Kaunting Kagat ng Ramon Bautistar and His Tales From D Friendzone

Kalahati na agad ng July. Ilang araw pa, mag-a-anniversary na ang Ramon Bautistar and His Tales From D Friendzone. Kaya naman binalikan ko ang iyak-tawang skrip. Nananariwa ang lahat. Halu-halong emosyon at nagsasalimbayang nostalgia.

Kaya heto, ibinabahagi ko ang dalawa sa pinakapaborito kong mga eksena.

Onyok (Maki Salas at Billy Jhones) at Potchie (Drew Espenocilla)

Onyok (Maki Salas at Billy Jhones) at Potchie (Drew Espenocilla)

Papasok sina ONYOK at POTCHIE.

POTCHIE: Ano ba, Onyok? Tumigil ka na sa pagdadrama, please? Sinabihan naman kita noon pa di ba? Yang fezlak na yan, kung pang-friendzone lang talaga, tanggapin mo. Just make the most out of it.

ONYOK: Hindi naman yun ang sentiment ko e. Bakit galit din sa’kin si Ditas? Bakit mukhang ako pa yung may kasalanan?

POTCHIE: Probablemente! You’re an accomplice to the crime. At malamang pati si Ate Luz Clarita mo, imbyerna to the max sa’yo.

ONYOK: That’s unfair! Ginawa ko lang naman yun dahil ayoko silang masaktan pareho.

POTCHIE: Pero nasaktan pa rin.

ONYOK: Potchie, anong gagawin ko?

POTCHIE: Ang unang mong dapat gawin ay ang kumalma. Inhale-exhale ka muna.

ONYOK: Wala na akong time kumalma. Malamang sinusumpa na ko ngayon ni Ditas.

POTCHIE: E di kung ganun, jump ka na sa ultimate step. Magmove on ka na.

ONYOK: Move on? Kay Ditas? Hindi ko kaya yun, Potchie. Alam mo naman kung gaano ko kamahal yung tao, di ba?

POTCHIE: (maiirita) Okay fine! Gusto mo tulungan kita mag-move on sa pamamagitan ng pagsabi sa’yo ng mapapait na katotohanan about kung gaano niya kaayaw sa’yo habang iniisip mo siya, wala ka man lang sa radar niya at yung pag-asang nakikita mo, cheesy ideas lang na galing sa sine? Gusto mo sabihin ko sa’yo na ang tunay na pag-ibig ay hindi cheesy sweet at humahappy ending. Ang true love, masakit at mapait. At ang true love pag hindi para sa’yo, nilelet go!

ONYOK: Potchie, ginawa ko naman lahat para kay Ditas, di ba? Lahat ng pabor at panunuyong alam ko ibinigay ko na. Di pa ba sapat yun para mahigitan ko si Edsel?

POTCHIE: Por amor de dios, Onyok. Hindi sapat na mabait ka. Hindi naman Caritas ang pag-ibig! (tatahimik)

ONYOK: Kung ganun pala, wala ng silbi ang mag-try ulit. Kung walang happy ending para sa’min, mas okay siguro na mawala na lang ako. (kukuhanin ang swiss knife sa bulsa)

POTCHIE: Bagong episode na naman tayo?

ONYOK: No. Fast forward na tayo sa final episode.

POTCHIE: Hoy Onyok, bitiwan mo yan!

ONYOK: Since wala rin naman pala kong space sa puso ng babaeng mahal ko, okay na sigurong tapusin ko na lang ang lecheng drama na ‘to.

POTCHIE: Ang OA mo, Onyok! Akin na yan! (susugod) Akin na nga yan!

ONYOK: (papalag) Wag mo na kong pigilan! Hindi lang din naman nila ko mapaptawad!

POTCHIE: Punyeta!!! Wag ka ngang gago, Onyok! Akin na yan! (mag-aagawan sila, matutumba, maaagaw ni POTCHIE ang knife, nanginginig, maiiyak) Putang ina naman, Onyok! Kung yang puso mo, tanga, yung utak mo hindi. Mag-isip ka nga! Papakamatay ka para sa lovelife?! Ano ka, bakla??!

ONYOK: Hindi mo alam ang nararamdaman ko.

