Read This If You’re a Star Cinema Movie Addict

Palagi akong napu-frustrate sa tuwing igu-Google ko ang “best romantic Pinoy movie lines”. Kasi ang gusto ko palang mabasa ay yung buong dialogue. Kaya heto, gumawa ako ng sarili kong koleksyon ng mga di malilimutang dialogue sa mga pelikula ng Star Cinema.

***

STARTING OVER AGAIN (2014)
Ginny: Patty, how sure are you that Marco wants to be with you?
Patty: I’m sorry, Ginny, what did you say? Ginny?
Ginny: Hindi, kasi di ba sabi mo sa baking dapat committed ka. Dapat sigurado ka sa susunod na step na gagawin mo. Gaano ka kasigurado kay Marco? I don’t mean to offend you. Ah, I hope you don’t mind. I’m just being realistic here. In fact, if you think about it, I maybe helping the two of you kung hindi pa naman talaga kayo sigurado sa isa’t isa.
Patty: Are you okay, Ginny?
Ginny: You need to face the truth, Patty. Logic lang. If there’s even a slightest ounce of doubt in you, di ba dapat pakawalan mo na sya? Hayaan mong makasama niyayung babaeng mahal niya at gusto niya. Just think, Patty. If you end it now, it can actually save both of you from having a miserable future.
Patty: Are you sick, Ginny?
Ginny: Come on, Patty. Don’t patronize me. Stop being nice. We both know we can’t be nice to each other.
Patty: And why is–
Ginny: Because I am his ex. I’m the love of his life. I am his past. I own a big part of him na hinding hindi mo makukuha. So ano, Patty? Hahayaan mo na lang ba siya? Do you know one of the reasons why men commit adultery is because pinipili na lang nilang mag-settle? Ganun bang gusto mo? Wag mong sabihin sa’kin, Patty, na ni minsan hindi ka nathreaten sa’kin? Hindi mo ko pinagselosan? Hindi mo ba naiisip na baka rebound ka lang? Patty, I loved him first.
Patty: And you let go of your chance.
Ginny: Pero mahal ko pa rin siya. At mahal pa rin niya ko. So please, Patty. Just let him go. Just set him free. Please.
Patty: Shouldn’t he be the one telling me this?
Ginny: Oh come on, Patty! We both know Marco! Alam nating he’s not capable of hurting anyone intentionally.
Patty: Okay. So how sure are you na ikaw ang mas mahal niya?
Ginny: Because I saw it in his eyes. I felt it when he touched me, when he held me. I felt it when he kissed me. Matagal. Madiin. Yung halik na tumatagos hanggang kaluluwa. Yung halik na alam kong gusto rin niya.
Patty: Do you mean?
Ginny: Yes, Patty. More than what you think I mean.
Patty: Ang lungkut-lungkot siguro talaga ng buhay mo. You know, Ginny, Marco and I, we don’t have that big, romantic, kind of love story. In fact, ours began in the most unexciting way. As friends. Now, our love maybe quiet and boring but it’s sure. With the right amount of respect and trust, and even an allowance for mistake. I love him, Ginny. And in love, there is no fear. Sana isang araw makahanap ka rin ng ganung klaseng pagmamahal.

***

MAYBE THIS TIME (2014)
Tonio: Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang nararamdaman ko.
Tep: Wala, Tonio. Wala yang nararamdaman mo. Wala ka ng dapat maramdaman. Wala na rin akong dapat maramdaman dahil hindi naman naging tayo.
Tonio: Pero minahal natin ang isa’t isa. Tep, minahal kita. Tep, totoo yun. Minahal kita.
Tep: Tonio, you were my first love. Pinagtatawanan nila kong lahat kasi hindi naman daw naging tayo pero bakit parang nabaliw ako. Kasi lahat ng parte ng katawan ko masakit… malungkot. Lahat ng parte ng katawan ko ikaw ang hinahanap.

