Lumang Tugtugin

Finally! Finally! Finally! The truth unveils itself! Show me that indecorous, adulterous WOMAN, you two-timing liar!

 

Mga Tauhan

BRYAN – lalaki
GAB – babae

Sa isang bench sa park. Papasok si BRYAN, hinihingal.

BRYAN: Sorry, Gab.
GAB: Ano’ng oras na?
BRYAN: I know, I’m late.
GAB: Let me guess…
SABAY: Traffic.
BRYAN: S-sa sa may intersection.
GAB: Wala ka na bang ibang alam na palusot?
BRYAN: Sobrang traffic nga. Hindi ko—
GAB: Tama na, sobrang obvious naman.
BRYAN: Ng alin?
GAB: Ng ilong mo, Pinocchio.
BRYAN: Ahh… Pasensya na po, my dear fairy god mother. Kung masyado man pong gasgas ang dahilan ng pagkalate ko. Yun po talaga ang totoo. Tingnan mo pa, o. Hindi naman po humaba, di ba? Kasi totoo ang sinasabi ko. Kung bakit kasi kasing ikli lang ng ilong ko ang tiwala mo sa’kin.
GAB: And he makes it an issue on trust!
BRYAN: Talaga. Hanggang sa maniwala ka sa’kin.
GAB: Bakit ba kasi di mo na lang aminin?
BRYAN: Ang alin?
GAB: Na na-late ka ng gising. Na tinamad ka na namang bumangon. Para maiba naman ang irarason mo sa’kin.
BRYAN: E sa traffic nga e.
GAB: Traffic? Sa araw ng laban ni Pacquiao?
BRYAN: Well…
GAB: Well?
BRYAN: Well…
GAB: O,  di lumabas din ang totoo.
BRYAN: Well, kinailangan ko kasing dumaan sa school. Pagpunta ko dun, di ko naman alam na sobrang sikip na pala sa University Road dahil may nasiraan. Yun!
GAB: Dumaan din ako sa may school papunta dito. At wala naman akong natatandaang sirang sasakyan na nag-cause ng kahit saglit lang na traffic.
BRYAN: Patapusin mo na muna kasi ako. Kasi yung sirang kotseng sinasabi ko e… e sa’kin. Nasiraan ako ng sasakayan sa gitna ng University Road.
GAB: Nasira ang kotse mo?
BRYAN: Oo, nasira yung makina.
GAB: Kahapon naman nawala yung wallet mo.
BRYAN: Hassle nga, e. Series of unfortunate events.
GAB: Kung nawala ang wallet mo, ibig sabihin nawala rin ang lisensya mo. E pa’no—
BRYAN: Ah yeah— ganun nga. Nawala ang wallet ko kasama yung driver’s license ko, kayaaa—
GAB: Kayaaaa?
BRYAN: Kayaaa, pinadrive ko sa kaibigan ko yung kotse.
GAB: Kaibigan? Babae o lalaki?
BRYAN: Ah— lalaki?
GAB: Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo?!
BRYAN: Ha? Ang sabi ko, lalaki ang kasama ko. S—si Marlon.
GAB: May tinatago ka ba sa’kin, Bryan?
BRYAN: Wala. Gab, ano naming itatago ko sa’yo?
GAB: Then, si Marlon ba ay GIRRRRL or guy?
BRYAN: A—e kasi— ano e— ah— kasi— kasi bading siya. Ayun, bading yung kaibigan kong yun.
GAB: Bading? Bading ang nagdrive sa’yo papunta dito?
BRYAN: Oo. Bakit? May problema ka rin sa bading?
GAB: E akala ko ba homophobe ka?!
BRYAN: Ako? Homophobe? Homophobe ba ako?
GAB: Unless hindi totoo yung mga sinabi mo sa’kin nung first date natin.
BRYAN: Syempre totoo yun.
GAB: So homophobe ka nga?!
BRYAN: Oo nga, homophobe nga ako.
GAB: E bakit pina-drive mo sa bading yung kotse mo?!
BRYAN: Ahh— ehh— ano ba kasi ang homophobe? I mean— it’s more complicated than it is— kasi— kasi pinsan ko sya. Yeah, pinsan ko siya. Sooo wala akong choice. Pinayagan siya ni Mama na ipag-drive ako.
GAB: Sabi ni Mama mo? E nakipaglibing ako sa Mama mo last year, a!
BRYAN: Ano ba yan? Maglinis ka nga ng tenga. Ang sabi ko, pinayagan sya ng Mama NIYA.
GAB: For what end naman, aber?
