Ohh, don’t get me wrong dahil hindi naman ako easy to get. Haha! Naniniwala naman ako kay Papa God. Minsan nakakaligtaan ko s’ya pero automatic na naaalala ko ang pangalan at mukha n’ya dun sa 3 o’clock habit kapag recitation sa Chem. Para sa’kin, okay na ang relationship namin through prayers. Mas intimate, sa’min lang. May mga friends akong nagyayaya sa’kin dati pa na mag-alive-alive. Syempre, todo tanggi ang beauty ko. Excuse me lang huh. Imbes na makipag-BS ako sa kanila, makikipag-party na lang ako kasama yung mga org-coure-major-batch-room-class- at seatmate ko na may mas fun na hobby kesa sa magbasa. And since I am a people persons, I decided to enter the politics. Pak! Tumakbo ako as independent candidate for CSC councilor. At dahil love ako ng mga org-coure-major-batch-room-class- at seatmate ko, nanalo ako. Landslide win yun, mga teh! Sinubukan ko namang manungkulan nang may honor and excellence. Nakipagsabayan ako dun sa mga maiitim na laging may kaaway at dun sa mga mestisuhin na paboritong awayin ng mga maiitim. Kebs ko ba sa labanan ng mga packing tape na kulay na yan. Hindi na natapos. Hindi na nagsawa. Hindi ko na lang din sila pinansin.

(tatahimik, mamimilipit sa kilig) Pero si Tonton, hindi ko nagawang hindi pansinin. After ng first encounter namin sa FebFair eval meeting, palagi ko na syang tsine-check out. Hindi ako natatapos. Hindi ako nagsasawa. Iba si Antonio Bagapuro, Jr.  sa lahat ng USC. Siya lang ang kapartido ng mga mestisuhin na kakulay ng mga maiitim. Siya lang din ang bumulabog at nagpakabog sa dibdib kong aalog-alog. JMJ! So in-stalk ko s’ya nang mas bongga pa sa bungalow. Frinend ko s’ya sa FB, dinownload ko yung mga cute nyang pictures, at todo like at comment ako sa lahat ng status n’ya na puro Bible verses. Sinundan ko rin s’ya sa twitter kung saan madalas s’yang mag-invite for Bible services. Sinubukan ko ring alamin ang student number at password n’ya sa systemone para malaman ko kung sinong mas matalino sa’min. Apparently, mas diligent s’ya sa’kin. Pero kebs. My mouth services better than my hypothalamus.

Pero kahit na halos mahubaran ko na si Tonton dahil sa pag-stalk ko sa kanya, hindi pa rin kami naging close. Aba syempre, hindi ako magkakasya na lang sa downloaded profile pic. Kinailangan kong gumawa ng desperate move para mapasaakin s’ya. Isang Huwebes ng gabi, habang abala lahat ng mga org-coure-major-batch-room-class- at seatmate ko, pumunta ko sa BS nila Tonton sa likod ng Lib. Nagulat s’ya na andun ako, pero mas natuwa s’ya syempre. Hikab ako nang hikab habang nagpapanggap na nakikinig sa mga chenes nila. Pero ang totoo, nakatitig lang ako kay Tonton. Halos tumulo ang laway at sipon ko sa pagmememorize ng features ng mukha n’ya nang bigla akong tanungin ni Tonton. Ang sabi ba naman, anong pananaw mo kay God? Muntik na kong maihi. Pero naisip ko, heto na yun eh. Pagkakataon ko na sa kanya. Huminga ako nang malalim tsaka ako tumayo para umihi muna sa damuhan.

