Nandoon sa Kahapon

kuha ng may-akda sa Bulan, Sorsogon

kuha ng may-akda sa Bulan, Sorsogon

Hinanap kita sa left at right ventricle,
sa veins, sa atrium,
sa arteries at vena cava, at sa aorta,
pero wala ka.

Hinanap kita sa frontal at occipital lobes
sa thalamus, sa cerebellum,
sa hippocamus at amygdala, at sa medulla,
pero wala ka.

Wala pala sa puso o sa isip ang alaala;
nandoon sa kahapon,
lumipas na at unti-unting nabubura.

Hinanap kita sa mga sulat at punit na tiket
sa talulot ng rosas, sa bote ng alak
sa cellphone at wallet, at sa Internet;
pero kahit anino mo ay di ko nakita.

Hinanap kita sa kumpol ng ulap at tala
sa tinta ng bolpen, sa linya ng kanta
Sa taas at ibabang labi, sa Pasay Rotonda;
pero kahit anong hanap ko’y di kita nakita.

Wala pala sa gamit o sa lugar ang alaala;
nandoon sa kahapon,
naluma na at isa-isang nawawala.

Wala pala sa puso o sa isip ang alaala;
nandoon sa kahapon,
hindi na mahawakan, hindi magawang balikan.

Kailanman, hindi na kita mahahanap.
Wala na ang dating lugar at ang lumang gamit.
Wala na ang puso,
wala na ang isip.

________

17 Hulyo 2012

Advertisements

One thought on “Nandoon sa Kahapon

  1. Pingback: Nandoon sa Kahapon | impressions and expressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s