BRYAN: Make-up… I mean, to make up for… I guess… for Mom’s… long lost… often ostracized… usually forgotten… gay nephew… you know… hitting two birds: may driver na ko, magkakaroon pa kami ng quality time.
GAB: Hmmm… plausible.
BRYAN: Siguro naman pwede na tayong mag-date?
GAB: Pero pa’no naman na naayos agad yung kotse? Don’t tell me, automotive mechanic genius ka rin? Tulungan mo rin kaya si Daddy na ayusin yung van para di ko kailangang mag-commute?
BRYAN: Ahh— yung pinsan ko kasi ang nagkumpuni, hindi ako.
GAB: Bading na mekaniko?!
BRYAN: Oo! Ang galing ng pinsan ko, no?! Very rare species.
GAB: Hindi ka man lang tumulong?
BRYAN: Nakakahiya man, pero hindi.
GAB: So it seems…
BRYAN: Ayoko kasi ng grasa, masyadong madumi yung makina.
GAB: Sigurado ka ba na—
BRYAN: Na nagsasabi ako ng totoo? Oo naman! Peksman!
GAB: — na straight ka?!!!
BRYAN: Ha? San naman galing yan?
GAB: E kasi, bading yung pinsan mo, tapos homophobe ka. All signs are there. Birds of the same feather are the same birds. Tapos ayaw mo pa ng grasa. All this time, Bryan!
BRYAN: Ano ba, Gab. Hindi ako bading! Ano ko— ahh— metro— ano nga yun? Ahh, metrosexual!
GAB: Ikaw metrosexual?
BRYAN: Oo. Di ba halata? Sobrang malinis. Very hygienic. May pagka-vain. Alam mo naman yun ah.
GAB: Hindi ka mukhang metrosexual. Not enough evidence. Sinugaling!
BRYAN: Totoo, metrosexual ako… Na homophobe… Pero hindi bading. Promise!
GAB: Sige, tingnan natin. Ilabas mo’ng laman ng bulsa mo. (ilalabas ni Bryan) Ha! Walang breath freshener. Walang oil control films. Ni walang sanitizer. Sinungaling!!!
BRYAN: No… let me explain… please, let me explain.
GAB: Double time.
BRYAN: (mas mabilis) No, let me explain… please, let me explain.
GAB: Bilis! (katahimikan) O ano? Anong ipapaliwanag mo? Ugh! Dapat talaga, dati pa kita brineak. I should have fired you habang maaga.
BRYAN: FIRE!
GAB: Anong fire?
BRYAN: M— may fire! May— may sunog. Oo may sunog! Malaki. Malaking-malaking sunog!
GAB: So?
BRYAN: Nahulog yata yung breath freshener, oil control films, at hand sanitizer ko nung kunin ko sa bulsa ko yung panyo ko. Kasi kailangan kong basain yung panyo— kasi—kasi bumalik ako sa nasusunog na building para ano— para sagipin yung batang nakulong sa loob ng building.
GAB: Weh?
BRYAN: Alam kong medyo unbelievable kaya ayaw ko sanang sabihin sa’yo. Alam ko naman kasing hindi ka maniniwala. Shocked pa rin nga ako e. Buti na lang magde-date tayo, makakapagdistress tayo pareho. Tara na.
GAB: Teka… Aling building?
BRYAN: Anong building?
GAB: Anong anong building?!
BRYAN: Ah yung building na nasunog. Akala ko ibang building ang sinasabi mo e.
GAB: Nilolo—
BRYAN: Yung Economics building! Yung sira-sira at naaagnas na building dun sa campus.
GAB: Anlayo-layo nun sa University Road. Ano namang ginagawa mo dun? Di ba dapat tinutulungan mo yung bading mong pinsan dun sa sira mong kotse?
BRYAN: Ganito kasi—
GAB:   Sige, hirit pa.
BRYAN: Kailangan kong magpunta dun sa Economics building habang inaayos nya yung auto para—
GAB: Para ano? Para sunugin yun?!
BRYAN: Teka lang! Para ano—para mag-submit ng assignment.
GAB: May assignment sa Econ?
BRYAN: Oo, may assignment. Nagpasa ako. O di ba, ang good boy ko na?
GAB: Magkaklase tayo sa Econ pero hindi mo sinabi sa’kin na may assignment?!!!
BRYAN: Ah—
