Mahirap Malimutan ang mga Tula ni Ina Borlaza

Bihira akong bumili at magbasa ng libro ng mga tula na nakasulat sa Ingles. Sa katunayan, ang mga book of poems na mayroon ako ay regalo o hiniram na hindi naisauli. Kaya malaking bagay sa akin ang pagkuha ng kopya ng “Likely” ni Ina Borlaza. 20150529_163943 Isa si Ina sa 13 fellows na nakasama ko sa 15th Iyas National Writers’ Workshop sa Bacolod. Siya ang pinakabata sa aming grupo. Kakagraduate lang niya sa Philippine High School for the Arts. Ganunpaman, siya pa lang ang mayroon ng nailimbag na aklat. Ang koleksyon na nabuo ni Ina ay pinamatnugutan ni Mookie Katigbak-Lacuesta. Aniya sa foreword ng antolohiya: 20150529_163328 Hindi nagsinungaling si Lacuesta. Hindi siya nagbitaw ng pangako na hindi tinupad ng mga akda ni Ina. Walang halong bola at pagbubuhat ng bangko ng isang kaibigan, ang mahigit 40 tula na aking nabasa ay nagpapakita ng angking husay sa paggamit ng wika ng may-akda. Taglay ng mga tulang ito ang mga payak na salitang lumilikha sa mga persona, imahen, at talinghaga na hindi madaling malimutan. Maraming pagkakataon na pagkabasa ko ng huling salita ng isang tula, ako ay mapapatulala sa natunghayan kong pitak ng alaala. May mga sandali rin na gugustuhin kong ulitin ang pagbasa, hindi dahil hindi ko naunawaan sa unang pasada, kundi dahil gusto kong maramdaman ulit ang kirot, sakit, takot, galit, at pangungulila na nananahan sa pagitan ng bawat titik na nakaukit sa pahina. Gayundin, may mga pagkakataong hindi ko napipigilang isara pansamantala ang libro matapos makabasa ng tula— upang huminga o bumuntunghininga, upang pumikit at saglit na managinip, upang manahimik at hayaang humupa ang digmaan ng sariling damdamin at isipan. May mga sandali na matapos kong magbasa, ang tanging nais ko ay yakapin si Ina. 20150529_164500 20150529_164356 20150529_163452 20150529_163535 20150529_163430 Kayo na ang humusga.

____________________

Hindi ko isinama ang pinakapaborito kong akda— ang Hush Puppies. Para may kapapanabikan ang mga magnanais na mabasa ang buong antolohiya. Kung ibig makakuha ng kopya ng libro, maaaring tawagan si Ina sa 0933-442-0211. Makakabili rin sa Uno Morato (Garden Area GYY Building, #1 Tomas Morato Ave, Quezon City, Metro Manila).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s