29 Collages Bilang Pag-alala sa World Teachers’ Day

Kahapon ay World Teachers’ Day. Maraming dating estudyante at kapwa guro ang nakaalala at bumati. Kung tutuusin, maikli ang dalawang taon ko sa UP Rural High School (UPRHS) at isang taon ko sa Malayan Colleges Laguna (MCL). Kaya talagang nakakataba ng puso ang sabihan ng #ThankYouTeacher.

At bilang sagot sa lahat ng nagpadama ng kanilang pagpapahalaga, narito ang aking #YouAreWelcomeStudents. Inipon ko ang ilang litrato mula sa tatlong taon kong pakikisalamuha sa mga mag-aaral na karamihan ngayon ay kapwa ko na profesyunal.

1. Costume play para sa Filipino III. Nagbihis at umarte ang mga mag-aaral bilang mga tauhan mula sa mga kwento, tula, at dulang Filipino.

2

2. Paggawa ng pelikula ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nagkaroon din ng eksibit para sa kanilang mga obra.

3

3. Toast speech para sa English III. May nag-debut, may kinasal, may nagbigay pugay sa retirement ni Pacquiao.

4

4. Toast speech para sa English III.

5

5. Role playing para sa Filipino 1. Bumuo ng maikling dula ang mga mag-aaral ukol sa mga epikong Filipino.

6

6. Sections Mahogany, Acacia, at Molave ng Class 7xi matapos ang masayang costume play activity.

7

7. Nagdisenyo ng statement shirt ang mga mag-aaral para sa Literature 1. Batay sa mga kwentong tinalakay namin sa Philippine Literature in English ang kanilang mga statement.

8

8. Gumawa ng love letters/paper boats ang mga mag-aaral ng Literature 1. Ibinigay nila ito sa kanilang mga paboritong guro.

9

9. Intramurals sa UPRHS at isang naligaw na litrato ng year-ender ng juniors.

11

10. Theater workshop ng Speech and Dramatics Club. Tanda pa kaya nila ang “ministry”?

12

11. Outreach program ng Speech and Dramatics Club sa isang elementary school sa Bay, Laguna. May speech choir, story telling, at mga palaro.

13

12. Speech choir para sa Literature 1.

10

13. Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa UPRHS.

20

14. Performance pictures ng “Little Theater” ng Speech and Dramatics Club. Ipinalabas namin ang “While the Auto Waits” ni O. Henry at “Subtext” ni Njel de Mesa.

14

15. Backstage pictures ng “Little Theater”.

15

16. Rehearsals para sa “Little Theater”.

16

17. Photoshoot para sa “Little Theater”.

17

18. Rehearsals ng “Puno ng Pangarap”, isang espesyal na pagtatanghal sa Recognition Rites ng UPRHS.

18

19. Tampok sa “Puno ng Pangarap” ang mga bigating alumni ng UPRHS mula sa iba’t ibang larangan at disiplina.

25

20. Bumisita ang cast ng “Ondine” sa mga myembro ng Speech and Dramatics Club.

19

21. Lumahok sa Bayle sa Kalye ang mga piling mag-aaral ng UPRHS.

21

22. JS Prom

22

23. Fieldtrip ng sophomores sa Rizal, Subic, at Manila.

27

24. Field trip ng juniors. Mula sa gradschool class sa Diliman, sumabay ako sa kanila pauwi ng Laguna.

23

25. Leadership training sa isang liblib na resort. Magdamag ang activity at wala kaming kaalam-alam sa malubhang bahang idinulot ng Bayong Ondoy.

24

26. Bumisita si AG Sano sa UPRHS para sa kanyang adbokasiyang Dolphins Love Freedom.

26

27. Nagtanghal ng mga piling dula ang mga mag-aaral ng HUM014: Philippine Literature in English sa MCL.

28

28. Christams party kasama ang mga HUM014 students sa MCL.

29

29. Huling araw ng klase sa Filipino II at III.

1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s