5 Paboritong Kwento sa The Children’s Hour Vol. 2

“In a country that is home to these young writers, childhood is dark and a dangerous place.”

Ang pangungusap na iyan na nakalimbag sa likod ng libro ang nagtulak sa akin na bilhin ang The Children’s Hour: Stories on Childhood Vol. 2. Ito ay koleksyon ng maiikling kwento na pinamatnugutan ni Cristina Pantoja Hidalgo.

20150604_103343

Nahulog ako sa bitag ng pangganyak ng aklat. Mabuti na lamang at hindi pagmamalabis ang pasaklayeng ito ng patnugot. Tunay nga, mahuhusay ang mga akdang kabilang sa ikalawang tomo. Karamihan sa mga manunulat ay panatiko ng realismo, at may mangilan-ngilan na nagpakita ng istilong postmodernismo.

Narito ang mga kwento na pinakanagustuhan ko:

1. The Math Wizard

Sa 16 na kwentong kabilang sa koleksyon, ang akdang ito ni R. Kwan Laurel ang may pinakamalinaw at pinakamayamang tagpuan na naging mahalagang salik sa banghay ng kwento. Ang kwento ng pangarap ni Tommy na makaalpas sa Ongpin upang marating ang Hong Kong ay isang ‘di malilimutang salaysay. May babala si Hidalgo sa kanyang preface: “The Math Wizard is saddest tale of all.”

ongpin

Gusto ko ring mabasa ang iba pang akda ni Laurel sa koleksyong “Ongpin Stories”. Ayon sa isang rebyu, “Ongpin Stories focuses on a transition period in the Tsinoy’s struggle for identity, an era when the word Tsinoy was still unthinkable. The Chinese words in the book cover translate to “family,” which connotes what is good or bad about Tsinoys: they sometimes can just revolve around one family, or that this Ongpin street, or Binondo, is one family.”

2. Reconnaissance

Gusto ko ang kwentong ito ni Tara FT Sering dahil sa dalawang bagay. Una, ang ganda ng pamagat. Kinailangan ko pang i-Google ang “reconnaissance” upang malaman na ito ay “an exploratory or preliminary inspection or examination made to gain information”. Maibubuod ang diwa ng akda gamit ang salitang ito. Ikalawa, nagustuhan ko kung paano nangyari kay Bibi (pangunahing tauhan) ang pamamaalam sa kanyang kamusmusan.

Narito ang mas malalim na pagtalakay sa akda ng isa pang blogger: http://bit.ly/1RIQVFR.

{716E27D4-2756-49B8-B445-CCE143A58171}Img400

3. Mico and His Friends

Bagaman hindi ko nagustuhan ang katapusan ng akdang ito ni Luis Joaquin Katigbak, aliw na aliw naman ako sa kwento ng mga kakaibang kaibigan ni Mico. Naisip ko na magandang isadula ang kwento nila ni Alexis. Sa takdang panahon marahil ay maisusulat ko rin.

Ang akdang ito ay nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca noong 2002 para sa Short Story for Children. “Mico and Friends” ang ginamit na pamagat. Kabilang din ito sa koleksyong “The Night Monkeys: More Palanca Prize Winners for Children” na ngayon ay gustung-gusto ka na ring mabasa.

download

4. Sink or Swim

Matagumpay na nailahad ni Myrza Sison ang isang sensitibong kwentong pampamilya sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng isang ordinaryong araw sa buhay ni Tanya. Sa pinagsamang ganda ng naratibo ni Sison gamit ang pananaw ng isang batang babae at matalinong istilo ng eksposisyon, hindi nakapagtatakang nanalo ng ikalawang gantimpala sa Palanca noong 2006 ang akdang ito.

Ayon sa isang artikulong isinulat ni Sison, ang “Sink or Swim” ay isinulat nya noong 2002 para sa unang fiction class niya kay Pantoja Hidalgo.

5. Accident Happens

Ito ang pinakagusto kong akda sa koleksyon. Matapos akong ma-obssess sa nobelang “Smaller and Smaller Circles”, heto naman ang inihain sa akin ni F.H. Batacan. Walang mintis, tunay na mahusay ang manunulat na ito na kinikilala bilang unang Pinay na matagumpay na nakasulat ng crime fiction.

Sapat na sigurong sabihin ko na tinatayuan ako ng balahibo sa tuwing ibinabahagi ko sa iba ang kwentong ito.

___________________

May nais ba na magregalo sa’kin ng Volume 1?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s