7 Natatanging Dragon sa “Anthology of Philippine Draconic Fiction”

Tampok sa “A Time For Dragons” ang labing pitong kwento at isang sanaysay ukol sa iba’t ibang uri at mukha ng dragon. Sa pamamatnugot ni Vincent Michael Simbulan, naghain ng bagong pagtingin at interpretasyon ang 17 manunulat sa isang maituturing na palasak na tauhan/elemento sa samu’t saring mitolohiya.

Sa antolohiyang ito ng Philippine draconic fiction, lumutang ang mayamang imahinasyon ng mga kwentista sa paglalahad nila ng mga makabagong mito ng dragon na sumasalamin sa kamalayang Filipino. Nakamamangha ang likot ng isip ng mga may-akda na nagbunga ng isang koleksyon ng mga kwentong drakoniko na masasabing sariling atin. Sa patuloy na pagpapayabong ng ganitong uri ng panitikan, tiwala akong higit nating makikilala ang ating bakunawa kaysa kay Toothless ng “How to Train Your Dragon”.

Narito ang pitong natatanging dragon mula sa antolohiya na pinakapumukaw sa aking damdamin at imahinasyon:

7. Dragon sa glass mountain

20151101_102605
Sa kwento ni Nikki Alfar na “Glass”, ang pangunahing tauhan na si Mariska ay nakapiit sa isang bundok na gawa sa salamin. Minsan siyang pinatakas ng kinatatakutang nilalang sa bundok ngunit mas ninais niyang bumalik sa kabila ng pagpigil sa kanya ni Fausto, isang mangingibig na hindi nagsawang maghatid sa kanya ng isda noong siya’y nakakulong pa.

Masarap basahin ang akda ni Alfra dahil sa kanyang pagkamakata.

20151101_102658

20151101_102726

6. Earth dragon ng Guei Lin

20151101_103029
Melodramatiko ang akdang “The Final Tale of Zhang Bai Long, Earth Dragon of Guei Lin” ni Elbert Or. Pinili ng isang dragon na sumama sa kanyang inibig na kaibigan sa kabila ng sumpa na siya’y magiging tao sa sandaling lisanin niya ang kanyang kinaroroonan.

“Nao bing bu liao xin — no reason can ever reason with the reasons of the heart.” Ito ang pinakagusto kong linya sa kwento.

20151101_103111

20151101_103216

5. Water dragon sa San Juanico Strait

20151101_103716
Maganda ang premise ng “The Bridge” ni Yvette Natalie U. Tan. Ang first lady na nagpapagawa ng tulay na magdudugtong sa Leyte at Samar ay pinaghihigantihan ng isang dragon na nagambala dahil sa itinatayong imprastraktura. Isang espesyal na bata na nakakakita ng hinaharap [sa tulong ng namatay niyang ate at kuya dahil sa pagkakunan ng kanilang ina] ang naging sakripisyo upang mailigtas ang first lady.

Sa kwentong ito lang ako nakaramdam ng takot at kilabot habang nagbabasa. Kagaya ng hilakbot ko sa basilisk noong binabasa ko ang ikalawang libro ng Harry Potter.

20151101_103745

20151101_103832

4. Egglebert

20151101_103610
Si Egglebert ay ang dragon na inalagaan ni Prof. Augusta sa akdang “A Little Knowledge” ni Dominique Cimafranca. Bilang lider ng Society for the Prevention of Cruelty to Dragons, ipinaglalaban ni Prof. Augusta na itigil ang panghuhuli at pagbebenta sa mga dragon. Tutol naman dito ang matandang dragon hunter na si Bartok at ang kanyang kanang kamay na si Pelias dahil alam nilang salot at mapaminsala ang mga tulad ni Egglebert.

Labis na nakaaaliw ang debate nina Prof. Augusta at Bartok na nagyari sa isang country fair. Sa palitan ng kanilang kuru-kuro, naipakilala ang iba’t ibang uri ng dragon na may iba’t ibang kakayahan at peligrong dala.

20151101_103625

20151101_103655

3. Dragon na umiinom ng San Miguel beer

20151101_103238
Ang “A Fishy Tale” ni Apol Lejano-Massebieau ay kwento ni Clara, isang news writer na naataasang mag-cover ng isang babae na di umano ay nagluwal ng kambal na isda. Sa kanyang pananaliksik, nakilala niya ang banyagang si Gerard na siya palang nakabuntis sa subject ng kanyang balita.

Kapana-panabik ang pagkakasulat ng akdang ito. Hanggang sa huli ay hindi nabitawan ni Massebieau ang inihain niyang misteryo.

20151101_103352

20151101_103435

2. Dragon na nahukay sa Cebu

20151101_103516
Isang pares ng archeologist ang nag-iimbestiga sa kalansay ng isang di malamang nilalang. Para sa American scientist, ito ay labi ng isang Diatryma. Para sa kasintahan niyang Pinay na dati niya ring estudyante, ito ay isang dragon.

Napakaganda ng wika ni Angelo Lacuesta sa akdang ito na pinamagatang “Fossil”. Hindi nawala ang pagkamalikhain ng pagsasalaysay kahit pa napaka-scientific ng tono. Mahusay rin ang contrast ng dalawang tauhan na nagbigay ng isang maigting na konklusyon sa kwento.

20151101_103538

20151101_103559

1. Dragon na ikinulong sa mga mahiwagang tiles

20151101_102808
Sa “The Annotated Account of Tholomew Mestich and the Tiles of the Ganew”, isinalaysay ni Elyss Punsalan ang mala-epikong buhay ng isang bayaning makulit, pasaway, at sakit ng ulo sa karamihan. Para sa akin, para siyang si Clever Penduko sa kwento ni Lola Basyang.

Ito ang pinakagusto kong akda sa antolohiya dahil nakaaaliw ang paglalakbay ng bida. Mula sa kanyang pagsilang hanggang sa matagumpay niyang pagsagupa sa kalabang dragon. Nangangarap ako ngayon na makasulat ng isang kwento na may lahok rin ng “matatalinong” anotasyon.

20151101_102832

20151101_102941

—————————————

Ang mga ilustrayon sa libro ay guhit ni Andrew Drilon.

Advertisements

2 thoughts on “7 Natatanging Dragon sa “Anthology of Philippine Draconic Fiction”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s