Edad Medya ni Jose F. Lacaba

Simula ito ng serye ng mga suri ng ilan sa mga librong nakatambay sa aking estante. Ang mga kabilang sa serye ay pawang isinulat ng mga Filipinong manunulat.

Edad Medya ni Jose F. Lacaba

Edad Medya ni Jose F. Lacaba

UKOL SAAN
– mga tula sa katanghaliang gulang
– ika-4 na kalipunan ng mga orihinal na tula at saling-wika ni Lacaba

KALAKASAN
– ang mga tula ay nagsisilbing babala at sulyap sa mga (matatamis at mapapait, nakakapanabik at nakakatakot) realidad ng katanghaliang gulang
– hindi kinailangang gumamit ng malalalim na salita’t talinghaga upang maiparating ang maiigting na kaisipan
– mabisa ang paminsa-minsang pagbitaw ng patawa at patutsada bilang sipa ng tula
– mayaman sa imahe ang mga tula; buhay na buhay ang banghay ng bawat kwentong inilalahad at ang bawat tauhan ay may kongkretong kwento

KAHINAAN
– dahil sa lumutang ang impresyon na ang bawat tula ay may sipa o kabig sa dulo, hindi maiiwasang hintayin at hulaan ang pasabog na bomba sa bawat paglipat ng pahina; at dahil sa “may inaasahan” ma, paminsan-minsan kang mabibigo at madidismaya dahil hindi mababasa ang inaakala

PATOK SA
– mga mambabasang hindi hilig ang paghalukay ng kahulugan ng mga banyagang tayutay

PABORITONG TULA
1. Dispensa

Masarap sana ang canon kung pwedeng ipambili ng ulam at kanin.

Masarap sana ang canon kung pwedeng ipambili ng ulam at kanin.

2. Buryong

Walang kinatatakutan ang buryong kapag sumusumpong. Walang kinatatakutan. Liban sa pag-iisa.

Walang kinatatakutan ang buryong kapag sumusumpong. Walang kinatatakutan. Liban sa pag-iisa.

3. Sa Mga Gabi

Sa mga gabing inuumaga ako ng higa, ipinapahinga ko ang bukas kong palad sa nahihimbing mong hita.

Sa mga gabing inuumaga ako ng higa, ipinapahinga ko ang bukas kong palad sa nahihimbing mong hita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s