In Retrospect: 32 Dula ng 2014

Hindi ito review. Hindi rin listahan ng awards para sa best of the best ng nagdaang taon. Ibabahagi ko lang ang mga hindi malilimutang sandali sa bawat dulang napanood ko.

1. Wicked
– makabagbag damdaming pag-fade in ng For Good
– nakakaihing paghihintay sa Defying Gravity

20130803-wicked-musical-01

Dula ni Winnie Holzman, Musika at Awit ni Stephen Schwartz

2. Games People Play
– paggulong ng holen kasabay ng black out sa sensitibong eksena nina Julio at Diego
– yung awkwardness among the three characters sa kanilang reunion

Dula ni Glenn Sevilla Mas, Direksyon ni Ed Lacson, Jr.

Dula ni Glenn Sevilla Mas, Direksyon ni Ed Lacson, Jr.

3. Ang Nawalang Kapatid
– makapanindig balahibo na ending: sumasabog na live music, naghahalong palahaw/daing/sigaw, intense choreography, at ulan na sinundan ng mas makapanindig balahibo na katahimikan
– mahusay na choreography ng nagdyudyug na usa
– malikhaing devise ng panganganak gamit ang tela

Dula ni Floy Quintos, Direksyon ni Dexter Santos

Dula ni Floy Quintos, Direksyon ni Dexter Santos

4. August: Osage County
– yung eksena sa dining table na isang henyo lang ang makaka-pull off (okay, medyo OA)
– halos tatlong oras na hindi pagkaburyo kahit pa napakatahamik ng dula
– nakamamanghang husay ni Chris Millado sa pagbuo ng blockings

Dula ni Tracy Letts, Direksyon ni Chris Millado

Dula ni Tracy Letts, Direksyon ni Chris Millado

5. Cock
– nagbabagang sex scene nina John at W na hindi kinailangan ng paghuhubad
– mahapding kurot ng ending na nag-iwan ng malalim na buntong hininga

Dula ni Mike Bartlett, Direksyon ni Rem Zamora

Dula ni Mike Bartlett, Direksyon ni Rem Zamora

6. Overheard @ UPLB
– buong karansan ng pagdidirect ng isang full length play para sa Tabsing Kolektib
– abot-tengang ngiti ng mga aktor sa pag-awit ng “Pagkagraduate Ko Ito ang Mamimiss Ko”

Dula ni Jebboy Bagalihog, Direksyon nina Yuri Sta. Maria at Eljay Castro Deldoc

Dula ni Jebboy Bagalihog, Direksyon nina Yuri Sta. Maria at Eljay Castro Deldoc

7. Enigma (tampok ang apat na dula para sa Theater 141 Directing Finals)
– sa “Suor Clara”, ang magaling na pagganap nina Natasha Cabrera at Paul Jake Paule
– sa “Vida”, yung hindi masyadong magandang performance nung Tanod
– sa “Ninja Love”, yung kulit, ligalig, at mahusay na timing ni Ninja
– sa “Bright Moon”, ang mahusay na pagkakasulat ng dula na nabigyang hustisya ni Amihan Ruiz

Suor Clara ni Floy Quintos, Direksyon ni Fatima Cadiz

Suor Clara ni Floy Quintos, Direksyon ni Fatima Cadiz

8. Anonymous
– nakakabuwisit at nakakagigil na pagganap ni Cris Pasturan at nakakaantig na pagganap ni Uleb Nieto

Dula ni Liza Magtoto, Direksyon ni Audie Gemora

Dula ni Liza Magtoto, Direksyon ni Audie Gemora

9. Sa Pagitan ng Dalawang Kahong Liham
– ang bigat at tensyon ng dula na pinaigting ng makatotohanang pagganap nina Marco Viana at Roeder Camanag
– sala-salabit na fluorescent lamps

Dula ni Layeta Bucoy, Direksyon ni Chris Millado

Dula ni Layeta Bucoy, Direksyon ni Chris Millado

10. Sa Isang Hindi Natatanging Umaga at ang Ulap ay Dahan-dahang Pumaibabaw sa Nabubulok na Lungsod
– ang pakiramdam na sumasayaw ka habang pinapanood ang dula; nakaka-LSS yung transition music
– chemistry nina Liesl Batucan at Jonathan Tadioan

