Lagom ng Isang Linggong Pagtatangka Tungo sa Kaunlaran at Kalinangan ng mga Bata

Limang araw akong nasa Baguio noong nakaraang linggo para dito:

CCWW 2014 sa El Cielito Hotel, Baguio City

CCWW 2014 sa El Cielito Hotel, Baguio City

Mga napulot na aral sa Cordillera Creative Writing Workshop:

1. Huwag i-underestimate ang kakayahan ng bata na umunawa.
2. Katamaran ng manunulat ang paggamit ng tatlong exclamation point.
3. Ang hope/pag-asa ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng panitikang pambata.
4. Mahalagang puhunan ang imahinasyon sa pagsusulat ukol sa mga sensitibong paksa.
5. Ang tula na nangangaral ay isang slogan.
6. Kapag sinabing gawing pambata, hindi ibig sabihin na i-sanitize ang akda.
7. Ang adjective/pang-uri ay hindi imagery.
8. Huwag matakot na manalinghaga sa mga bata.
9. Mahalaga ang pasya ng bata sa kanyang kwento.

Bilang paglalagom ng aking karanasan sa CCWW2014, narito ang tulang ibinahagi ko sa mga participants at organizers noong gabi ng graduation:

Lagom ng Isang Linggong Pagtatangka Tungo sa Kaunlaran at Kalinangan ng mga Bata
para sa aming mga guro sa CCWW 2014

Ipangako natin na…
kagaya nina Igme at Boyet, hindi natin hahayaang mabasa ang ating kahon ng kayamanan;
tulad ni Sarah, patuloy nating hahanapin ang mga nais nating mahanap;
kagaya ng Araw at Gabi, hindi magmamaliw ang pagkagutom natin sa pagkatuto kailanman;
tulad ng kaibigan ni Tingting, palagi tayong magiging matatag anumang delubyo ang dumating;
kagaya ni Millie, we will do what we love and we won’t let anyone make us believe that we are broken;
tulad ng bahagharing kakulay ng mga prutas, ang ating haraya’y mananatiling makulay at mabunga;
kagaya ni Pepe Feet, tayo ay magiging bayani sa sarili nating paraan;
tulad ni Xarifa at ng iba pang batang bakwet, tayo ay babalik at hindi makalilimot;
kagaya ni Tinong Piloto, lilipad tayo patungo sa langit na masaya nating pagsasaluhan;
tulad ni Ilog, makikidigma tayo upang banggain ang mga dapat banggain;
gaya ng Sinanbituon, magiging paalala tayo sa mga bagay na mahahalaga;
tulad ni Sol, ipaglalaban at ipagbubunyi natin ang ating karapatan at ang demokrasya;
gaya ng papel, magkakaroon tayo ng hindi mabilang na silbi;
at tulad ni Danika, tutuklasin natin ang halaga at kariktan ng ating identidad at pangalan.

Class Picture

Class Picture

Doc Eugene Evasco: "Ipagpatuloy mo ang iyong pangako. PLEASE."

Doc Eugene Evasco: “Ipagpatuloy mo ang iyong pangako. PLEASE.”

Lola Luchie Maranan: "Makapangyarihan ang salita. Gamitin nang malikhain para sa mga bata."

Lola Luchie Maranan: “Makapangyarihan ang salita. Gamitin nang malikhain para sa mga bata.”

First-timer

First-timer

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s