Nagkakaisang Dila

Larawan ay mula sa http://bit.ly/1ptjdKu

Larawan ay mula sa http://bit.ly/1ptjdKu

Kung magtuturo ng kulay sa mumunting bata,
hindi ba’t mas malikhain sa “orange”, “blue”, at “violet”
ang “kahel”, “bughaw”, at “lila”?

Kung magsusulat ng tula para sa iyong ama’t ina,
hindi ba’t taob ang mga salitang “dream” at “memory”
sa “pangarap” at “gunita”?

Kung sasabihin mo na ang tinuran ng kausap ay tama,
hindi ba’t ang “Tumpak!” kontra sa “Correct!”
ay mas may sipa?

Kung magpapahayag ng aruga at pag-aalala,
hindi ba’t higit na matimbang sa “Take care”
ang “Mag-iingat ka”?

Kungmaghahatid ng papuri’t paghanga,
hindi ba’t ang “Congratulations” sa “Binabati kita”
ay walang panama?

Kung hihingi sa kapwa ng dispensa o pasensya,
hindi ba’t mas taos sa puso ang “Patawarin mo ako”
kaysa “I’m sorry, ha”?

Kung magbibigay halaga sa handog ng iba,
hindi ba’t ang “Maraming salamat” kumpara sa “Thank you”
ay mas masarap sa tenga?

Kung magtatapat ng pag-ibig sa iyong sinisinta,
hindi ba’t ‘di hamak na mas malambing sa “I love you”
ang “Iniibig kita”?

Kung mithi nating magkabuklod at umunlad ang bansa,
hindi ba’t mabisang hakbang
ang pagkakaisa ng ating dila?

***

Ang tulang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 6.

Saranggola 336x280

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s