Bagong Paligo

kuha ng may-akda sa lumang kumbento sa Sto. Rosario Hagonoy, Bulacan.

kuha ng may-akda sa lumang kumbento sa Sto. Rosario Hagonoy, Bulacan

Sa Sto.Rosario
Ang pagbaha ay kasingdalas
Ng pagsikat at paglubog ng araw.

Habang nakalapat
Ang mga pilik na hilam sa tubig alat
Raragasa ang poot ng laot.

Pupulandit ang luha ng dagat
Iluluwa ng madilim na eskinita
Ang laksang patak na tutungkab sa aspalto.

Bumubulwak
Nanunuwag ang daluyong sa nakapinid na pinto
Pagtatampisawin ang nahihimbing na mga tao.

Hanggang sa mahilamusan
Agad na lilikas ang mga nasalanta
At pahuhupain ang lagim ng magdamag.

Pagputok ng silahis
Ang Sto. Rosario ay tila bagong paligo
Naghilod ng banil at nagpalit ng baro.

2 Hunyo 2008

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s