***

RELAKS, IT’S JUST PAG-IBIG (2014)
Alex: Eight years kami ha. Eight fucking years of my life. Tapos one day sasabihin niya sa’kin pagod na siya. Tang ina niya pala eh. Ba’t di siya napagod nung four years kami? Or nung five years kami? Or nung seven years para maintindihan ko dahil seven years, ganun naman talaga yun. Bakit pagdating ng 8 years, tang ina dun pa siya napagod.
Sari: Eh baka nun lang po talaga siya napagod.
Alex: Napagod niya mukha niya. Tapos makikita ko, ano? After three months, engaged na siya sa bago niyang girlfriend. Meron pa silang pa-video-video proposal sa Facebook. Tapos nakita ko yung profile pic ng babae sa Facebook, tang ina friend, ang pangit. Gandang ganda sa sarili, tang ina. Ipagpapalit ako sa pangit? Ano ba’ng mali sa’kin? Taga-UP ako. At hindi lang ako taga-UP, ha. Engineering graduate to, ha, cum laude pa. Putang ina, tapos makikita mo dun sa profile ng babae: favorite book, Twilight. Tang ina, Twilight! Libro ba yun? Tang ina, ano ka highschool? Nakakahiya naman sa Kundera ko at tsaka sa Einstein’s Dreams ko. Ang kapal ng mukha.
Sari: Tawag dun true love.
Alex: Pakiulit.
Sari: Pinagpalit sa pangit, true love. Pinagpalit sa bobo na masama ugali, true love. Papakasalan pa, true love. Wala na po tayong laban dun.
Alex: Tang ina. Ikaw ang bata mo ang dami mong nalalaman ha.
Sari: Eh bakit di nyo po alam yun? Akala ko ba taga-UP kayo.
Alex: Kasi ganun lang talaga yun. Kapag nagmahal ako, ibibigay ko lahat. Tang ina niya, lahat ng plano ko, lahat ng plano ko kasama siya. Hanggang sa — hanggang sa panonood ng sine, sa pagbili ng bagong pantalon, kung san kami kakain, kung pa’no ko — pa’no ko tatanda, kasama ko siya. Tapos ano, ganun lang yun?

***

IT TAKES A MAN AND A WOMAN (2013)
Miggy: Bakit? Sabihin mo sa’kin. Huy. Laida, bakit?
Laida: Hindi ko na kaya.
Miggy: Ang alin?
Laida: Ang makasama ka. Akala ko kaya ko na e. Hindi pa rin pala. Masakit pa rin. Hindi pa rin nawawala.
Miggy: Yun pa rin? Andun pa rin tayo hanggang ngayon?
Laida: Oo.
Miggy: That was two years ago, Laida. And it was you who never gave me a chance. It was you who gave up so easily. Lahat ng meron tayo, lahat yun sa isang iglap tinapon mo lang dahil lang sa isang pagkakamali ko.
Laida: Ako pa? Ako ba, Miggy? Ako ba nagtapon? Hindi ba ako nga itong 16 years old pa lang mahal ka na? Ako pa nga nanligaw sa’yo di ba? Ako nga yung gagang tiniis lahat. Yang pride mo, yang ego mo, lahat ng issues mo. Tapos ako isang pagkukulang ko lang, hindi lang ako nakarating nung oras na kinailangan mo ko dahil nasa ibang bansa ako, may trabaho ako, may boss ako, may nanay ako na kailangan din ako pero ikaw pa rin ang pinili ko. Na-late lang ako, Miggy, tapos tinapon mo na lahat ng meron tayo.
Miggy: That’s why I said I’m sorry. Countless times.
Laida: Hindi yun kaya ng sorry lang e.
Miggy: Ano pang kailangan.
Laida: Hindi ko — hindi ko rin alam.
Miggy: Hindi mo na ba ko talaga mapapatawad?
Laida: Hindi ko alam kung paano.

