Invited Ako sa 85th Birthday Party ni Lolo Pukpok, Isang National Artist

May kaibigan ka bang apo ng isang Pambansang Alagad ng Sining? Ako meron.

Sa isang pambihirang pagkakataon, nakadalo ako sa isang maliit na salu-salo sa Tandang Sora kung saan namamalagi ang Father of Modern Philippine Sculpture. Sa unang tingin, parang abandonadong bodega ang kanyang tahanan. Ito pa nga raw ang ginamit na set ng isang horror TV show ng ABS-CBN. Pero kapag nakita at naikot mo ang bawat sulok ng kanyang bahay, magpipyesta ang ‘yong mga mata sa hindi mabilang na likhang sining.

Heto ang ilan sa mga nakunan ng aking kamera:

1. Mga estatwang mas matangkad pa sa akin

axdd

axax

2. Mga eksenang buhat sa Bibliya

kaliwa: Pangangaral ni Hesus sa Templo (nakamasid si Maria at Jose) kanan: Pieta

kaliwa: Pangangaral ni Hesus sa Templo (nakamasid si Maria at Jose)
kanan: Pieta

kaliwa: Pagpaslang ni Abraham sa anak na si Isaac kanan: Pagtukso ng Diablo kay Hesus

kaliwa: Pagpaslang ni Abraham sa anak na si Isaac
kanan: Pagtukso ng Diablo kay Hesus

3. Maraming-maraming Jose Rizal

sfsfs

hvhjvh

4. Hindi mabilang na mukha

sfsff

sgdg

5. Samu’t saring lilok na gawa sa hard wood, adobe, metal, stainless steel, cement, marble, bronze, iron, alabaster, coral, at brass

safff

kanan: Kaganapan, 1953 (na sa libro ko lang nakikita noon)

kanan: Kaganapan, 1953 (na sa libro ko lang nakikita noon)

6. Pangarap na kotse

fsasff

7. Si Oble na gawa sa kahoy

adad

Ilan lang yan sa daan-daang (o libu-libo pa nga) likhang sining ni Napoleon Abueva — National Artist for Sculpture (1976) na kung tawagin ng kaibigan ko ay Lolo Pukpok.

Ayon sa nasagap kong kwento, may plano ang kanyang pamilya at ang pamahalaan ng Quezon City na gawing museo ang tahanan ni Abueva. Kapag nagkagayon, mas marami ng makakakilala sa kanya at sa kanyang mga likha. Baka hindi mo alam, siya ang gumawa ng estatwa sa harap ng Eternal Garden Memorial Park, malaking gintong araw sa lobby ng Peninsula Manila Hotel, at Siyam na Diwata ng Sining sa UP Diliman CAL.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s