Mga Piling Dula mula sa Virgin Labfest: Ikalawang Antolohiya

Virgin Labfest 2009 - 2012

UKOL SAAN
– established in 2005, Virgin Labfest is an annual festival of new plays by emerging and established Filipino playwrights at the Cultural Center of the Philippines; it aims to provide Filipino playwrights a venue to present their unpublished, unstaged, untested and untried works to the theater-going public
– this second anthology covering the years 2009 – 2012 includes select plays by Layeta P. Bucoy, Nicholas B. Pichay, Tim Dacanay, Allan B. Lopez, Floy Quintos, Reuel Molina Aguila, and more

*detalye buhat sa http://bit.ly/14P3w74

PATOK SA
– mga naghahanap ng mahuhusay na pyesa para sa kanilang pagtatanghal; ang aklat na ito ay mina ng mahuhusay at salang-salang mga akda
– mga nagnanais o nag-aaral na sumulat ng dula; narito ang lipon ng mga dulang may isang yugto na nagtatampok ng pinag-isipang mga tauhan, tema, at banghay

*PAYO  sa mga nagnanais na itanghal ang alinmang dula sa antolohiyang ito: makipag-ugnayan kayo sa may-akda bago pa man ninyo simulan ang produksyon; humingi kayo ng pormal na pahintulot upang makapaglatag sila ng kanilang mga kondisyon (kadalasan naman ay magagamit ninyo nang libre ang isang akda, basta’t maayos kayong nakipag-usap sa nagmamay-ari ng teksto; nariyan ang kanilang mga pangalan at hindi mahirap na hanapin o ipagtanong sila sa Facebook

virgin_labfest_2009-2012-2

MGA PABORITONG LINYA
1. Hindi ka ba nababahala? Saan pumunta ang kanta? Binalewala niya ako. Ang kanyang tagapakinig. Ano ang gusto niyang ipahiwatig? Na pwede siyang magpaasa ng tao pagkatapos, iyon na iyon? Bibitinin lang niya. At kalimitan ang pagbibitin, patiwarik. Aba, umaasa ang tao. Kaya nga siya tao dahil marunong siyang umasa. Ipinanganak siyang umaasa. At kung talagang tao siya, mamamatay siyang may pag-asa na malalaman kung saan pumunta ang ibang lyrics ng kanta. – Toni (Isang Araw sa Karnabal, dula ni Nicolas Pichay)

A scene from Nicolas B. Pichay's

A scene from Nicolas B. Pichay’s “Isang Araw sa Karnabal”, featuring Paolo O’Hara and Skyzx Labastilla, directed by Chris Millado, originaly staged in the fifth Virgin Labfest on June 2009 and restaged in the sixth Virgin Labfest on June-July 2010.

2. FROILAN: Tawa pa, Nanay, para hindi kayo makalimot. Para maalaala ninyo ang lahat. NANAY: Ayaw ko nang tumawa. Ayaw ko nang maalaala ang lahat. – (Isa Pang Soap Opera, dula ni Reuel Molina Aguila)

3. ELSA: Ano’ng pakiramdam ng pumatay ng kadugo? BOY POGI: Matagal na n’yang tinakwil ang dugo namin. Dapat ang tanong mo, pa’nong pumatay ng mayabang. (Doc Resureccion: Gagamutin ang Bayan, dula ni Layeta Bucoy)

A scene from Layeta P. Bucoy's

A scene from Layeta P. Bucoy’s “Doc Resureccion: Gagamutin ang Bayan”, featuring Jonathan Tadioan, Crispin Pineda, and Riki Benedicto; directed by Tuxqs Rutaquio; originally staged in the fifth Virgin Labfest on June 2009 and restaged in the sixth Virgin Labfest on June-July 2010.

4. Yung kabaliwang yan, may I remind you, maski walang pera sa teatro, yan ang nagdala ng maraming award sa buhay ko, na nilagay natin sa mga kabinet natin sa bahay. Ang mga award na yan ang pinangsasangga natin sa kamay ng tatay mo. Yun ang tunay na baliw. – Bing (Higit Pa Dito, dula ni Allan Lopez)

5. Walang rescue! Walang signal! Walang rubber boat! Walang salbabida! Ni batcha, wala!!! Ni mumo ng tinapay, wala! Wala! Ikaw, nandito ka nga pero balewala. Putang ina!!! Pati scam!!! Scam na pala pinatulan mo pa. Kung hindi pa ko nagpamanicure kay Tita Maris hindi ko pa malalaman! Kahit sino kasi pinagkakatiwalaan mo. – Mercy (Ondoy: Ang Buhay sa Bubong, dula ni Remi Karen Velasco)