***

MY AMNESIA GIRL (2010)
Apollo: May nagawa ba ko?
Irene: Wala. Naalala ko lang kasi yung kinuwento sa’kin ng kaibigan ko.
Apollo: Tungkol daw saan?
Irene: Ikakasal daw kasi ako dati. Kaya lang iniwan daw ako nung lalaki sa altar.
Apollo: Hindi ba sinabi kung sino daw yung lalaking yun?
Irene: Ewan ko.
Apollo: Walang pangalan?
Irene: Hindi na sinabi sa’kin. Baka mapatay ko lang daw.
Apollo: Kahit pictures wala?
Irene: Wala. Sinunog na raw nila para wala na kong maalala. Grabe no? Ano’ng klase kayang tao’ng gagawa nun. To think na alam niya na ulila ako, ha. Ang tagal-tagal kong pinagdasal na sana may makasama ko habang buhay. Sabi nila, sobra ko raw saya nung araw ng kasal ko. It was a bright and sunny day. Everything was so magical. I was a glowing bride to a perfect groom in a perfect wedding. Pero mali pala ko. Pagkatapos daw umalis nung lalaki, nagtago lang daw ako sa likod ng altar. Tapos dun lang ako umiyak nang umiyak. Hinihila na nga raw ako ni Poch para umuwi pero sabi ko, ayoko. Ayoko daw. Dun lang daw ako. Hihintayin ko lang siya. Kasi sabi ko, babalik yun. Hindi niya magagawa sa’kin yun. Pero mali na naman ako. Buti na lang naaksidente ako, noh. Partida na yan, nagka-amnesia na ko pero masakit pa rin. Sa tingin mo, bakit kaya… bakit kaya niya ko iniwan? Sabi mo, masayahin naman ako. Sabi mo maganda naman ako, mabait. E bakit iniwan pa rin niya ko?
Apollo: Baka natakot siya.
Irene: Tang ina naman oh. Yun lang?
Apollo: Baka pakiramdam niya nagmadali siya.
Irene: Eh tarantado pala siya eh! Bakit niya ko niyayang magpakasal?
Apollo: Sigurado marami siyang dahilan. Kahit naman ako matatakot din ako.
Irene: Saan?
Apollo: Sa’yo?
Irene: Sa’kin? Ano kasalanan ko pa?
Apollo: Hindi. Natatakot siya para sa’yo. Kasi baka mas masaktan ka kung itinuloy niya yun.
Irene: Bullshit naman yan. Bakit sa tingin nya hindi ako nasasaktan ngayon?
Apollo: Baka andami pa niyang tanong noon. Papano kung puro kayo na lang ang mangyari. Kung mawala yung siya lang. Kung umoo siya sa’yo noon, paano kung hindi niya kayang panindigan?
Irene: Ano nasagot ba mga tanong nya, ha? Nasagot ba?
Apollo: Mas hindi pala niya kaya nung nawala ka.

***

MISS YOU LIKE CRAZY (2010)
Mia: Ano’ng oras flight mo?
Allan: 7:30.
Mia: Ingat ka.
Allan: Bakit ba tayo pinagtagpo kaya ulit? Kung paghihiwalayin lang din tayo.
Mia: Allan, kung pinagtagpo man tayo ulit, maybe it’s not for a happy ending. Maybe it’s just a second chance to end things. Kasi sa tuwing pinipilit natin na magkasama tayong dalawa lagi tayong may taong nasasaktan, di ba?

***

BABE, I LOVE YOU (2010)
Nico: Sasa, what’s going on?
Sasa: Ano sa tingin mo, Nico?
Nico: Did you have an affair with Tito Bobby? Yes you did. What was he? One of your customers? Akala ko wala akong dapat ipagselos kasi ang sabi mo trabaho lang.
Sasa: Nico, please.
Nico: Ilan sila? How many customers did you sleep with?
Sasa: Gusto mo yung totoo? Ito ang totoo. Hindi ko na alam eh. Twenty, fifty, one thousand… hindi ko na alam. Pero mahalaga pa ba yun? Tapos na yun, Nico, eh. Hindi na importante na yun.
Nico: You tell that to the family you’ve ruined. To the people you’ve hurt. You think it’s that easy just because it’s all in the past. Parang walang nagyari, ganun lang? Don’t you,… don’t you tell me that it’s not important. It may not be for you, but it is for me. Coz right now, I don’t even know kung sino ako sa buhay mo. For all I know, down the road I’m just gonna be some, some fling. Just some guy you didn’t take seriously.
Sasa: Nico, maniwala ka, mahal kita.
Nico: I really want to believe you right now. Pero ngayon, ang hirap. Because I don’t even know what’s real about you, about us.

