FRINGE MANILA [THEATER]: Ang Favorite Book ni Jude

Makalipas ang tatlong taon, muling bubuklatin ang aking stage adaptation ng nobelang “Ang Paboritong Libro ni Hudas”. Pero bago pa man ang muling pagbubukas ng tabing, hayaan nyong magbalik-tanaw muna ako.

Espesyal sa akin ang dulang “Ang Favorite Book ni Jude” dahil ito ang launching production ng Tabsing Kolektib sa UPLB. Una itong ipinalabas sa Makiling Ballroom Hall sa SU Building noong Marso 13 at 14, 2013.

Sa direksyon nina Dan Dagondon, Ron Binas, at Tracy Quila, nabigyang buhay ang kwento ng isang pamilya na naging biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.

302817_440132436076989_988983110_n

Si Jervis Gonzales ang gumanap na Lourd at si Jebboy Bagalihog naman si Jude.

941532_440133162743583_778870085_n

Si Debbie Bartolo ang gumanap na Lena.

253294_440132506076982_1733773779_n

Si Tracy Quila ang gumanap na Melchor at si Dale Magsino naman si Marco.

247527_443313822425517_1223827645_n

Medyo intense.

 

Ngayong 2016, hatid sa atin ng PNU The Thespian Society ang isang bagong mukha ng “Ang Favorite Book ni Jude”.

ang-fav

Para sa mga naiintriga, narito ang synopsis ng dula:

Ang Favorite Book ni Jude, a stage adaptation of Bob Ong’s Ang Paboritong Libro ni Hudas, recounts man’s attempt to unveil the truth about the existence of a supreme being. The story revolves around the encounter of Jude’s lost soul with Lourd, the alleged divine entity; wherein Jude expresses his doubt on Lourd’s preeminence substantiated by his dreadful experiences during his life on earth. Their unceasing debate consequently unfolds the enormous implications of God’s being on how man views life, humanity, morality, and destiny.

Ultimately, Ang Favorite Book ni Jude deals with man’s quest for explanations to the greatest mysteries of faith and belief. It chronicles how man truly understands the meaning of life depends on why he ask and how he answer the one ultimate question: Is there really a God?

Para sa mga naghahanap ng hugot lines, heto ang ilan:

“Mapanganib pala ang pag-asa, Lena. Ilang ulit ako nitong itinulak na ibangon ang sarili ko, at ilang ulit niya rin akong binigo.”

“Ako ang nasa ilalim ng inyong paghuhukom. Araw-araw. Kahit ngayon, hindi ba ikaw ang nagpapasya kung sino ako at kung ano ang mga pagkukulang ko sa’yo? “

“Nangako ako sa harap ng Diyos na hindi kita iiwan dahil hindi ko maisip ang buhay ko nang wala sa tabi mo. Kaya sa mga panahong kinekwestyon ko pati ang Diyos, tinitingnan lang kita para maalala ko yung pangako ko sa Kanya. Para maalala ko ang dahilan kung bakit ako nagmamahal at nahihirapan.”

Para sa mga nagbabalak manood, narito ang mahahalagang detalye:

KAILAN: Pebrero 24 at Marso 3 [10 am | 1 pm | 3 pm | 5 pm]
SAAN: Philippine Normal University AV Theater
PAANO KUMUHA NG TIKET: Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/PnuTheThespianSociety/

Ang dula ay bahagi ng FRINGE MANILA 2016.

Advertisements

One thought on “FRINGE MANILA [THEATER]: Ang Favorite Book ni Jude

  1. Pingback: 7 Kumpisal Ukol sa Dulang “Ang Favorite Book ni Jude” | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s