IYAS 2015 sa 30 Larawan

Saksi ang kahabaan ng Tuazon sa Cubao kung paano ko pinagsumikapang maipasa ang application para sa 15th IYAS National Writers Workshop. Tagaktak ang pawis ko noong Sabadong iyon. Humihingal, hinahabol ang oras dahil baka hindi umabot sa deadline ang ipapadalang manuskrito via LBC. Para makasiguro, ipinalagay ko pa sa package ang note na “Do not delay” na para bang mapapanis ang laman nito.

Salamat sa LBC, hindi naman nasayang ang pakikipagkarera ko sa orasan. Ang naging bunga ng maaksyong umagang iyon ay ang anunsyong ito:

10985194_10100165681809333_4379505445441196798_n

Matapos ang isang buwang paghahanda at paghihintay, bumyahe ako pa-Bacolod para sa una kong pambansang palihan sa pagsusulat. Unang beses kong sumakay sa eroplano nang mag-isa. Unang beses kong tumapak sa Visayas. Unang beses kong pagbisita sa Negros Occidental. Ganito kaespesyal ang karanasang ito sa akin.

Kung aalahanin ko ang isang linggong pakikibahagi ko sa IYAS, narito ang 30 larawan na aking babalik-balikan:

1. 3 Ilonggo, 2 Cebuano, 8 Tagalog, 1 Burgis, 1 Absent

DSC_0399

Hindi nakarating si Adonis Enricuso kaya labing-apat lang kami. Sayang, hindi siya nakasama sa pinakamabait daw na batch ng IYAS fellows.

2. Team A, Team B

20150501_175953

Si Aldrin Pentero ang unang fellow na nakilala ko. Sa airport kami nagkita. Siya ang naglakas loob na magtanong kay manong driver na naghihintay kay Ma’am Grace Monte de Ramos-Arcellana kung pwede ba kaming makisabay sa van. Ayun, nakalibre kami ng pamasahe papuntang USLS.

3. Yes to Renovation, No to Privatization

Dito ako kumain pagkababa at bago umalis ng Bacolod. Pero wala rito ang pinakamasarap na inasal --- nasa Chicken House.

Dito ako kumain pagkababa at bago umalis ng Bacolod. Pero wala rito ang pinakamasarap na inasal — nasa Bacolod Chicken House.

4. Welcome Dinner na pang-Last Supper ang Serving

Sinalubong kami ng masaganang hapunan sa bahay ni Dr. Elsie Coscolluela. Prelude pala ito sa isang linggong paglimot sa pagda-diet.

Sinalubong kami ng masaganang hapunan sa bahay ni Dr. Elsie Coscolluela. Prelude pala ito sa isang linggong paglimot sa pagda-diet.

5. Makalipas ang Limang Taon

20150426_190509

Isang surpresa na dito kami sa IYAS muling nagkita ni Heidi Sarno (nasa gitna). Magkaklase kami sa isang MA class ni Amang June Cruz Reyes. Patapos na siya sa pag-aaral. Ako, 6 units pa rin.

6. Best Roomie Ever

20150501_204237

Si Dave Pregoner (nasa kanan) ang kasalo ko sa Room 2008 ng Balay Kalinungan. Isang gabi lang kaming nagkasama sa kwarto. Unang gabi pa lang kasi namin, nagparamdam na ang tunay na nag-mamay-ari sa silid.

7. This is How We Build a Nation

DSC_0286

Apat na araw kaming magkakaharap sa mesang ito. Buong maghapong binubuno at hinihimay ang aming mga tula/balak/binalybay, dula, at maikling kwento/suliganon. Buong maghapong naglilimi ng mga konseptong pampanitikan para sa nation building.

8. Si Felix Crisostomo

Para makakuha ng meryenda, tanghalian, meryenda, at hapunan, kailangang makibahagi sa usapan. Syempre, hindi ako pwedeng magutom.

Para makakuha ng meryenda, tanghalian, meryenda, at hapunan, kailangang makibahagi sa usapan. Syempre, hindi ako pwedeng magutom.

9. May Bantay From NCCA

DSCN0745

Illumination. Disruption of balance. Finding the voice. Constant revision. Tailor-made conflict.Classical unity. Social invisibility. Presenting a setting. Dramatic question. Emotional gravitas. Hyper-articulation. Pleasure of the knife. Organic disunity. Poetic direction. Emotional immediacy. Nakakagutom pakinggan, di ba?

10. Oplan Iwas High Blood

Kailangang magpawis nang kaunti para matunaw ang kung ilang kilong nakunsumo sa maghapon. Mabuti na lang, sosyal ang oval ng USLS. May rubber mat. Kulay green. Nakakengganyo tumakbo.

Kailangang magpawis nang kaunti para matunaw ang kung ilang kilong nakunsumo sa maghapon. Mabuti na lang, sosyal ang oval ng USLS. May rubber mat. Kulay green. Nakakengganyo tumakbo.