***

YOU CHANGED MY LIFE (2009)
Miggy: Ba’t kasama mo siya? Laida, magkasama na naman kayo. Ba’t andito siya?
Laida: Kasi wala ka. Kasi siya yung nandito. Siya yung nandito kasama ko, kakahintay mukang tanga sa’yo.
Miggy: You have no idea what I have to go through just to be here. Laida, please, I’m so tired.
Laida: Sa tingin mo ikaw lang ang pagod? Miggy, pagod na rin ako. Pagod na ko sa kakahintay sa’yo kapag hindi mo ko sinisipot. Sa tuwing, sa tuwing hindi mo tinutupad ang mga pangako mo. Sa tuwing umuuwi akong mag-isa, sa tuwing kumakain akong mag-isa. Sa tuwing inuuna mo yung trabaho mo kesa sa’tin.
Miggy: Anong gusto mo?
Laida: Ikaw. Ikaw lang. Ikaw na buong-buo.
Miggy: I can’t give you all of me all the time.
Laida: Kung mahal mo ko kakayanin mo yun, kasi ako kaya ko e. Kung gusto mo ngang tumalon ako, tatalon ako para sa’yo e. Wag akong umalis ng Canada, o sige na. Iwasan ko yung bestfriend ko, iwasan na. Lahat naman ginagawa ko para sa’yo, para sa’tin.
Miggy: Laida, I’m trying.
Laida: Pero kulang pa rin e.
Miggy: Kulang pa na mahal kita?
Laida: Kulang pa kasi pakiramdam ko mas mahal kita.
Miggy: Don’t you think it’s so unfair? Mahal kita. Pero pa’no kung hindi ko kaya yung kaya mo. Laida, maski na hindi ko maibigay sa’yo ang lahat-lahat ko, I’m doing my best. I’m giving you my best. And I’m sorry if it’s not good enough for you. I’m sorry if I’m not good enough for you. Sorry I have disappointed you. Anong gusto mo ngayon?
Laida: Ang alam ko lang, ayoko na nang ganito.

***

AND I LOVE YOU SO (2009)
Chris: I wasn’t sure so tinanong ko yung magic 8 ball if I should let you go. And the answer is always yes. You’re the worst possible girl to love. But I love you, kahit na mahal mo pa rin si Oliver.
Lara: I’m sorry.
Chris: I don’t want to be second place in your heart. Because you’re first place in mine.
Lara: Ayokong isipin mo na pumapangalawa ka lang kay Oliver. Na pamalit ka lang sa kanya. Gusto kitang bigyan ng puwang dito sa puso ko na sayung-sayo lang. Pero ayokong maging tayo dahil– dahil lang naibibigay mo yung kaligayahan na kailangan ko ngayon. Gusto ko pag naging tayo, dahil lang mahal talaga kita, at yun lang ang tanging dahilan kung bakit kailangan kita sa buhay ko. Ayokong isipin mo na hindi kita kayang mahalin. Dahil akala ko hindi ko na kayang magmahal ulit. Mas mahirap palang magpigil na magmahal lalo na kung ikaw yung mamahalin. Pero gusto kitang mahalin kung paano ko minahal si Oliver. Gusto ko mahalin ka nang buong buo. But my heart is broken right now. And I need to fix it. I need time to do that.
Chris: I’m so afraid to let you go because what if the right time won’t come for us.
Lara: Gusto kong isipin na kung tama ‘to, kung tama talaga tayo, may tamang panahon para sa’ting dalawa.

***

MY BIG LOVE (2008)
Maki: Why are you pushing me away?
Aira: Hindi, Maki. Tama na, umuwi ka na. Hinahanap ka na ni Nina.
Maki: How can I be with Nina if all I think about is you. It’s true, Aira. It’s crazy. I was okay hanggang bumalik ka. Now all I think about is what might have been, what could have been if it was us. I wanted to be with you. I still do.
Aira: Umalis ka na.
Maki: Aira, no!
Aira: Kay Nina ka na lang!
Maki: Mag-usap muna tayo. Si Nina, she made me want to be better. By the look. Gusto ko lang magbago dahil I wasn’t good enough for her. Pero ikaw, you changed something in me. It makes me feel good inside. You make me happy inside. Please tell me that you want to be with me too.