GAB: Gusto mo pa kong bumagsak! E kung ikaw kaya ang pabagsakin ko ngayon dyan sa kinatatayuan mo?!
BRYAN: Sandali! It’s not you… it’s me.
GAB: At saan naman nanggaling yan?
BRYAN: Make-up assignment yun. Kung di ako magpapasa, babagsak ako.
GAB: Pwede mo namang sabihin sa’kin.
BRYAN: Baka kasi mapahiya ako. Baka maturn-off ka.
GAB: Okay, fine. Pero pwede naman talaga kitang tulungan kung tagilid ka na pala sa subject mo. Kaya nga ako girlfriend e.
BRYAN: (pabulong) Whew. That was close.
GAB: Close?
BRYAN: CLOSED! I mean, closed. Yun ang sabi ko.
GAB: Alin ang closed?
BRYAN: Yung— yung department.
GAB: So hindi ka rin nakapagpasa ng assignment?
BRYAN: Hindi e.
GAB: Uhm, pwede ko bang Makita yung paper mo? Malamang na sa iyo pa.
BRYAN: Uhm— ano— ahh, wala na. Wala na sa’kin.
GAB: Akala ko ba hindi mo nasubmit?
BRYAN: Oo nga, pero ano eh— ah— nasunog. Nasunog yung paper ko. Remember, may malaking-malaking sunog.
GAB: Ibig mong sabihin ikaw ang nagsimula ng sunog?!
BRYAN: Hindi a!
GAB: E sabi mo nasunog yung paper mo.
BRYAN: Oo nga— pero hindi ko alam kung pano nasunog.
GAB: Ginagago mo ba ko, Bryan?
BRYAN: Syempre hindi. Ano kasi… alam mo yung internal spontaneous combustion? Bigla na lang nag-apoy yung papel.
GAB: Nagsimula ka ng sunog at ng traffic… ang tindi naman ng mga pinagdaanan mo, Bryan!
BRYAN: Oo nga e. Kaya sana mabawi lahat sa date natin yung mga kamalasan ko.
GAB: (kunyaring naaawa) At nagrereklamo pa ko na late ka.
BRYAN: Okay lang, okay lang. Let’s just drop it. Again, tara na.
GAB: So ikaw ang nagsimula ng sunog. Lumabas ka ng building… tapos pumasok ka ulit para sagipin yung bata.
BRYAN: Exactly. Ang galing talaga ng girlfriend ko. Kaya gustung-gusto kita e. Alam mo ba kung ano pa ang gusto ko sayo?
GAB: Pero kung nagpakabayani ka sa isang malaking sunog, bakit ang linis-linis mo? Ni wala kang bahid dungis.
BRYAN: Ang cute-cute mo talaga kapag ganyan ka! Dapat siguro naging imbestigador ka.
GAB: Kung imbestigador ako, hinding hindi kita tatantanan.
BRYAN: (taranta) Ahh OO! May imbestigador nga na dumating dun sa sunog. Tapos binigyan nya ko ng bagong damit na pamalit after kong iligtas nung bata.
GAB: E ito rin yung suot mo last week nung nag-club tayo ah.
BRYAN: Oo nga. Nag-demand talaga ko sa kanila na parehong-parehong damit ang ipalit dun sa nadumihan.
GAB: So bago ‘to?
BRYAN: As brand new as brand new.
GAB: Kung metrosexual ka talaga, di ba dapat Armani ang pinabili mo?
BRYAN: Armani ‘to. Tinanggal ko lang yung seal.
GAB: Pinaalis ka na nila agad pagkatapos ibigay sa’yo yang damit?
BRYAN: Oo, anong masama dun?
GAB: Dapat kinasuhan ka nila ng arson.
BRYAN: Wala naman akong kasalanan. Tsaka wala akong motibo na magsunog.
GAB: E di ba tagilid ka nga sa Econ?
BRYAN: Kahit pa. iniligtas ko yata yung bata!
GAB: Pero ikaw pa rin ang sumunog sa building!
BRYAN: E ako rin naman ang pumatay ng apoy ha!
GAB: At kelan ka pa naging bumbero?!
BRYAN: Gab, babagsakin lang ako pero I’m not stupid.
GAB: Ako rin, Bryan. Kung  malaking-malaking sunog nga yung sinasabi mo, I think kailangan ng PhD sa firefighting para mapatay ang apoy. E ni hindi ka nga fire volunteer. KAYA KUNG ANUMANG SIKRETO YANG ITINATAGO MO SA’KIN, MARK LAURENCE BRYAN MARTINEZ VICENTE, MALAMANG MATAGAL MO NA YANG HINDI SINASABI!