Pagbalik ko, sabi ko kay Tonton, god is an ambiguous word. Ang pagtingin ko sa kanya is a personification of a motivating power or a value system that functions in human life and in the universe. I believe, god is transcendent, and anything transcendent is unknown and unknowable, thus god is nameless and unidentified. God is beyond forms and names. Pak! Naihi rin yata yung mga ka-chenelyn ni Tonton dahil sa mga sinabi ko. At yun na nga ang start ng aming friendship. Simula nun, palagi na kong umaattend ng mga cell group at worship night. Kinikilabutan ako nung una pero eventually, nakasanayan na rin ng mga pores ko. Ipinaintindi rin kasi sa’kin ni Tonton kung para saan ba talaga ang mga ganung activities. Nagets ko naman. Mas lalong nabulabog at kumabog ang dibdib kong aalog-alog dahil sa belief na meron s’ya. Pak na pak, very pious, virtuous, at sanctimonious. Everyday, every hour n’ya akong sinesendan ng inspirational quotes na ipino-forward ko naman sa mga org-coure-major-batch-room-class- at seatmate ko. Kilig na kilig ako kapag itetext n’ya ko ng Godbless. Pakiramdam ko ako ang babaeng pinagpala sa lahat. JMJ! Medyo nawirduhan ang mga org-coure-major-batch-room-class- at seatmate ko dahil sa mga changes na nangyari. May sapi daw ba ako? Sabi ko, oo. Kung sumasapi man sa tao si kupido. Haha! Pero kahit na pious, virtuous, at sanctimonious na ko, kapag kasamo ko ang mga mates ko, ako pa rin ang Queen Nyotabel— gregarious and gorgeous goddess. Pero kapag si Tonton ang katabi ko, ako lang ang simpleng si Eunice.

Isang Huwebes ulit ng gabi, inisip kong mabuti kung bakit nga ba ko nagkakaganito. Bakit bigla-bigla eh kung anu-anong chenes ang naishe-share ko sa cellgroup at kapag nasa worship night ako, kusa nang tumataas ang kamay ko at pumipikit ang mata ko sa tuwing kakanta ng greatest hits ng Hillsong. Inisip kong mabuti hanggang sa maisip kong mahirap mag-isip dahil parang wala na akong isip. Tama, wala na akong isip dahil ang aaalog-alog kong dibdib ay tinubuan na ng puso. At yun ang mas gumagana kapag kasama ko si Tonton sa pagharap kay Papa God. Nung gabing yun ko naramdaman, pero hindi ko naisip, na umiibig na ko. Pak na pak!

Pero dahil mukhang die hard pious, virtuous, at sanctimonious itong si Tonton at mukhang hindi marunong manligaw, ako na ang kumarir. One time, binigyan ko siya ng tatlong pirasong pan de regla habang nasa council meeting. Nag-thank you s’ya at hi-nug ako tapos pinamigay sa mga mestisuhin yung tinapay. Nung isang beses naman, nag-iwan ako sa Bible n’ya ng wallet-sized picture ko na may note sa likod na basahin ang ika-apat na awit ni Solomon. Nung tanungin ko s’ya kung nagawa n’ya, hindi naman daw n’ya nakita yung note. Last week lang, niregaluhan ko naman s’ya ng dvd ng Love Happens. Sabi ko panoorin namin ng magkasama, sabi n’ya next time daw ‘pag di na s’ya masyadong busy. Owkaaaay. Sinusubukan ko namang magpaka-demure kahit papano. Pero kating-kati na talaga ko. Hindi na ‘to kaya ng pangamot. Kaya nung isang araw, humingi na ako ng signs kay Papa God kung dapat na ba kong magtapat kay Tonton. Sabi ko, kapag hindi nangyari yung mga signs na hinihingi ko, go grow glow na talaga. Eh hindi naman nabuwal yung puno ng Dao sa SU Bldg. at hindi naman nag-resign si ER Ejercito, eh di go grow glow na talaga. Kelangan ko nang sabihin kay Tonton ang nararamdaman ko para sa kanya. Oras na para sundin ko ang kumakabog na maliit na masel sa umaalog kong dibdib. Minsan lang ‘to. Kebs na kung bad, terrible, ghastly, ruthless, merciless, at unscupulous si Tonton. Basta I heart him. Kapara nang sa una, ngayon, at magpasawalang hanggan. Pull over, manong! (excited na bababa ng jeep)

Advertisements

9 thoughts on “Tatlong Pirasong Pan de Regla

  1. hahahaha ang cuuuuuute. naiimagine ko yung mga kasakay nya sa jeep na imbyernang imbyerna sa kanya tapos yung iba natatawa tapos yung iba pailing-iling. Nakapagbayad kaya sya ng pamasahe? baka sinigawan sya ni manong pagbaba nya ng jeep.

  2. Pingback: Paanong ang Pagbabagong Morpoponemiko ay Tulad ng Pag-ibig | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  3. Pingback: Jepoy at Genesis: Madaya si Fairy Godmother | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s