***

A VERY SPECIAL LOVE (2008)
Laida: Sorry kung mayron man akong nasabi sa’yong mali.
Miggy: You don’t have to.
Laida: Kung galit ka, kung gusto mo kong sigawan, sige okay lang. Sige na. Gusto mong mambato, oh? Gusto mong magwala? Wag ka namang ganyan.
Miggy: Anong ganyan?
Laida: Ang bilis mo namang bumitaw e. Akala ko ba okay kaming staff mo. Akala ko ba okay tayo.
Miggy: It’s nothing personal. It’s business.
Laida: So ganun lang sa’yo kadali yun? Ganun na lang sa’yo kadali balewalain lahat. Iintindihin ka na lang namin tapos tapos na kasi nawalan ka?
Miggy: Anong gusto mong gawin ko?
Laida: Sana naman magkaroon ka kahit konting pakiramdam. Kasi kung nagkakaganyan ka dahil sa tingin mo wala ng kayang tumanggap sa’yo, mali ka e. Kung sumusuko ka dahil tingin mo sumuko na sa’yo lahat, andito pa ko, oh. Kung sa tingin mo walang nagmamahal sayo—
Miggy: What? Mamahalin mo pa rin ako? Laida, I didn’t ask you to love me.
Laida: Alam ko.
Miggy: Then don’t make me feel as if I have to love you back. Dahil kahit bali-baligtarin mo ko ngayon, wala na kong mabibigay sa’yo. Maawa ka nga sa sarili mo. Itigil mo na yan. Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang umasa. Mapapagod ka lang maghintay. Mapapagod ka lang umasa na mamahalin ka rin.
Laida: Kahit minsan, hindi ko naramdaman na nakakapagod kang mahalin. Ngayon lang.

***

PAANO KITA IIBIGIN (2007)
Martee: Ano’ng nangyari, Lance? Bakit parang, bakit parang ang layo mo na naman sa’lin.
Lance: Ayokong makipag-usap.
Martee: Eh ayaw rin naman kitang kausapin eh! Pero kailangan ko ng eksplanasyon. Lahat kami kailangan ng paliwanag. Kung sa tingin mo naghihirap kami sa wala, bakit mo kami pinaasa? Anong nangyari sa’yo sa Maynila, Lance?
Lance: (pertaining to the plane) May sira na daw.
Martee: Tungkol ba ‘to kay — tungkol ba ‘to kay Tessa?
Lance: Leave her out of this!
Martee: Mahal mo pa siya? Kasi kung yun ang dahilan maiintindihan ko.
Lance: Hindi mo maiintindihan!
Martee: Hindi lang ikaw ang nawalan ng minamahal. Lahat tayo, one time or the other, iniwan o namatayan.
Lance: Ako ang dahilan kung bakit siya namatay.
Martee: Wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Tessa.
Lance: I see her die everytime. I see her die.
Martee: Hindi mo kasalanan yun, Lance.
Lance: Kung hindi ko siya pinakasalan nung gabing yun, buhay pa siya.
Martee: Kung sa tingin mo ba kung pinakasalan mo siya sa ibang araw nandito pa siya ngayon?
Lance: Patay na siya. Pati si Maureen. Pati si Chicoy. Ba’t di na lang ako?
Martee: Kung nabubuhay sila ngayon, sasabihin nila sa’yo na wala kang kasalanan, Lance. Wala kang kasalanan. (a beat) Mahal mo ba ko? Lance, mahal mo ba ko? Nararamdaman ko, mahal mo ko. Mahal mo ba ako, Lance?
Lance: I never got there.

***

ONE MORE CHANCE (2007)
Basha: I’m sorry. I’m sorry.
Popoy: No, I am sorry. I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung kasing magkahiwalay tayo, ang inisip ko, sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry, Bash, naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo ring hanapin yung Bashang nawala nung minahal mo ko.
Basha: Yung Bashang mahal ka pa rin.
Popoy: Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sa’yo na sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit. Pero ‘pag… sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. And I’m sorry.
Basha: Ano’ng dapat kong gawin?
Popoy: Ako na ito eh, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa’tin. Para bumalik yung Popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop hating, Bash. Para pag naging tayo uli, kaya na kitang mahalin nang buong buo. Ng walang halong takot kung, kung masaktan man tayo ulit.

