The Kite of Stars and Other Stories ni Dean Francis Alfar

The Kite of Stars and Other Stories by Dean Francis Alfar

The Kite of Stars and Other Stories by Dean Francis Alfar

UKOL SAAN
– koleksyon ng 16 na kwentong nasa kategorya ng speculative fiction
– lipon ng mga akdang may temang fantasy, sci-fi, at horror na nailimbag sa ibat’ibang antolohiya, magasin, at iba pa

KALAKASAN
– walang hangganan ang imahinasyon ni Alfar; dadalhin ka ng kanyang mga kwento sa samu’t saring mundo (na may sariwang sirena, buhay na kalansay, at esposang manananggal) habang nagsasalaysay ng mga kwentong pamilyar sa daigdig na iyong ginagalawan (pangungulila ng asawa, pagtataksil, paghahanap at paghabol ng/sa pag-ibig)
– walang kapaguran ang paglalaro ng isip ng may-akda; ang mga palasak na tema sa panitikan (naglalakbay na mga prinispe, karera ng dalawang tauhan, pag-iibigan ng magkaibang nilalang) ay binigyan niya ng bagong anyo, hugis, kulay, at istruktura; nakamamangha ang pagkamalikhain!
– hitik sa magagandang imahe at talinghaga ang bawat kwento (tingnan ang mga pabotiro); akala mo ay nanonood ka ng pelikula habang nagbubuklat ng mga pahina
– matingkad ang karakterisasyon ni Alfar sa kanyang mga tauhan; halos lahat sa kanila ay hindi madaling malimutan (umiibig na buwaya, batang naglakbay ng 60 taon, empleyadong nagnanasa sa kapwa empleyado, gitnang anak na ayaw maglakbay dahil alam niyang mabibigo sila ng panganay dahil ang bunso ang nakatakdang magtagumpay)
– nanunundot ng damdamin ang katapusan ng mga kwento; mamamahay ng ilang saglit sa puso at isip ng mambabasa ang kanyang nasaksihan at wala siyang magagawa kundi ibahagi sa iba ang masalamangkang karanasan

KAHINAAN
– nakapaghihinayang na 2 o 3 sa mga akda ang hindi ko lubos na naunawaan; kung kahinaan ko ito bilang mambabasa, o ni Alfar bilang tagapagkwento, hindi ko matutukoy
– sa sobrang husay ng mga kwento, tunay na nakakabitin ang antolohiya

PATOK SA
– gustong magpakalunod sa mahika; sa mga nagsasawa na sa nakasusukang realidad na kadalasang paksa ng ating panitikan
– mahilig sa speculative fiction; babala: nakakaadik!; ako ay ganap ng tagahanga ng may-akda

PABORITO
1. The Kite of Stars

She had never known his name.

She had never known his name.

2. The Maiden and the Crocodile

Sharing time and space in a place where silence embraced them.

Sharing time and space in a place where silence embraced them.

3. Four-Letter Words

His regulation blue long sleeves still bearing the phantom heat of his wife's iron.

His regulation blue long sleeves still bearing the phantom heat of his wife’s iron.

4. In the Dim Plane

A questing heart knows no boundaries.

A questing heart knows no boundaries.

Advertisements

7 thoughts on “The Kite of Stars and Other Stories ni Dean Francis Alfar

  1. Pingback: Maraming Salamat, The Virgin Labfest | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s