Talulot ng Umaga: Mga Piling Tula ni David T. Mamaril

Talulot ng Umaga: Mga Piling Tula ni David T. Mamaril

Talulot ng Umaga: Mga Piling Tula ni David T. Mamaril

UKOL SAAN
– umiinog ang kalipunan ng mga tula mula sa pinakapayak hanggang sa pinakamalawak na damdamin ng tao hinggil sa kanyang pag-iral
– ang bawat akda ay pagbubulay ukol sa pagkain, trabaho, relihiyon, digma, agham, at iba pa
– binubuo ng mahigit 100 tula na nagpapamalas ng sa malalim at mahusay na paglingon ni Mamaril sa panulaan nina Balagtas, Batute, at Bonifacio

KALAKASAN
– marapat nga na paranglan ang may-akda bilang Makatang Liriko dahil tunay namang dalubhasa siya sa anyong ito ng pagtula; habang nagbabasa, pakiramdam ko ako ay nakikipagbalagtasan
– napakayaman ng mga talinghaga ni Mamaril; ang kanyang antolohiya ay mina ng malalaman at makahulugang metapora
– mahusay at akma ang paggamit ng mga mythological/biblical characters bilang talinghaga (hal. Marte, Cain, Lusiper)
– mayaman din ang hulagway ng mga tula; nakatulong sa kariktan ng mga akda ang paggamit ng mga “salita ng nayon”
– ang panimulang isinulat ni Roberto Anonuevo ay matalinong gabay sa pagbasa sa buong antolohiya

KAHINAAN
– maaaring maumay rin ang mambabasa sa pagka-liriko ng mga tula; kumbaga ay paulit-ulit na tumutugtog ang isang awit
– nagkaroon ng maraming pag-uulit sa ideya ang mga tula na nakapaloob sa “Sa Puso ng Tunggalian”
– hindi maiiwasan na ikumpara ng mambabasa ang mga tula ni Mamaril sa mga katha ni Balagtas

PATOK SA
– mga makata at mag-aaral na tradisyunal na anyo ang hilig

PABORITO
1. Mais

20141123_092313

2. Bilangguang Templo

20141123_092502

3. Biyaya ng Kapangitan

20141123_092137

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s