Dula ni Allan Lopez, Direksyon ni Denisa Reyes

Dula ni Allan Lopez, Direksyon ni Denisa Reyes

11. Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal
– buong karanasan ng pagiging bahagi ng Virgin Labfest sa ikalawang pagkakataon

Dula ni Eljay Castro Deldoc, Direksyon ni Roobak Valle

Dula ni Eljay Castro Deldoc, Direksyon ni Roobak Valle

12. Last Ten Minutes
– yung tagos sa pusong ending na hindi mo inasahan na para bang ikaw ang sinasabihan ng “Kunwari masaya ka…”
– chemistry nina Mayen Estanero at Nor Domingo

Dula ni Joy Icayan, Direksyon ni Tami Monsod

Dula ni Joy Icayan, Direksyon ni Tami Monsod

13. Mapagbirong Haplos
– yung pakiramdam na gusto mong yakapin si Tatay dahil sa awa pero magdadalawang isip ka dahil maiisip mo na minolestya nya yung anak niya

Dula ni Kevin Tabora, Direksyon ni Melvin Lee

Dula ni Kevin Tabora, Direksyon ni Melvin Lee

14. Ang Naghihingalo
– mabagal na simula pero bawing-bawi at palung-palo na pagtatapos
– pag-alala sa mga magulang at kamag-anak sa probinsya na in one way or another ay nakikita ko sa mga tauhan

Dula ni Raymund Reyes, Direksyon ni Dennis Marasigan

Dula ni Raymund Reyes, Direksyon ni Dennis Marasigan

15. Wendy Wants to be a Housewife
– yung kilig at aww moment sa ending kahit pa expected ko na na iyon ang mangyayari
– chemistry nina Topper Fabregas at Delphine Buenamino

Dula ni Dingdong Novenario, Direksyon ni Joshua Lim So

Dula ni Dingdong Novenario, Direksyon ni Joshua Lim So

16. The Missing Peace
– pag-aasam na makita kung paano matutupad ang propesiya ng pagkamatay ni Miss Universal Empress pero hindi naman naipakita

Dula ni Carlo Vergara, Direksyon ni Marlon Rivera

Dula ni Carlo Vergara, Direksyon ni Marlon Rivera

17. Imbisibol
– nakakasira sa ulong ending na nagpakinang sa husay nina Ces Quesada at Bernardo Bernardo; haunting yung videoke song na hindi ko maalala kung ano ang title
– mahusay na pagtatahi sa isang bagong kwento

Dula ni Herlyn Alegre, Direksyon ni Law Fajardo

Dula ni Herlyn Alegre, Direksyon ni Law Fajardo

18. Kung Paano Ako Naging Leading Lady
– hagalpak kung hagalpak dahil sa galing ng mga aktor

Dula ni Carlo Vergara, Direksyon ni Chris Martinez

Dula ni Carlo Vergara, Direksyon ni Chris Martinez

19. Betang
– mga radyong naging puntod sa pagtatapos ng dula
– hindi matatawarang galing sa pagganap ni Sherry Lara; damang-dama yung “Kahit sa kamatayan, hindi pa rin ako ang pipiliin.”

Dula ni Joanna Katanyag, Direksyon ni Ed Lacson, Jr.

Dula ni Joanna Katanyag, Direksyon ni Ed Lacson, Jr.

20. Sa Lilim
– malikhaing paggamit ng ilaw at backdrop ng malaking puno para ma-pull off ang setting ng dula

Dula ni Reya Laplana, Direksyon ni Jenny Jamora

Dula ni Reya Laplana, Direksyon ni Jenny Jamora

21. Bago Ilibing
– nakakabaliw na breakdown scene ni Sarah Salazar na nagpatumba sa kabaong

Dula nina Maynard Manasala at U.Z. Eliserio, Direksyon ni JK Anicoche

Dula nina Maynard Manasala at U.Z. Eliserio, Direksyon ni JK Anicoche

22. Fluid
– buong Act 2 sa Art Gallery; yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano na ang nararamdaman mo — naeexcite, natatawa, naiihi
– paggamit ng swivel chair sa eksena nina Jom at Alben
– pagkahusay-husay na pagganap ni Ana Abad Santos; actually, ng buong cast

Dula at Direksyon ni Floy Quintos

Dula at Direksyon ni Floy Quintos

23. Kleptomaniacs
– kapuri-puring choreography ni Nestee Gamilla na nakakuha ng nominasyon sa Philstage
– pang-MMK na tambalan ni Tabo at ng kanyang kapatid na si Buchoy, plus ang short but sweet and painful na pagganap ni Ngongo