BRYAN: (kabado) Sikreto? Wala akong sikreto. Gusto lang kitang ano— gusto lang kitang protektahan. (hinto, bubulong) Papatayin ka kasi nila kapag nalaman mo.
GAB: Ikaw ang papatayin ko kapag hindi ka pa umamin.
BRYAN: Please don’t make me tell you.
GAB: Ano ba, Bryan! Girlfriend mo ko tapos sa’kin ka pa maglilihim.
BRYAN: (looks around) Gab— isa akong —isa akong secrte agent.
GAB: Shet naman, Bryan! Lord, bakit ang sinungaling niya!!!!
BRYAN: Totoo!
GAB: Totoo na ano? Na nagsisinungaling ka?
BRYAN: Nagsasabi ako ng totoo.
GAB: Kung secret agent ka, mamamatay na ako bukas na bukas din. SINUNGALING!
BRYAN: Pinatay nila si Mama nung inamin ko sa kanya.
(matatakot si Gab, magtatago)
GAB: Akala ko sa tv lang yang mga ganyang action-drama ha. Di ko naisip na mangyayari rin pala sa’kin.
BRYAN: Hindi ko nga rin inakala.
GAB: So anong gagawin natin ngayon?
BRYAN: Isipin na lang natin na hindi ‘to nangyari. Kalma lang tayo. Tuloy na lang natin ang date natin.
GAB: Ah okay. (lalabas sa pinagtataguan) Hindi ba natin isasama yung pinsan mo?
BRYAN: Hindi na natin dapat pag-usapan pa yun.
GAB: E di ba matutuwa naman si Mama mo kung isasama natin yung pinsan mo.
BRYAN: Oo nga— pero—
GAB: Pero ano na  naman?
BRYAN: Ah— gusto mo ba talagang kasama sya? I mean—
GAB: Well I am sooooo dying to meet your gay automechanic cousin!!!
BRYAN: Ahh— kasi— kailangan ko siyang dalhin sa ano— sa ospital. Too bad. Tara na, kain na tayo, Gab.
GAB: At bakit mo naman siya dinala sa ospital? Yung sunog sa Economics building e napakalayo sa University Road kung saan ginagawa ng pinsan mo yung nasira mong kotse, habang ikaw e nagpapaka-secret agent slash bumbero slash super hero di ba? At imposible naman na nasa parehong eksena ang pinsan mo kasi sabay na nangyari ang sunog at ang pagmemekaniko nya— so ibig sabihin, may iba pang dahilan kung bakit mo sya dinala sa ospital. Alangan namang nagka-injury sya sa pag-ayos ng kotse mo samantalang ikaw na galing sa sunog ay safe na safe at may bagong damit pa na Armani. BRYAN— MAGPALIWANAG KA!
BRYAN: HAY! UGH! He’s pregnant!!!
GAB: (mangiyak-ngiyak, magdadrama) O e di umamin ka rin! Nasan na yung babae mo?!!! All this time, niloloko mo lang pala ko!
BRYAN: Sinong babae?!
GAB: E di yung bading mo kamong pinsan. Kanina mo pa ko pinaglololoko. Siguro may ginagawa kayo sa kotse kaya ka na-late. Huh! Naglalaro kayo ng apoy kaya nagkasunog! At ngayon, nasa ospital sya dahil buntis na. HOW DARE YOU!
BRYAN: Gab, hindi ganun… Okay, okay, OKAY!!!! Sasabihin ko na ang totoo! Listen to me. I’ll tell you the truth!!!
GAB: Nothing but the truth?
BRYAN: (pagod) So help me God…
GAB: (kinakalma ang sarili) O, bakit ka na-late?
BRYAN: (buntung hininga) Na-late ako ng gising. Sorry, Gab.
GAB: Yeah, right. (walks out)

TABING

______________

Ang dulang ito ay salin ng Old Apologies ni Njel de Mesa. Basahin ang orihinal na teksto dito: http://playsofnjeldemesa.blogspot.com/2009/04/old-apologies.html.

Advertisements

6 thoughts on “Lumang Tugtugin

  1. Pingback: Lumang Tugtugin | Tinseltown Times

  2. Pingback: 55 Litrato ng Aking 2015 | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  3. Pingback: Para Kay Baby Brienne (babasahin niya kapag 6 years old na siya) | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s