Kabog, Kilig, Kirot sa UST

Narito ang aking playwright’s notes para sa katatapos lamang na pagtatanghal ng Para Kay B sa UST:

Official poster mula sa Teatro Tomasino

Official poster mula sa Teatro Tomasino

Ilang ulit akong nagmahal habang isinusulat ang adaptasyong ito ng “Para Kay B”. Sa iba’t ibang tauhan, sa iba’t ibang paraan.

Nasa UPLB pa ako noon, taong 2011. Hinamon ako ni G. Ron Biñas na isalin sa dula ang nobela para sa hahawakan niyang acting class. Bilang pagpapaunlak, muli kong binasa ang libro. At sa pangalawang beses kong pagtunghay sa limang kwentong nakapaloob dito, higit kong natanto kung gaano kaganda ang nobela. Hindi man ako tiyak sa kung paano ko isusulat ang dula, tinanggap ko ang hamon.

October 2011, nagbukas ang tabing para sa unang pagtatanghal ng “Para Kay B”. Sa isang maliit na silid lamang kami nagpalabas. Maituturing na isang eksperimento. O isang sugal. Dahil hindi namin batid kung paano tatanggapin ang dula. O kung matatanggap nga ba ito. Kaya’t nang marinig namin ang unang bunghalit ng tawanan, ang unang mahabang “awwww” ng pagkalungkot, at ang unang bugso ng palakpakan, lihim kaming napangiti kami dahil alam naming hindi nasayang ang aming mga ipinuhunan.

Mga larawang kuha ni Ron Biñas

Mga larawang kuha ni Ron Biñas [Para Kay B sa UPLB]

Huling araw ng pagtatanghal, nanood si Ricky Lee at ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na maalala ang tindi ng kaba sa dibdib ko noong araw na yun. Nang matapos ang palabas, saglit siyang nakipagkwentuhan sa amin. Pumirma sa mga libro, nagpakuha ng litrato. Ang sabi niya sa amin, marami nang nagtangka na isadula ang “Para Kay B”, kami pa lamang ang nakagagawa. Ang pabaon naman niya sa akin, “You did a difficult job. Congratulations.”.

Curtain call kasama si Ricky Lee

Curtain call kasama si Ricky Lee

Mandudula. Nobelista. Direktor.

Mandudula. Nobelista. Direktor.

Pero hindi lang ako ang naghirap para sa naging tagumpay ng dulang ito. Kaya’t sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko ang taong tumulong at gumabay sa akin para mahubog ang dula. Sa unang direktor ng dulang ito, Sir Ron Biñas, maraming maraming salamat. Isang mahalagang kabanata ng ating pagkakaibigan ang “Para Kay B” at hinding hindi ko ito malilimot. Maraming salamat sa paniniwala mo na kaya kong sumulat ng dula. Maraming salamat sa pagkakataong matuto sa lahat ng pinagsamahan nating mga proyekto. At maraming salamat dahil ikaw rin naging tulay ko at ng Teatro Tomasino.

February 2012, muling ipinalabas sa UPLB ang dula bilang bahagi ng 1st Southern Tagalog Arts Festival. Espesyal ang run na ito dahil pawang malalapit na kaibigan ang bumuo ng produksyon. Ito nga marahil ang naging ugat ng kagustuhan kong makapag-organisa kami ng isang grupong pantangahalan pagkalabas namin ng unibersidad. Ito rin marahil ang naging mitsa ng aking adbokasiya na mag-adapt pa ng magagandang akda na isinulat ng Filipinong manunulat na naglalayong mahikayat ang mga manonood na bumili at bumasa ng mga kwentong sariling atin.

386726_2238293731928_1520050142_n

Kaya naman, ang pagtatanghal na ito ng Teatro Tomasino ay alay ko sa original cast at crew ng “Para Kay B”. Sa aming Lucas (Sargei), Irene (Patty at Em), Sandra (Aizel at Gem), Erica (Inah, Charmie, at Erika), Ester (Pat), Bessie (Faye at Millen), Jordan (Dan), Lupe (Drew), Jake (Tracy), Mrs. Baylon (Joe), Sara (Ana) Lucio (Tope), at AJ (Babet). Sa inyo: Jecay, Gela, Ahlee, Lyeka, Jebboy, Jervis at mga hari ng metal, Jeanelle, Cornjavalogs, Kuya Ian Bautista, at Ate Regina Martinez. Sana ay maulit natin ang karanasang ito.

Ang cast ng Para Kay B sa 1st Southern Tagalog Arts Festival.

Ang cast ng Para Kay B sa 1st Southern Tagalog Arts Festival.

Ngayon na maipapalabas na ang dula sa mas maraming manonood, labis ang aking katuwaan, pananabik, at pasasalamat.

Sir Ricky Lee, muli maraming salamat sa pagpapahiram at pagkakatiwala ng iyong nobela. Mananatili kayong isang huwaran at inspirayon sa mga batang manunulat na kagaya ko. Lagi’t lagi kong babalikan ang mensaheng isinulat niyo sa libreng kopya ko ng libro. Sana ay simula pa lamang ito ng mas mahaba pang paglalakbay ng dulang “Para Kay B”.

Sa lahat ng bumubuo sa Teatro Tomasino, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maibahagi ang dula dito sa Maynila. Isang pahabol na surpresa ngayong 2015 ang inyong paanyaya. Arch. Carlos Buendia, Jr., maraming salamat sa inyong sining.

Sa inyong mga aktor na muling bubuhay sa mga tauhan ni Ricky Lee, mahalin ninyo sila. Hayaan ninyong ituro nila sa inyo ang pag-ibig na hindi humahangga sa kahit na anong teorya at hindi kumikilala ng anumang proposisyon. Ang tanging alam nila, umibig sila, at umaasa na sa huli ay magiging maligaya. Maraming salamat sa idudulot ninyong hininga sa aming mga salita.

Jordan at Irene ng UST

Jordan at Irene ng UST

Lupe at Sandra ng UST

Lupe at Sandra ng UST

Jake at Erica ng UST

Jake at Erica ng UST

Ester at Sara ng UST

Ester at Sara ng UST

Bessie at Lucas ng UST

Bessie at Lucas ng UST

Sa’yo na muling babasa ng nobela sa pamamagitan ng panonood ng dula, sana ay maramdaman mo rin ang pag-ibig na naramdaman ko habang isinusulat ko ang salitang pagmamahal — sa iba’t ibang antas, hugis, kulay, at kasarian.

Muli kaming nagsama ni Ricky Lee sa isang entablado matapos ang tatlong taon.

Muli kaming nagsama ni Ricky Lee sa isang entablado matapos ang tatlong taon.

Walang pasubali, marami pa tayong hindi alam tungkol sa pag-ibig. Isa lamang ang teorya ni Ricky Lee sa marami pang teorya na maaring pag-halawan upang kahit papaano ay maunawaan natin ang ating mga puso. Sa aming pagtatangka na maipalawanag ang kabog, kilig, at kirot, sana ay nagtagumpay kami.

10 November 2015
Makati City

Advertisements

2 thoughts on “Kabog, Kilig, Kirot sa UST

  1. Pingback: 7 Kumpisal Ukol sa Dulang “Ang Favorite Book ni Jude” | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

  2. Pingback: Nakaangkas Ako sa Ika-15 Trip to Quiapo | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s