11. Kung Bakit Kailangan Mag-jog

Ang matadero sa dulang "Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala".

Ang matadero sa dulang “Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala”.

12. Haiku King

Siya si Marcel Milliam, isang dating IYAS fellow na ngayon ay isa ng matagumpay na manunulat. Kasama sa programa ng IYAS ang launching ng kanyang bagong aklat, ang Human (is) Nature: A Year in Haiku.

Siya si Marcel Milliam, isang dating IYAS fellow na ngayon ay isa ng matagumpay na manunulat. Kasama sa programa ng IYAS ang launching ng kanyang bagong aklat, ang Human (is) Nature: A Year in Haiku.

13. Escritorio 3: Secreto

Ito ang pinakanagustuhan kong pares sa pagtatanghal ng Santermo Writers' Circle. Habang pinapanood ko ang grupo, hindi ko maiwasang mainggit na buhay na buhay ang sining ng teatro sa kanilang lugar. Inisip ko rin: kelan ko kaya makikita ng personal si Peque Gallaga?

Ito ang pinakanagustuhan kong pares sa pagtatanghal ng Santermo Writers’ Circle. Habang pinapanood ko ang grupo, hindi ko maiwasang mainggit dahil buhay na buhay ang sining ng teatro sa kanilang lugar. Sana sa amin din sa Bulacan. Inisip ko rin: kelan ko kaya makikita nang personal si Peque Gallaga?

14. Speak to Me, Stones

Binihag ni Dr. Dinah Roma ang aming mga puso. Dahil sa kanyang mga tula at dahil sa kanyang boses na pwede mong pakinggan habambuhay. Nasasabik na akong mabasa ang kanyang bagong libro.

Binihag ni Dr. Dinah Roma ang aming mga puso. Dahil sa kanyang mga tula at dahil sa kanyang boses na pwede mong pakinggan habambuhay. Nasasabik na akong mabasa ang kanyang bagong libro.

 15. I Have Never

Si Jeivi Nicdao ay isa sa mga kaklase ko sa Yo-niversity. Tubong Bataan at ngayon ay nananahan sa Ateneo, si Jeivi ay makata/poet na matatas sa Ingles at Tagalog. Hindi nya ko gustong i-date. Haha!

Si Jeivi Nicdao ay isa sa mga kaklase ko sa Yo-niversity. Tubong Bataan at ngayon ay nananahan sa Ateneo, si Jeivi ay makata/poet na matatas sa Ingles at Tagalog. Hindi nya ko gustong i-date. Haha!

 16. Without You, Within Me

Hindi masyadong nagsasalita ang batang si Ina Borlaza. Pero sa aming 14, siya lang ang may published book. At dahil siya ang bunso ng grupo, hinandugan namin siya ng isang payak na book launching isang gabing nagpapakalunod kami sa wine. Ang kanyang koleksyon na "Likely" ay mabibili sa Uno Morato.

Hindi masyadong nagsasalita ang batang si Ina Borlaza. Pero sa aming 14, siya lang ang may published book. At dahil siya ang bunso ng grupo, hinandugan namin siya ng isang payak na book launching isang gabing nagpapakalunod kami sa wine. Ang kanyang koleksyon na “Likely” ay mabibili sa Uno Morato.

 17. When You See Monalisa

Mapalad kaming nakaikot sa ilang tourist attraction sa Bacolod. Isa na rito ang Museo Negrense na nasa loob lang naman ng USLS. Nasa loob din ng museo ang Jose Garcia Montelibano Textile Arts Center.

Mapalad kaming nakaikot sa ilang tourist attraction sa Bacolod. Isa na rito ang Museo Negrense na nasa loob lang naman ng USLS. Nasa loob din ng museo ang Jose Garcia Montelibano Textile Arts Center.

 18. Isang Pinoy, Isang Kano: Dalawang Dayuhan

Kasama namin sa workshop si Mr. Tim Tomlinson ng Asian American Writers Workshop of New York City. Sa maikli naming kwentuhan nung field trip, isang bagay ang aking napagtanto: kahit na hindi ako foreigner, maraming bagay sa bansa natin ang "dayuhan" pa sa akin.

Kasama namin sa workshop si Mr. Tim Tomlinson ng Asian American Writers Workshop of New York City. Sa maikli naming kwentuhan nung field trip, isang bagay ang aking napagtanto: kahit na hindi ako foreigner, maraming bagay sa bansa natin ang “dayuhan” pa sa akin.

 19. City of Smiles

Buong linggong nagkalat ang mga pulis sa Bacolod. APEC daw kasi.

Buong linggong nagkalat ang mga pulis sa Bacolod. APEC daw kasi.

20. Hindi si Kuya Roger

Wala si Kuya Roger, the funny tour guide, nung nagpunta kami sa The Ruins. Ganunpaman, entertaining naman itong si kuya na nagpaliwanag ng makulay at maaksyong kasaysayan ng sinunog na mansyon. Yun nga lang, may mga hirit si kuya (o yung spiels na ibinigay sa kanya) na medyo wala sa hulog. O baka masyado lang kaming sensitive?