***

CLOSE TO YOU (2006)
Marian: Bakit di mo sa’kin sinabi? Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman?
Nuel: Marian, bakit pa? Andyan na naman si Lance.
Marian: Bago pa siya dumating. Bakit di ka nagsasalita sa’kin? Bakit mo tinago? Wala ka nang ibang ginawa kundi, kundi insultuhin ako na kesyo malaki yung braso ko, na mataba ako, na desperada ko, na trying hard ako.
Nuel: Diyos ko naman, Marian, dapat alam mo na you’ve always been beautiful to me.
Marian: Ang galing mo magtago ah. Di ko naramdaman yun.
Nuel: Ba’t kailangan ko pang iparamdam sa’yo? E wala ka namang ibang bukambibig kundi si Lance. Kung ga’no ka-confident si Lance, kung ga’no kaperfect si Lance. At tuwing sinasabi mo yun sa’kin, lalong lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Lalo kong iniisip na hindi ako pepwede sa’yo. Dahil wala akong sinabi eh. Wala akong binatbat. That I can never be as perfect as Lance.
Marian: Ang sabihin mo duwag ka lang. Hindi ka lang insecure, duwag ka pa.
Nuel: Oo na, duwag na kung duwag.
Marian: Talaga dahil kung mahal ko dapat ipaglaban mo ko.
Nuel: Bakit, kung sinabi ko ba’ng mahal kita noon, sasabihin mo sa’kin na I love you too?
Marian: Oo! Siguro. Hindi ko alam. Ewan ko. Naguguluhan ako eh. Feeling ko kasi… feeling ko kasi mahal kita. Higit pa sa isang kaibigan.
Nuel: Gustung gusto kitang yakapin. Gustung gusto kitang halikan. Gusto kong maging tayo. Maging akin ka. Pero dahil matalik mo kong kaibigan, gusto ko’ng mag-isip kang mabuti kung yan na nga yun. Dahil baka naguguluhan ka lang. Natatakot ka dahil bago pa lang kayo ni Lance. At kahit na alam ko na dahil binibigyan kita ng panahon para makapag-isip, posibleng marealize mo na hindi pala ako’ng pipiliin mo, ganito pa rin ang saabihin ko sa’yo. Ganito pa rin, Marian.

***

NOW THAT I HAVE YOU (2004)
Oscar: May problema ba?
Michael: Kayo, may problema na naman ba kayo ni mommy?
Oscar: Parte na yan ng araw-araw ko.
Michael: Dad, ni minsan ba naisip nyo na hiwalayan na lang yung asawa nyo?
Oscar: Maraming beses. Sa utak ko paulit-ulit yan. Iba’t ibang rason, iba’t ibang senaryo.
Michael: And?
Oscar: Dalawang bagay siguro. It’s either sobrang yabang ko o duwag ako.
Michael: Ano’ng ibig nyo’ng sabihin?
Oscar: Sobrang yabang ko dahil siguro sa dinami-dami ng naging karibal ko sa mommy mo, hindi yata kayang tanggapin na hindi kami naging okay. Duwag naman dahil inisip ko paano kung magkahiwalay kami ng mommy mo at di naman ako maging okay dahil mas okay pala na siya ang kasama ko.
Michael: Ang labo nyo dad.
Oscar: Twenty four years na nga akong nalalabuan sa sarili ko, eh. Twenty four years ko na ring tinatanong kung bakit mahal na mahal ko yang mommy mo e ang layo naman ng ugali namin sa isa’t isa. Dominante, nagger, selosa.
Michael: Ma-late ka lang nang konti sa pagtawag, away na.
Oscar: Malimutan mo lang yung birthday niya, gyera na.
Michael: Yung bang kahit alam nilang wala ka sa mood dahil sa pagod, ineexpect pa rin na magkwento ka.
Oscar: Paulit-ulit naman yung kwento at dapat makikinig ka dahil kung hindi…
Michael: Kukulitin ka.
Oscar: Dededmahin ka nang isang linggo.
Michael: Tapos magtatampo.
Oscar: Dahil taken for granted siya.
Michael: Tama, dahil taken for granted siya.
Oscar: Pag wala naman, parang di ka naman kuntento.
Michael: Parang may kulang.
Oscar: Hindi maingay.
Michael: Sobrang tahimik.
Oscar: Hindi ka mapakali.
Michael: Gusto mo nang manuntok.
Oscar: Kasi miss na miss mo.
Michael: Sobra!
Oscar: Oh anong problema? Mahal mo ba?
Michael: Eh paano kung iwanan niya rin ako gaya nung ginawa sa’kin ni Catherine?
Oscar: Catherine ba pangalan niya?
Michael: Betsy.
Oscar: Oh kahit Catherine pa ang pangalan niya, magkaiba pa rin sila.
Michael: Ewan ko, dad. Siguro ayoko lang magaya sa inyo ni mommy.
Oscar: Eh di wag mo kaming gayahin.
Michael: Paano ko makakasiguro?
Oscar: Hindi ka makakasiguro. Hindi ko masasabi na hindi ka na masasaktan ulit. Hindi ko masasabi na hindi kayo magkakaroon ng problema. Pero hindi ko rin masasabi na hindi kayo magiging maligaya. Eh parte lahat yan ng pagmamahal eh. Not knowing is the sweetest mystery in loving another person, and how much you can love is the greatest discovery you can have of yourself.

