Bakit Kailangan Mong Basahin ang “Lumbay ng Dila” ni Genevieve Asenjo

Bakit ko ito binasa?

Naengganyo akong basahin ang nobelang “Lumbay ng Dila” ni Genevieve Asenjo matapos kong mapanood ang dulang “Ang Nanay Kong Ex-NPA”. Ang one-act play na ito na ipinalabas sa Virgin Labfest 11 (direksyon ni Rody Vera) ay adaptation ng ilang kabanata sa nobela. Sa maikling komprontasyon ng mag-ina, naganyak akong alamin kung ano ang buong kwento ng pangunahing tauhan na si Sadyah Zapanta Lopez.

img_0402-e1433173795876

Bakit kailangan mo itong basahin?

1. “Kailangang mabasa ang nobelang ito ng lahat ng tunay na nagmamahal sa sariling bayan, hindi lamang dahil maganda ang kuwento kundi dahil din sa makabuluhan at nakaaaliw na gamit ng wikang Filipino.” – ISAGANI R. CRUZ

20150824_174424

20150824_174650

2. “Ang nobelang ito’y hindi chick lit, hindi pa-erotic lang. Laman nito’y aspirasyon ng kababaihan, na aspirasyon din ng bayan.” – JUN CRUZ REYES

Hindi ko maiwasang maalala ang panulat ni Lualhati Bautista dahil sa matingkad na feminismo sa nobela. Gayunpaman, matagumpay na lumutang pa rin ang orihinal na kontemporaryong tinig ni Asenjo bilang isang babae lalo’t higit sa mga kwento ng kanyang pag-ibig kina Stephen Chua, Ishmael Onos, at Priya Iyer.

20150824_174625

20150824_174542

3. “Isang misyon at adbokasi na ni Asenjo na buong pagmamahal at pagmamalaking isentro ng kanyang panitik ang kanyang kinamulatang wika sa Visaya [Kinaray-a], gayundin ang barayting wikang Kinaray-a-Filipino.” – FANNY A. GARCIA

Maliban sa mahusay na pagsasanib ng iba’t ibang wika [Filipino at banyaga] sa nobela, kapuri-puri rin ang kakayahan ni Asenjo na ipinta at imapa ang mga tagpuan sa kanyang akda. Ililibot nya kayo sa Antique, papasyal kayo sa Bicol, gagalugarin ninyo ang mga sulok ng Maynila, at igagala ka niya sa Bangkok. May mga bonus pang tula kagaya nito:

20150824_174709

4. “Although Lumbay ng Dila is Asenjo’s first novel, her work shows that she already has mastery of the form as can be seen in the colorful and enduring story; tight structure and plot; interesting, believable, and vivid characterization; clearly delineated setting; timely and timeless ideas; appropriate choice and handling of point of view; and fresh and effective use of language.” – GERARDO Z. TORRES

Sapul na sapul. Dumating ako sa puntong gusto kong bitawan ang nobela dahil ayoko pa itong magwakas, ngunit hindi ko naman maitigil ang pagbabasa dahil gusto ko nang malaman ang mga susunod na pangyayari. Basahin mo ang nobela upang mapatunayan na hindi nagmamalabis ang blurb sa itaas.

20150824_174504

Upang mas makilala si Asenjo at ang kanyang mga akda, bisitahin ang http://balaysugidanun.com/.

Advertisements

One thought on “Bakit Kailangan Mong Basahin ang “Lumbay ng Dila” ni Genevieve Asenjo

  1. Pingback: Ang Lahat ng Maganda ay Malungkot | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s