DEDELS 101: Fifteen Fun Fact Tungkol sa “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal”

Nagsara na ang tabing ng Virgin Labfest para sa dulang “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal”. Matapos ang sampung “magkakaibang” show sa CCP, pansamantalang mananahimik ang kaluluwa ni Dedels. At bilang pasasalamat sa lahat ng nakilangoy sa aming trip, tinipon ko ang ilang trivia ukol sa nakababaliw na paghahanap ng hustisya para sa pinaslang na isda.

11401076_10206133774495398_1356490247760879433_n

Official poster na likha ni Kulay Labitigan

1. Ang pangalan ni Mam D sa totoong buhay ay Lerma Dimaandal.
Sa kasalukuyan, nagtuturo pa rin si Mam D sa Batangas. Humihingi na siya ng royalty para sa dula. đŸ˜€

Hindi palaging nakakatakot si Mam Dimaandal

Hindi palaging nakakatakot si Mam Dimaandal

2. Ang pangalan ng goldfish na “Dedels” ay nagmula sa “Deldoc”.
Ipinangalan nila sa akin ang isda noong ako ay Filipino teacher nila.

3. Sina Jarrod, Madiam, at Pipo ay mga dati kong estudyante.
Hindi sila magkakaklase. Sa katunayan, galing sila sa magkakaibang batch. Hindi rin ito ang tunay na mga pangalan ng mga salarin.

Ang binatang itinuturo namin sa litrato ay isa sa mga tunay na suspek ng pagpaslang.

Ang binatang itinuturo namin sa litrato ay isa sa mga tunay na suspek ng pagpaslang.

4. Si Tita Pits sa totoong buhay ay isang librarian.
Hanga ako sa memorya niya dahil naaalala niya talaga ang “kwento” ng bawat estudyante.

Mosang bilang Tita Pits

Mosang bilang Tita Pits

5. Ang declamation piece ni Prof. Caracol sa ending ng dula ay tulang nirerecite nina Direk Roobak Valle noong elementary pa siya.
“I wish I am I fish swimming in the sea. But a fish on a dish, I never, never want to be.”

10342394_745867238769226_3917868419673616099_n

Virgin Labfest 10 poster

6. Totoo ang swim bladder disorder.
Learn more here: https://en.wikipedia.org/wiki/Swim_bladder_disease.

7. Halos lahat ng bumentang linya ni Prof. Dimaandal ay mga verbatim na “unforgettable lines” niya sa loob ng silid-aralan.
May Facebook page na ginawa ang mga dati nyang estudyante para balik-balikan ang mga ‘di malilimutang hirit ni Mam D.

Peewee O'hara bilang Prof. Dimaandal

Peewee O’hara bilang Prof. Dimaandal

8. Sina Renz Pasigan at Vannie San Juan ay mga dati ko ring co-teachers.
Wala silang relasyon.

Wenah Nagales at Paolo O'Hara bilang Vannie at Renz

Wenah Nagales at Paolo O’Hara bilang Vannie at Renz

9. Kumunsulta ako sa isang Chemistry major para alamin kung paano nga ba mamamatay ang isang goldfish dahil sa detergent.
Apparently, ginagawa pala itong experiment sa UPLB ng mga marine biology students.

10. Hanggang ngayon ay si Prof. Caracol [hindi tunay na pangalan] pa rin ang principal.
Hindi pa niya napapanood ang dula. Mabuti na lang.

Sherry Lara bilang Prof. Caracol

Sherry Lara bilang Prof. Caracol

11. Paborito ko ang I’d Still Say Yes na version ng Freestyle.
Theme song ito dati ni Jennylyn Mercado kay Mark Herras. Hindi alam ni Direk Roobak ang kanta pero pumayag naman siyang gamitin yun sa dula.

12. Hindi naman nagwala si Sir Tugbo sa totoong buhay.
Hindi ko kinaya eh. Kaya nagsulat na lang ako. Hehe.

Chrome Cosio bilang Sir Tugbo

Chrome Cosio bilang Sir Tugbo

13. Naisip kong isulat ang dula noong nakasakay ako ng bus pa-CCP para sa closing show ng “Owel”.
Limang buwan ang inabot nang pagsusulat sa ipinasa kong manuscript.

1513648_10203146919945901_4650709092335918675_n

Actual hand-written draft ng dula

14. Noong una, natakot akong ipalabas ang dula dahil babanggain nito ang isang institusyon at mga professional na guro.
Pero may isang dating co-teacher na nagsabi sa’kin, “It’s not worth writing if it’s not worth dying for.

15. Naipalabas na rin ng Tabsing Kolektib ang dula sa UPLB noong nakaraang Pebrero.
Ipapalabas itong muli ng Barasoain Kalingan Foundation, Inc. sa Bulacan ngayong Agosto.

Ang Tabsing Kolektib kasama si Prof. Dimaandal sa produksyong

Ang Tabsing Kolektib kasama si Prof. Dimaandal sa produksyong “Silang Mga Donselya”

________________
Maraming salamat kina Sir Tuxqs Rutaquio, Trixie Dauz, at Diane Obado para sa mga larawan

Advertisements

3 thoughts on “DEDELS 101: Fifteen Fun Fact Tungkol sa “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal”

  1. Pingback: 55 Litrato ng Aking 2015 | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  2. Pingback: Maraming Salamat, The Virgin Labfest | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  3. Pingback: FAKE NEWS?! 12 Sikreto Tungkol sa “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat”, Ibinulgar! | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s