***

MILAN (2004)
Jenny: Ano ba’ng nangyayari sa’yo?
Lino: Wag ako ang awayin mo, Jenny.
Jenny: Ikaw ‘tong gumawa ng eksena, eh.
Lino: Sinabi ko lang kung ano ang totoo.
Jenny: Bakit, ginugulo ka ba ng kuya ko, ha? Ganun ba kalaki ang atraso niya sa’yo para bastusin mo siya? Utang na loob, Lino. Kapatid ko yun.
Lino: At ako? Ano ko sa’yo?
Jenny: Ano bang klaseng tanong yan?
Lino: Ba’t di mo masagot, ha? Sagutin mo! Ano ko sa’yo? Sino ko sa’yo, Jenny, ha? At bakit mas importante sila kesa sa’kin.
Jenny: Pamilya ko sila. Kailangan nila ko, Lino.
Lino: Punyeta! Ako ano ko? Pa’no ko? Pa’no tayo? Ako, Jenny, ikaw lang. Ikaw lang! Pero ikaw, priority mo lagi pamilya mo. Ako echapwera na ko sa’yo. Lalo na ngayon. Lahat ng atensyon mo nasa kapatid mo.
Jenny: Hindi totoo yan.
Lino: Ano’ng hindi totoo? Totoo yan. Kapag humihingi sila kunwari naiinis ka, pero bibigay ka pa rin, ha. Ibinibigay mo pa rin sa kanila. Bakit? Dahil pamilya mo sila? At dahil pamilya mo sila may karapatan na silang maging linta sa buhay mo. Lahat nakasahod sa biyaya ng Milan.
Jenny: Hindi totoo yan.
Lino: Nakikita mo ba’ng sarili mo, ha? May panahon ka pa ba para tingan yung sarili mo sa salamin?Dahil kung makikita mo yung sarili mo, nakakapagod ka nang tingnan. Puro ka trabaho! Puro ka trabaho, pagkita ng pera!
Jenny: Hindi totoo yan!
Lino: Ano’ng hindi totoo? Ano’ng hindi totoo?!
Jenny: Lahat ng ibinibigay ko sa pamilya ko, ibinibigay ko rin sa’yo. Lahat! Lahat-lahat. Lahat. Lahat. Lahat. Lahat. Lahat. Ano ba’ng gusto mong gawin ko?
Lino: Hindi ko alam.
Jenny: Hindi ka na ba masaya sa’kin, Lino? Hindi ka na naman masaya?

***

TILL THERE WAS YOU (2003)
Albert: You should stay.
Joanna: Tang ina naman talagang buhay ‘to e. Nakakaloko ka na ha. Abogado kang naturingan, napakalabo mo kausap. Prangkahin mo nga ako, ano ba ko sa’yo, ha? Ano ko sa’yo? Yung nangyari sa’tin nung gabi, ano yun? Wala lang yun sa’yo, ha? Anong tingin mo sa’kin, parausan mo lang din ako kagaya ng iba mo pang associates?
Albert: Iba sila, Joanna. Iba ka.
Joanna: Iba ko. Pwes ano ko? Ano? Ano?
Albert: Hindi ko alam. Basta ang alam ko iba ang nararamdaman ko ngayon.
Joanna: Hindi mo alam? Hindi mo alam. Gasgas na yan e. Gasgas na gasgas na yan. Sana sinabi mo na lang sa akin, Joanna, pareho kami ng tatay ko e. Mana ko sa kanya. Duwag ako, natakot ako. Hindi ko kayang sabihin sa’yo yung totoo. Yung nangyari sa’tin, wala lang yun. Sex lang yun. Ganun! Pwes eto ang sagot ko sa’yo. Putang ina mo. Hindi ako nag-isip ng kung anu-ano dahil hindi ako nag-isip. Basta ko lang naramdaman. Kung anuman yun, gusto kong malaman mo na gusto ko yung naramdaman kong yun. Sa lahat ng kasinungalingang ginawa natin, ito lang yung totoo. Ang minahal kita nang buong-buo.

