Mga Ako ni Amalia Salamat

UKOL SAAN
– maikling nobela na naka-sentro sa paglaki at pagyabong ng isang anak na hiwalay ang mga magulang
– ipinakikilala ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili bilang isang bata at binata na may iba’t ibang “kaakuhan” na dapat at/o kailangang gampanan; mga halimbawa: biyahero, joggler, atleta

Mga Ako ni Amalia Salamat

Mga Ako ni Amalia Salamat

KALAKASAN
– magaan ang paglalahad ng kwento; para bang nakikinig ka sa isang malapit na kaibigan habang sabay ninyong itinutumba ang kung ilang bote ng alak
– payak subalit mapuso ang pagtalakay sa isang palasak na premise; ramdam ang pagiging tao ng pangunahing tauhan na nasa edad ng pagharap sa malalaking pagbabago sa kanyang buhay
– mahusay na naipakita ang mundong ginagalawan ng isang teen-ager sa makabagong panahon at ang mga papel na kanyang ginagampanan; sa mga ugnayang ito, ramdam ang salimuot ng paghahanap ng bida sa kanyang sarili
– hindi puro emosyon at internal na realisasyon lamang ang inihahain ng nobela; tigib ito sa makatotohanang mga sitwasyon at pangyayari na nagtutulak sa banghay ng kwento; hitik sa mga elementong nagpapayaman sa katapatan ng nobela

Mahirap din magpalipat-lipat ng bahay. You have to pack and unpack.

Mahirap din magpalipat-lipat ng bahay. You have to pack and unpack.

KAHINAAN
– sa personal na kahingian, nabitin ako sa nobela; sana ay may kasudlong pa

Hindi bobo ang tatay ko. Mas magaling siya sa'kin magbasa between the lines, kaya alam kong hindi uubra ang aking tightrope performance.

Hindi bobo ang tatay ko. Mas magaling siya sa’kin magbasa between the lines, kaya alam kong hindi uubra ang aking tightrope performance.

PATOK SA
– mga naiinip sa mahahabang babasahin; kayang tapusin ang nobela sa isang upuan
– mga binatilyong may kaparehong kalagayan sa buhay; mas may saysay ang librong ito kaysa sa mga dramang pampamilya sa TV at takilya

Ayaw ng Tatay ko sa St. George, hidni lang dahil sa tingin niya'y higit pa sa liberal education ang kailangan ko, kundi baka maging elitista raw ako roon.

Ayaw ng Tatay ko sa St. George, hidni lang dahil sa tingin niya’y higit pa sa liberal education ang kailangan ko, kundi baka maging elitista raw ako roon.

PABORITO

Dito sa Maynila, tiningala ko ang full moon — wala siyang laban sa mga ilaw ng SM.

Dito sa Maynila, tiningala ko ang full moon — wala siyang laban sa mga ilaw ng SM.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s