Wala si Kuya Roger Lucero, the funny tour guide, nung nagpunta kami sa The Ruins. Ganunpaman, entertaining naman itong si kuya na nagpaliwanag ng makulay at maaksyong kasaysayan ng sinunog na mansyon. Yun nga lang, may mga hirit si kuya (o yung spiels na ibinigay sa kanya) na medyo wala sa hulog. O baka masyado lang kaming sensitive?

21. Taj Majal ng Negros Occidental

Napakaganda! Sana sa susunod, makita ko na ang mga ilaw nito pagsapit ng gabi.

Napakaganda! Ito ang The Ruins sa Talisay. Sana sa susunod makita ko na ang mga ilaw nito pagsapit ng gabi.

22. Indian Shoot!

Mahigit 20GB na pictures ang naipon sa buong linggo ng palihan.

Mahigit 20GB na pictures ang naipon sa buong linggo ng palihan.

23. The Sun Shines Differently in Hagonoy

"Magandang pagkakataon na nagkakausap ang mga bata at matatandang manunulat." Yan ang sabi ni Dr. Evasco sa aming small group craft session. Sayang nga lang at isa hanggang dalawang oras lang ang mayroon kami. Nakausap ko rin si Sir Glenn Mas ukol sa pagsusulat ng dula bilang isang karera. At isa ang session na iyon sa pinaka hindi ko malilimutang bahagi ng workshop.

“Magandang pagkakataon na nagkakausap ang mga bata at matatandang manunulat.” Yan ang sabi ni Dr. Evasco sa aming small group craft session. Sayang nga lang at isa hanggang dalawang oras lang ang mayroon kami. Nakausap ko rin si Sir Glenn Mas ukol sa pagsusulat ng dula bilang isang karera. At isa ang session na iyon sa pinaka hindi ko malilimutang bahagi ng workshop.

24. Ang Ating Kasunduan

Isa ako sa tatlong batch representative na nagbigay ng response sa pagtatapos ng workshop. Pangako namin na sa takdang panahon, kami ay makapagbibigay rin ng lilim at pugad sa iba.

Isa ako sa tatlong batch representative na nagbigay ng response sa pagtatapos ng workshop. Pangako namin na sa takdang panahon, kami ay makapagbibigay rin ng lilim at pugad sa iba.

25. Most Talkative Award

Masarap isipin na kabilang na ako sa roster ng IYAS fellows kung saan kasama ang mga dating guro na sina Sir Dennis Aguinaldo, Sir Caloy Piocos, at Sir Christian Tablazon.

Masarap isipin na kabilang na ako sa roster ng IYAS fellows kung saan kasama ang mga dating guro na sina Sir Dennis Aguinaldo, Sir Caloy Piocos, at Sir Christian Tablazon.

26. JS Prom

Ang batch na may pinakamhusay na presentation ayon kay Sir John Iremil Teodoro. High five, batchmates!

Ang batch na may pinakamahusay na presentation ayon kay Sir John Iremil Teodoro. High five, batchmates!

27. Class Picture

When you see Doc Elsie's ninja move (sabi nga ng best roomie ever).

When you see Doc Elsie’s ninja move (sabi nga ng best roomie ever).

28. Jimpaparo, Jimpapaparo-paro!

Hindi man natin napainom si Ina, ang dami naman nating nalaman tungkol sa isa't isa ng dahil sa mga tanong niya.

Hindi man natin napainom si Ina, ang dami naman nating nalaman tungkol sa isa’t isa ng dahil sa mga tanong niya.

29. Agua de Mayo

Mahaba ang backstory ng picture na ito. Mula sa isang oras na joy ride sa outskirts ng Bacolod hanggang sa pagbuhos ng unang ulan ng Mayo. Babala: wag sasakay sa jeep na FWT 534 ang plaka.

Mahaba ang backstory ng picture na ito. Mula sa isang oras na joy ride sa outskirts ng Bacolod hanggang sa pagbuhos ng unang ulan ng Mayo. Babala: wag sasakay sa jeep na FWT 534 ang plaka.

30. Find Your Light

Mangako tayo na kagaya ni Kentoy at ng kanyang tuko, ang pagkakaibigan natin ay mananatili kahit ilang isla o syudad man ang mamagitan sa atin.

Mangako tayo na kagaya ni Kentoy at ng kanyang tuko, ang pagkakaibigan natin ay mananatili kahit ilang isla o syudad man ang mamagitan sa atin.

BONUS

Salamat kay Aldrin sa pag-document sa aking culinary journey.

Salamat kay Aldrin sa pag-document sa aking culinary journey.

Advertisements

3 thoughts on “IYAS 2015 sa 30 Larawan

  1. Pingback: 55 Litrato ng Aking 2015 | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s