Dula ni Layeta Bucoy, Direksyon ni Tuqxs Rutaquio

Dula ni Layeta Bucoy, Direksyon ni Tuqxs Rutaquio

24. Upstart Short Play Lab
– sa “Pag-ibig Lang Ang Meron Tayo”, yung kissing scene nina Mike Ona at Drew Espenocilla
– sa “Fate”, ang simpleng premise ng dula na naunawaan ko lang nung ikalawang beses kong pagpanood
– sa “The Rapture”, yung panalong timing ng host
– sa “Going Places”, ang awwwww feeling sa ending ng dula na parang gusto kang paniwalain sa forever

Pag-ibig Lang ang Meron Tayo ni Eljay Castro Deldoc, Direksyon ni Miziel Manalac

Pag-ibig Lang ang Meron Tayo ni Eljay Castro Deldoc, Direksyon ni Miziel Manalac

25. Ang Prinsipito
– tamang timpla ng ensemble na naghatid ng munti subalit ‘di malilimutang salamangka
– si Moreen Guese na matagumpay na nagampanan ang papel bilang isang batang lalaki
– yung pagsindi ng mga kandila sa ending na hindi ko alam kung bakit nila ginawa

Dula ni Joaquin Cerdas, Direksyon ni Jay Crisostomo IV

Dula ni Joaquin Cerdas, Direksyon ni Jay Crisostomo IV

26. Badjao Rebolution
– ang pagkadibuho ni Francinn Hubag sa kwento na punung-puno ng potensyal
– ang kantang “Dapat Ganito ang mga Bata”

Dula at Direksyon ni Francinn Hubag

Dula at Direksyon ni Francinn Hubag

27. Rak of Aegis
– si Tolits at ang kanyang kabuuan
– ang mahihiwagang bubbles at ang unti-unting paghupa ng baha
– sa dami kong itinawa, hindi ko na masyadong maalala ang mga moments ng dula

Dula ni Liza Magtoto, Direksyon ni Maribel Legarda

Dula ni Liza Magtoto, Direksyon ni Maribel Legarda

28. The Vagina Monologues
– pagka-disappoint nang kaunti sa pag-aalala na baka (baka lang naman) natabunan ng komedya ang kampanyang isinusulong ng palabas
– pag-chant ng “Abante, Babae! Babae, Abante!”

Proyekto ng UPLB Gender Center

Proyekto ng UPLB Gender Center

29. Kapitan Sino: The Electrifying Stage Adaptation of Bob Ong’s Superhero Neovel na Di Hamak na Mas May Kawawaan Kaysa Wattpad Pocketbooks
– yung saya ng mga direktor at ng lahat ng kasali sa produksyong ito

Dula ni Cyrene Mendoza, Direksyon nina Joe Garcia at Yuri Sta. Maria

Dula ni Cyrene Mendoza, Direksyon nina Joe Garcia at Yuri Sta. Maria

30. Bahay ng Lagim
– pagbabalik aktor sa dulang “Bahay-bata” at pagsasalin ng “Babycakes” ni Neil Gaiman

Bahay-bata ni Nina Simon, Direksyon ni Miziel Manalac

Bahay-bata ni Nina Simon, Direksyon ni Miziel Manalac

31. Rock of Ages
– sandamakmak na bra sa stage na hindi naman nagamit
– hanep na boses at acting ni Nyoy Volante

Dula ni Chris D'Arienzo, Direksyon ni Chari Arespacochaga

Dula ni Chris D’Arienzo, Direksyon ni Chari Arespacochaga

32. Fish-Hair Woman
– malikhaing transition ng young characters nina Stella/Estrella at ng kanyang kababata to their adolescent counterparts
– makapigil-hiningang patayan at sunud-sunod na rebelasyon na mag-uudyok sayong bilhin ang nobela ni Merlinda Bobis
– mala-Amor Powers na pagganap ng lead actor na tinapos nang pagkaganda-ganda ang dula

Dula ni Rody Vera, Direksyon ni Raffy Tejada

Dula ni Rody Vera, Direksyon ni Raffy Tejada

_______________________

Ang mga larawang ginamit ay mula sa mga official website o/at Facebook page ng mga nabanggit na produksyon.
Related Post: In Retrospect: 20 Dula ng 2013

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s