Kalawang sa Patalim ni Teo Antonio

UKOL SAAN
– isa sa dalawang koleksyon ni Antonio na inilimbag noong 1998; naglalaman ng mga tulang hitik sa mito, balita, at kasaysayan na nagpapasilip sa pinagmulan at pinanggagalingan ng may-akda
– nahahati sa apat na bahagi; pinakamatining para sa akin ang “Hiwa sa Bituka” na naglalarawan ng bangis ng lungsod

Kalawang sa Patalim ni Teo Antonio

Kalawang sa Patalim ni Teo Antonio

KALAKASAN
– ang mga isyu, hinaing, at kinapopootan na inukit ni Antonio sa kalagitnaan ng 1990’s ay trending pa rin sa kasalukuyan (sa kabilang banda, nakakadismaya na walang nagbago sa lagay ng lipunan, bagkus ay mas lumala pa)
– nakakatuwang marinig sa isang kaibigan na nagustuhan niya ang mga tulang nagustuhan ko rin (palagay ko ba’y ang mga tulang iyon ang pinakamalalakas sa antolohiya)
– may mga piling tula na pagkatapos kong basahin ay napapatitig ako sa kawalan habang inaapuhap kung ano ang aking naiisip o nararamdaman; bibihira ang ganitong sandali

KAHINAAN
– hindi mayaman ang ekonomiya ng mga imahe; masyadong nalaspag sa isip ko ang larawan ng tubig, megamall, uli-uli, at iba pa.
– lunod sa luha ang koleksyon; hindi ko naalalang napangiti o napangisi ako sa kahiy sa isang tula

PATOK SA
– maraming pinagdaraanan at maraming ipinaglalaban

PABORITO
1. Ozone

Ang Ozone Disco ay gunitang tila walang patawad na impyerno.

Ang Ozone Disco ay gunitang tila walang patawad na impyerno.

2. Putaheng Pandangal

Umuusok ang sinaing sa gusgusing mesa.

Umuusok ang sinaing sa gusgusing mesa.

3. Konstruksiyon

May kapalit ang pangarap na pag-unlad.

May kapalit ang pangarap na pag-unlad.

4. Inilalagda sa Dugo

Ang sumpa at panata para sa kalayaan ay itinititik sa alagwa ng laway.

Ang sumpa at panata para sa kalayaan ay itinititik sa alagwa ng laway.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s