“Songs to Slash Your Wrist By” Ang Dapat Mong Pakinggan Ngayong Feb. 14

Kalimutan mo na si Ed Sheeran. Sinasabi ko sa’yo, mas tagos sa laman ang 12 kantang kabilang sa album na “Songs to Slash Your Wrist By”. May babala pa nga ito sa mga gustong makinig. Sabi, “The album title is not a suggestion. For mature listeners only. Please stay away from sharp objects.”

Oh di ba, hard core.

20150202_212606

May kanta dito si Daryl Ong (ng The Voice of the Philippines), Sweet Plantado-Tiongson (ng The Company), Myke Salomon (ng Rak of Aegis), Jett Pangan (ng The Dawn), OJ Mariano (ng Star in a Million), Noel Cabangon, at Aiza Seguerra.

Oh di ba, all star.

Lahat ng kanta (as in music, lyrics, and arrangements), maliban sa isa, ay likha ni Vince de Jesus. Si Vince, sabi nga ni Baby Gil ng philstar.com, ay “one of those extraordinarily gifted artists who excels in anything he does.” (Basahin ang buong article sa http://bit.ly/1HQS5NY) Siya ay record producer, songwriter, composer, arranger, singer, actor, host, comedian, at musical director ng television shows, movies, stage plays, at musicals. Ilan sa mga palabas na kakabit ang pangalan niya ay Zsa Zsa Zaturnnah, Ang Babae Sa Septic Tank, Dream Dad, Mano Po, Crying Ladies, Praybeyt Benjamin, Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit, Kokey, at Do Bi Do Bi Do. Si Vince yung tatay ni John lloyd sa The Trial. Oo, yung asawa ni Sylvia Sanchez.

Oh di ba, bongga.

Collage

 

Sa album na ito, pinagsama-sama ni Vince ang piling-piling mga awit mula sa hindi mabilang na nakatha niya mula 1989 hanggang 2014. Heto ang ilan sa mga paborito kong linya:

Walang tunog kapag ang luha’y pumapatak…
At ang labing napipi, gusto mang magsumbong, tahimik lang.
– TAHIMIK LANG

Sana’y pansinin ang tinig kong umaawit ng kundiman..
Ako sana’y mahalin kahit na kunwari.
– SABAY SA IHIP NG HANGIN

Puso ko’y nabihag ng iyong halik
At mula noong nagkaniig,
Ang laging tangan ko’y iyong kamay.
– SAAN BA NAGSIMULA?

If this is a dream, it seems so real
So this is how it feels like to be suspended in mid-air.
– SUSPENDED IN MID-AIR

Hindi na kita mahal, ngayon ay sigurado na ako.
Ginawa ko na ang dapat, ginawa ko ang lahat.
Hindi na, wala na akong nadarama.
– HINDI NA KITA MAHAL

Sa himbing ng tulog ko, ang panaginip ko’y ikaw
At sa aking paggising ikaw pa rin ang lahat…
Siguro nga’y umasa akong magtatagal
Ang init ng iyong halik, naglahong parang panaginip
Ako lang siguro ang nagmahal.
– AKO LANG ANG NAGMAHAL

Iba ang sambit mo sa iyong ginagawa
Nangangalay ka kapag ako’y umaakbay
Kung wala na nga, eh di wala na
Bakit di mo masabi-sabo
Dahil ang puso mo ay duwag
Hanggang ngayon duwag pa rin.
– DUWAG

Oh di ba, ang sakit.

xxx

Kaya kalimutan mo na si Ed Sheeran. Ito na ang official soundtrack ng Valentine’s mo. Simulan ang paghikbi, pag-iyak, at pagpalahaw sa pamamagitan ng pagkuha ng kopya ng album sa iTunes, CD Baby, o Spotify.

At para sa mga gusto talagang makalimot kahit sa Feb. 14 or 15 man lang, may Valentine offering ang Ballet Philippines. Meron silang libreng palabas: ang HUGOT SA ROSAS (featuring Songs to Slash Your Wrist By).

Oh di ba, astig.

10968578_10153055302591838_1570006417048351011_n

Free admission para sa 100 panauhin. Alas nuebe ng gabi sa Ballet Philippines Studio 1, malapit sa Folk Arts Theater. Tawagan mo lang si Charms sa 551-1003 kung interesado ka.

_______________

Disclaimer: Ang blog na ito ay hindi bayad. Hinintay ko pa talaga ang February para isulat ito kahit noong Pasko ko pa natanggap ang album bilang regalo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s