6. Pag lumabas tayo sasaktan nila tayo. Hindi nila tayo maiintindihan. Nakakulong sa hawla ang mga isip nila, nakakahon. Sila ang dapat lumabas! – Ka Obet (Kafatiran, dula ni Dingdong Novenario)

7. Kung saan ka man dalhin ng iyong mga bagwis… saan ka man dalhin ng hangin ng buhay, pakatandaan mong laging may pugad na narito para sa iyo. – Bistugey (Pagsubli, dula ni Aizel Cabanlit Cabilan)

8. Wala akong alam at inaamin ko ito. Ito ang katotohanan na hinahanap mo. Ang pagtatapat ng kamangmangan nang walang pasubali sa hiya at pagkamuhing iba sa akin. Hindi ba ito ang pinakadalisay na rurok ng katotohanan? – Alejandro (Streetlight Manifesto, dula ni Mixkaela Villalon)

9. BRANDY: Wala naman tayong ginagawa sa kanila, binabagsak nila tayo, tinatapakan. GILBEYS: Dahil sa lupa na tayo nakadikit, Brandy. Wala nang aakyatan pa. Pero hindi bale, may mga taong mas mababa at bababa pa sa lupang dinidikitan natin. (Balunbalunan, Bingibingihan, dula ni Debbie Ann Tan)

10. Tingin mo ba meron pang trabahong may saysay ngayon? Lahat naman tayo nagtatrabaho para sa parehong tipo ng tao, wala ng bago, wala ng orihinal, lahat nagawa na. – Alwin (Kawala, dula ni Rae Red)

11. Pasensya ka na kung ang sweet sa’kin ni Mommy Di. Pasensya ka na kung puro Mommy Di ang laman ng inbok ko, ng sent items ko, ng calls ko. Pasensya ka na kung may nababasa kang ‘mwah’ sa cellphone ko. Sorry ha, kasi gusto ko lang naman ng maalagang girlfriend kasi apparently hindi mo na ko inaasikaso nitong mga nakaraang buwan! – Red (Kinaumagahan, dula nina Rachelle Joy Rodriguez at Wennielyn Fajilan)

12. She would call Papang’s queridas and try to make them friends. Okay, maybe not close friends. Just keep them near enough to know what they were doing, what Papang was doing. What they did in private, Mamang never asked. – Miranda / Ana Abad Santos (Evening at the Opera, dula ni Floy Quintos)

13. Siguro nung wala pang kuryente, sa buhok mo malalaman kung lalaki o babae ang hinahalikan mo. Mga lalaki ang nangingiliti, babae ang nagpapakiliti. – Julian (Ang Unang Regla ni John, dula ni Em Mendez)

14. Tao ba ‘yon?! Tao ba’ng tawag mo ro’n?! Tao ba’ng tawag mo sa’tin?! Ano ba’ng tao, ha?! Ano ba’ng hayop?! Tangina! Tumingin ka sa buong kwartong ‘to — mga tae! Tao ba ‘yan?! Ha?! Ha?! Tao?! Limang tangang sinalpak sa isang kwarto, walang ibang magawa kundi magpatayan. – C (Mga Kuneho, dula ni Guelan Luarca)

15. ANAK: Dito kayo kumain ni Aling Jenjen, di ba? Sabi pa nga niya, “Ang sarap mo naman! Kainin kita diyan, e.” DADDY: Pero hindi naman ako nagpakain, di ba? Kasi, hindi naman ako ulam. Ikaw, ulam ka ba? – (Matyag, dula nina UZ Eliserio, Maynard G. Manansala, at Chuckberry Pascual)

16. Sister, hindi natin naihanda ang ating mga gradweyts sa paglusong sa mundo ng pang-aapi, pang-aabuso, panggagahasa, pag-uudyok at pagsabak sa mga gawain. Ngayon na dapat ituro ito dahil ang daming nangyayaring kalokohan sa mundo. – Mrs. Reyes (Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes, dula ni Tim Dacanay)

A scene from Tim Dacanay's "Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes", featuring Marjorie Lorico, directed by Hazel Gutierrez, and staged in the fifth Virgin Labfest on June 2009.

A scene from Tim Dacanay’s “Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes”, featuring Marjorie Lorico, directed by Hazel Gutierrez, and staged in the fifth Virgin Labfest on June 2009.

Advertisements

One thought on “Mga Piling Dula mula sa Virgin Labfest: Ikalawang Antolohiya

  1. Pingback: Mga Piling Dula mula sa Virgin Labfest: Unang Antolohiya | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s