***

GOT 2 BELIEVE (2002)
Toni: Pinuntahan kita sa bahay mo. Nilunok ko pride ko. Tinanong kita. Bakit ngayon lang?
Lawrence: Eh… parang mukhang tanga. Naisip ko, ano’ng mukhang ihaharap ko sa inyo ni Perry.
Toni: Wag mo kong bigyan ng kabullshitang sagot. Marami akong trabaho, inuubos mong oras ko. The least I expect, bigyan mo ko ng sagot hindi galing dyan, kundi galing dito.
Lawrence: Na gago ako. Na duwag ako.
Toni: Bakit?
Lawrence: Because it’s true. Toni, I almost lost you. Dahil gago ako’t duwag. Natakot akong mahalin ka.
Toni: At ngayon?
Lawrence: Ngayon mas natatakot akong mawala ka.
Toni: Bakit mo ko mahal?
Lawrence: Hindi ko alam.
Toni: Hindi mo alam?
Lawrence: Hindi ko alam. It just hit me. I didn’t even believe in forever, Toni. But I think I found forever in you. Toni, hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa’yo, okay? Huwag mong isipin yun. Gusto ko lang malaman mo. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita. And I’m so sorry.
Toni: You never say sorry for loving someone. You never say sorry for loving me.

***

HEY BABE (1999)
Abigail: Ang kapal ng mukha mo?
Nelson: Nagawa ko lang yun dahil—
Abigail: Dahil ano? Dahil gawain mo talaga yun! Akala mo lahat ng bagay nadidiskartehan. Diskarte sa waiter para makakuha ka ng lamesa. Diskarte kay Lola para maiba mo’ng hula. Diskarte sa’kin para mahalin ka.
Nelson: Hindi, mali ang iniisip mo.
Abigail: Bakit? Nahulaan mo na rin ba kung ano ang takbo ng utak ko, ha?
Nelson: Nagawa ko lang yun dahil mahal kita.
Abigail: Hindi mo ko mahal. Dahil kung mahal mo ko hindi mo ko lolokohin. Pinaglaruan mo ang kapalaran ko. Pinaglaruan mo ang puso ko.

****

KAY TAGAL KANG HININTAY (1998)
Alex: Ano’ng oras ang alis mo bukas?
Ana: 6:30.
Alex: E bakit ayaw mong ihatid kita? Ayaw mong ibigay sa’kin ang address mo, o ang phone number mo. Kahit na buong pangalan mo.
Ana: E kasi nga… kasi nga di ba kumplikado na’ng buhay mo? Kumplikado na rin yung buhay ko. Mas mabuti na yung ma-miss kita kesa naman umabot pa sa hindi na kita gustong makita. Yung isang magandang panaginip, mauwi pa sa bangungot.
Alex: Wow. Lalim nun ah. Di ko yata makuha yun.
Ana: Kasi…
Alex: Kasi…
Ana: Baka ma-inlove ka sa’kin. Baka ma-inlove din ako sa’yo.
Alex: Problema ba yun?
Ana: Hindi ba? Dito kasi pwede kang mangarap. Pwede kang maniwala. Kasi hindi naman ‘to totoo. Pagbalik natin sa Maynila, babalik tayo sa kung ano ang totoo at sa kung ano ang totoong tayo. Baka wala tayong lugar sa isa’t isa sa totoong buhay.

***

Dalawampung pelikula pa lang ito. Marami pang hindi nakasama sa listahan. Abangan ang susunod na serye.

Advertisements

2 thoughts on “Read This If You’re a Star Cinema Movie Addict

  1. Pingback: Minsan Din Akong Nagsulat ng Romance Pocketbook | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s