Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan

UKOL SAAN
–  isang detective novel na ang mga pangunahing tauhan ay dalawang pari na may background sa forensic anthropology
– ang kwento ay nakasentro sa serye ng pagpatay sa mga batang lalaki tuwing unang Sabado ng buwan; halos magkakasing-edad ang mga biktima at lahat sila ay kinukuhanan ng puso at ari at tinatapyasan ng mukha
– nagkamit ng mga pagkilala gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards Grand Prize for Novel noong 1999, National Book Award noong 2002, at Madrigal-Gonzalez Award noong 2003

20141004_080832

KALAKASAN
– mahirap bitawan ang libro dahil tunay itong kapana-panabik
– ang husay ng lenggwahe ng nobela; pareho ang reaksyon namin ng isang kaibigan na para sa isang nobela na naisulat noong 90’s, ito ay ahead of its time, kumbaga
– matalino at hindi palasak ang karakterisasyon: mga paring detective, reporter na nagrereact sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang apat na iba’t ibang wika, NBI officer na matindi ang pagpapahalaga sa pagpapalinis ng kuko, atbp.

20141004_080040
– sabi nga sa blurb ng libro, ang nobelang ito ang nagpatunay na pwedeng maging pop at literary ang isang akda; kalakasan ng manunulat ang husay niya sa paglalahad ng lungkot, pangungulila,  pagkaiwan, at pang-iiwan
– humahanga ako sa hirap ng proseso sa pagbuo ng ganitong kwento; biruin mo, inisip ng may-akda kung paano pakukumplikaduhin ang kaso; ginulo niya ang kanyang utak para guluhin ang ating pag-iisip

20141004_075803
– powerful at haunting ang mga imahe: turon, dingding ng mga medalya, masakit na ngipin, ref na puno ng lagim; para akong nanonood ng pelikula habang nagbabasa
– nakakatuwa na kahit may pagka-banyaga ang tema ay naging Pinoy pa rin ang sensibilidad ng nobela

20141004_075426

KAHINAAN
– masyado akong nabilisan sa pagkalutas ng problema; umasa ako na may lulutang pa na mas maraming espekulasyon na lalong magpapaigting sa kwento
– maganda ang pagkasulat ng kasudulan ng kwento (yung tagpo kung kailan mahuhuli na nila ang suspek); subalit nararamdaman ko na kaya pa itong higitan ng may-akda

PATOK SA
– mahilig sa detective story; maipantatapat ang nobelang ito sa foreign mystery TV series at movies (teka, bakit nga kaya wala pang nag-aadapt nito sa pelikula?)
– klase ng Philippine Literature in English; rekomendado sa mga guro na hindi maganyak ang mga mag-aaral na magbasa ng mga gawa ni F. Sionil Jose

20141004_080705

PABORITO

20141004_075526

20141004_080437

Advertisements

One thought on “Smaller and Smaller Circles ni F.H. Batacan

  1. Pingback: 5 Paboritong Kwento sa The Children’s Hour Vol. 2 | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s