10 x 10 x 10 ng Writers Bloc

10 x 10 x 10 ng The Writers Bloc

10 x 10 x 10 ng Writers Bloc

UKOL SAAN
– sampung tigsasampung minutong dula ng sampung mandudula na buhat sa humigit-kumulang 80 akdang naisulat sa dalawang taong palihan sa pagsulat ng PETA
– kauna-unahang aklat mula sa Writers Bloc

PATOK SA
– mga estudyante ng teatro na naghahanap ng mga pyesang maaring gamitin sa directing at acting class
– nagsisimula pa lang na aralin ang pagsulat ng dula; mabisang gabay para sa mahusay na pagbuo ng karakterisasyon at banghay

PABORITONG MGA LINYA
1. Pinakamabait na kaibigan ang mga patay. Hindi ka nila natatraydor. Binubuksan ko ang kanilang mga dibdib, tinatanggalan ko sila ng mga lamang loob at hindi sila nagco-complain. – Luis (Tingnan Natin ang Mukha Niya, dula ni Nicolas Pichay)

2. Isang milyong beses kong inulit-ulit itong eksenang ito sa utak ko and I’ve always imagined a violent reaction from you. Mga kutsilyong lumilipad! Mga platong nababasag! A piercing scream! Or that famous line: Madre de Dios! Saan ako nagkamali. – Quinn (Over a Cup of Coffee, dula ni Vince de Jesus)

3. Sana sa umpisa pa lang, made-detect mo na ang kategorya ng mga lalaking gustong maging tatay — ito, father material. Ito sperm donor lang. At least malinaw ang expectations. – Toinette (Saith Anthony, Pray for Us, dula ni Liza C. Magtoto)

4. Akala mo dahil magaling yung thesis mo, angat ka na sa competition? Pakialam nila sa thesis mo!!! Landing a job is not about being qualified or being competent. Like I said, it’s a beauty contest. – Jervis (Trabaho Soliloquies, dula ni Ned Trespeces)

5. Mas mabuti nga ngayon. Pwede na tayong maging open. Me sabit ka. Me sabit ako. Safe na, di ba? – Lalaki (Walang Iwanan, dula ni Rene O. Villanueva)

6. Letse ito. Ano ang akala niya sa matris ko, blender? Lagyan mo ng prutas, asukal at yelo, instant shake na? – Lara (Single Brown Female, dula ni Jose Victor Z. Torres)

7. Makikilala ko ba si Patrick kung walang Internet? Isang blessing talaga ang Internet sa akin, at isang blessing din na nakilala ko si Patrick. Noong nakilala ko siya, pwede palang may magkagusto sa akin, kahit hindi pa nakikita ang itsura ko. Posible pala na may manligaw sa akin… posible din pala na maymaghal sa akin. – Eileen (Eyeball, dula ni Alvin I. Dacanay)

8. Hindi ninyo ito kakayanin, mga chufatid. Nagwawala na sa gutom ang ibang guests. Yung isang ninong muntik nang sakmalin ang ulo ng bridesmaid nang buong buo. Buti na lang at nahampas niya ito ng kanyang bouquet. – Sakristan (Balang-araw [O Ang Huling 10 Madramang Minuto ng Kahihiyang Eskandalo sa Chuchuchuchu-Shushushumenilyn Nuptials sa Planetang Earth Taong 3010 AD] , dula ni Chris Martinez)

Kabilang din sa koleksyon ang Isang Libong Tula Para sa Dibdib ni Dulce ni Layeta Bucoy at Nang Dahil Lang sa Init ni Rody Vera.

Advertisements

3 thoughts on “10 x 10 x 10 ng Writers Bloc

  1. Pingback: Minsan Din Akong Nagsulat ng Romance Pocketbook | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s