Medyo O.A. na Review ng 6 na Pelikula sa Cinemalaya 10

Pasakalye: Ibinabahagi ko lang ang mga nagustuhan ko sa 6 na pelikulang napanood. Hindi ito nagpapaka-literary criticism. Hindi rin nagpapaka-film review na may big words gaya ng intertextuality, mise-en-scene, at scenic homage.

***

1.MARIQUINA

– Nagutom ako sa pag-pangas ni Romeo sa pagkain sa Luyong habang nasasamid dahil sa tahimik na pagbe-breakdown. Nakakaikot ng sikmura ang eksenang ito. Pero sana naka-blur na lang yung mukha ni Barbie Forteza. Hmm. Sige na nga, okay na rin. Bumawi naman siya sa phone call.

– Nabusog ako sa siksik, liglig, at umaapaw na imahe: putikang paa, sapatos na naanod sa ilog, ang ilog, dambana, pulang sapatos, pagsusuot ng sapatos sa patay, baha, shanghai. Mamatay na ang hindi napangiti/napangisi nang makitang bumaba mula sa butas sa kisame ang nakataling shoe boxes sa Shoe Mart.

– Buo ang pelikulang ito. Kasing buo ng kagandahan at kahusayan ni Mylene Dizon. Kasing buo ng maliit na karakter ni Monet. Kasing buo ng sala-salabit na sintas ng kasaysayan ng Marikina.

Mariquina by Milo Sogueco

Mariquina by Milo Sogueco

2. SUNDALONG KANIN

– Kasing dami ng p—– i– sa pelikula ang palakpak ko para sa 4 na bata. Lalo na kay Benny. Pero wag sana siyang bigyan ng teleseryeng maka-langit at baka maligaw siya ng landas.

– Nakakaihi ang takbo ng kwento. Ito ang period film na wala kang panahong humikab at antukin.

– Mahaba at makabagbag damdaming awwwwwwwwwwwwwwwwwwwww sa last sequence ng pelikula. Saludo!

Sundalong Kanin by Janice O'Hara

Sundalong Kanin by Janice O’Hara

3. 1st Ko si 3rd

– Madaming madaming madaming tawa, tapos biglang kabig sa tahimik na tahimik na tahimik na (hindi ko matukoy na) kalungkutan.

– Napakapayak ng kwento pero alam mong hinuhukay ang kailaliman ng damdamin at pagkatao ng tao. Kung may 3rd movie ang Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo, sana ganito.

– Kapag inilagay sa tv ang pelikulang ito, tataob ang Pepito Manaloto at Home Sweetie Home. Nova Villa at Dante Rivero bilang love team ng taon!

 1st Ko Si 3rd by Real S. Florido

1st Ko Si 3rd by Real S. Florido

4. KASAL

– Nakakasamid ang mga linyang ito: Hindi naman kami tinatanong kung ano’ng gusto namin. Ang palagi lang tanong, kailan kami ikakasal.

– Luluha ang mga nanay sa San Roque Hagonoy, Bulacan kapag napanood ang breakdown scene nung nanay ng batang groom.

– Makapanindig balahibo sa ilong ang pagkanta ni Johnoy Danao. Sana magka-concert na sila nina Noel Cabangon at Joey Ayala.

Kasal by Joselito Altarejos

Kasal by Joselito Altarejos

5. DAGITAB

– Iba ang tama ng kantang ito: kahit pag-ibig tatalikdan, sa nilalangit na kalayaan (pakinggan dito: https://soundcloud.com/hannahespia/dagitab-ost-kalayaan) Pero kung yung ateng nagdi-discuss ng Maguindanao Massacre ang kumanta nito, wala akong mararamdaman.

– Ang “bata” ng pelikulang ito. Kung saan-saang intersection ako dinala. Bawat palit ng eksena, hindi maiwasang ma-miss ang Los Banos at ang buhay college.

– Kung estudyante ng Oral Interpretation si Nonie Buencamino, tiyak na makaka-uno siya sa pagbasa ng Intersection ni Gabriel Atienza. Best in lasing naman si Eula Valdez. Galing! Galing! Galing!

Dagitab by Giancarlo Lauro C. Abrahan V

Dagitab by Giancarlo Lauro C. Abrahan V

6. HUSTISYA

– Limang palakpak, limang padyak, at tatlong pasabog para sa eksena ni Biring sa taas ng City Hall — umuusal ng dasal habang nagpapa-agaw ng sulat at pera.

– Gusto ko lang umiyak — ala-Vilma Santos hysterical acting — habang umaalingawngaw ang tawa ni Biring sa dulo ng pelikula. Sabi nga nung isang lola, “Magaling pa rin si Nora”.

– Sampung putok ng baril sa thermos ni Biring at pangamot ni Madam Vivian. Walang duda, si Ricky Lee ang sumulat ng kanilang kwento.

Hustisya by Joel Lamangan

Hustisya by Joel Lamangan

————-

Ang mga poster ay galing sa Facebook Page ng Cinemalaya X.

Advertisements

3 thoughts on “Medyo O.A. na Review ng 6 na Pelikula sa Cinemalaya 10

  1. Pingback: Nakaangkas Ako sa Ika-15 Trip to Quiapo | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s