POTCHIE: Wow, ikaw pa talaga ang nagsabi sa’kin nyan. Well, siguro nga, hindi ko alam. Bakit ko nga naman pag-aaksayahan ng oras na alamin ang nararamdaman mo e itong sarili kong feelings hindi ko mabigyan ng atensyon? Alam mo, Onyok, pareho tayo e. Ang tagal-tagal ko na ring iniisip kung bakit hindi ako mahal ng taong mahal ko. Ngayon, alam ko na ang sagot. Kasi, manhid sya.

ONYOK: E di magpakamatay ka na rin. Sabay na tayong magpakamatay!

POTCHIE: (hahambalusin si ONYOK) Tang ina mo. Manhid ka! Ang manhid manhid mo!

Matatahimik si ONYOK. Hahayaan nyang umiyak si POTCHIE. Yayakapin nya si POTCHIE pero agad itong kakawala. Lalabas si ONYOK, papasok naman si TWEETY.

Luz Clarita (Jacky Ong), Onyok (Billy Jhones), at Tweety (Joe Garcia)

Luz Clarita (Jacky Ong), Onyok (Billy Jhones), at Tweety (Joe Garcia)

POTCHIE: Tweety, i-hug mo naman ako. (alangan na lalapit si TWEETY, yayakap, hahagulgol si POTCHIE) Ayoko na. Ayoko nang mahalin sya. Hirap na hirap na ko, Tweety. Ayoko nang maging bakla.

TWEETY: Bakit ba kasi hindi ka na lang bumalik sa’kin?

POTCHIE: (matitigilan at bahagyang matatawa) Ano ba, Tweety? Ang baboy nyang suggestion mo. Incest.

TWEETY: (tititig nang matagal) Hindi mo na ba ko mahal?

POTCHIE: May sapi ka ba? Tweety, tomboy ka na, bakla ako. Kasalanan yang—

TWEETY: Hindi ako tomboy.

POTCHIE: Teka nga. Sinira mo naman yung drama ko. Ano bang kagagahan ‘to, Tweety Boy? Sasabihin mong hindi ka tibo pero hinahabol-habol mo si Luz Clarita?

TWEETY: Ginawa ko lang naman yun dahil sabi ni Ramon Bautista sa formspring, the key to happiness is lowering your standards. Sinunod ko lang siya.

POTCHIE: Tigil-tigilan mo talaga ko, Tweety ha. Wala akong panahon dyan sa pang-gu-goodtime mo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko.

TWEETY: Nakipagrelasyon lang naman ako kay Clarita dahil iniwan mo ko.

POTCHIE: Tweety ano ba? Sasampalin talaga kita. Ang tagal na nating break. Akala ko na out of the picture na tayo sa buhay ng isa’t isa?

TWEETY: (magsisimulang mag-breakdown) Akala ko din e. Pero nung tumagal, narealize ko na temporary lang pala yung pag-move on ko. Nung nakikita ko na kung paano mo mahalin si Onyok, nakita ko rin kung paano ko lumalakad nang paurong pabalik sa pag-asang magiging lalaki ka ulit para sa’kin.

POTCHIE: Nasisiraan ka na ba ng bait? Tweety, alam mong hindi na mangyayari yun.

TWEETY: Hindi na ba talaga?

POTCHIE: Ano ba?! Tapos na dapat ‘to. Lalo ka lang aasa kung sasabihin kong may chance pa para sa ating dalawa.

TWEETY: Pero napi-feel ko na ikaw ang soulmate ko.

POTCHIE: Tweety, hindi ako naniniwala sa fate, destiny, at soulmate. Wag kang umasa sa mga horoscope, FLAMES, at kung anu-ano pang mga kabaduyan.

TWEETY: Pero mahal pa rin kita. (hindi makakasagot si POTCHIE) Sabi mo sa’kin dati nung hindi ko makalimutan ang una kong ex, trying to forget someone you love is like trying to remember someone you never met. Totoo pala yun, Potchie. Akala ko ang lakas-lakas ko nung naghiwalay tayo. Pero hindi pala. Hindi pala ko okay, Potchie. Akala ko sasaya ako kapag napalitan na kita. Pero hindi e. Hindi pala kita kayang palitan. Wala palang pamalit sa true love.

Hindi pa rin makakaimik si POTCHIE. Yayakapin lang nya si TWEETY.

POTCHIE: Bakla ako, Tweety. Bakla ako. (lalong hahagulgol si TWEETY, agad na kakawala at lalabas, maiiwang umiiyak si POTCHIE)

***

Para sa mga nais balikan ang dulang ito, bisitahin lamang ang Tabsing Kolektib page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s