Oda sa Kaldero at Iba Pang Tula ni Roberto Ofanda Umil

Oda sa Kaldero at Iba Pang Tula ni Roberto Ofanda Umil

Oda sa Kaldero at Iba Pang Tula ni Roberto Ofanda Umil

UKOL SAAN
– binubuo ng 111 tula, kasama ang mga akdang kabilang sa tatlong koleksiyon ni Umil (Mga Tula sa Pagpapalit ng Tadhana, Mga Tula sa Sandali ng Tunggali, at Pagkapaso ng Puso: Mga Tula ng Pagsuyo); ang mga koleksyong ito ay nagkamit ng pangalawa at pangatlong gantimpala mula sa Palanca Memorial Awards noong 1991, 1994, at 1997

KALAKASAN
– bagung-bago sa pandinig ang boses ni Umil; wala akong mapagkumparahan ng pagkapayak, pagkamaangas, at pagkaprangka ng kanyang mga tula; ang nakatutuwa pa ay napapanatili ng may-akda ang kanyang tinig kahit pa nag-iiba ang paksa at damdamin ng mga tula
– bago rin sa pandinig at paningin ang mga imahe at talinhaga ni Umil; narito ang ilan sa mga pinakanagustuhan ko (ang mga taludtod na ito ay kinailangan kong basahin ng ilang ulit para mas lalo ko pang manamnam ang kariktan):

*bakat na lang ang suot ng palasinsingan
*mabigat sa nguso ang sebo ng lechon
*mga halaman ay nakahikaw pa ng hamog
*nakalalapnos ang sagot na ibinanli mo
*tula ay diwang kaputol ng iyong dila

– hula ko ay maraming pinagdaanan ang puso ni Umil dahil napakahusay niyang umukit ng tula ukol sa pag-ibig (kahit na anong porma pa yan: nabigo, hindi nasuklian, naudlot, makasalanan, lihim, bawal, hindi pangkaraniwan, atbp.)

KAHINAAN
– walang kahandaan ang kabig o twist ng ilan sa mga tula; nasisira tuloy ang pangako ng isang magandang kwento na matagumpay niyang nailunsad
– hindi sala ang antolohiya; maaaring matabunan ang kagandahang ng ilang tula dahil sa pagkadismaya sa ilang akda

PATOK SA
– mas trip ang mga simpleng tula na naiintindihan agad sa unang basa (subalit hindi nakokomprimiso ng kapayakan ang kagandahan ng mga akda)
– hindi trip ang mabibigat at tahasang sosyo-politikal na tirada

PABORITO
1. Akyat-Bahay

Sa dibdib ng iyong sala, humihilig ako kapag bumabawi ng lakas.

Sa dibdib ng iyong sala, humihilig ako kapag bumabawi ng lakas.

2. Bumper to Bumper

Ang daloy ng trapik parang buhay pinoy, laging nakapreno sa hi-way ang gulong.

Ang daloy ng trapik parang buhay pinoy, laging nakapreno sa hi-way ang gulong.

3. Larawan Mo ang Umaga sa Kanluran

Kamay mo ang silahis ng umagang yumayakap sa akin.

Kamay mo ang silahis ng umagang yumayakap sa akin.

4. Ayon sa Panahon

Abandonado si Junior sa loob ng ilang saglit.

Abandonado si Junior sa loob ng ilang saglit.

Advertisements

2 thoughts on “Oda sa Kaldero at Iba Pang Tula ni Roberto Ofanda Umil

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s