Huling Tagpo

12769534_10207767364254121_148709683_n

kuha ng may-akda

Akala ko hindi na tayo magkikita, sabi mo.
Ginawa ko ang lahat para hindi β€˜to mangyari, sabi ko.

Tadhana na ang gumawa ng paraan. Pinigilan ko’ng hindi matawa sa sinabi mo.
Nagkataon lang. Wag kang OA, sabi ko.

Lahat ng nagyayari, may dahilan. Ito. Itong pagkikita natin, alam kong may mas malalim na rason. Ayaw mong paawat. Walang pinagkaiba doon sa mga gabing gusto kong umuwi, pero nagpupumilit ka na ‘wag akong umalis.
Kung mayroon man, hindi ko na gusto pang malaman. Aalis na ko, sabi ko.

Bakit ka nawala? Bakit hindi mo na ko kinausap?, tanong mo.
Hindi ko kailangang magpaliwanag. Tapos na ang lahat, tugon ko.

Walang natapos dahil walang naging tuldok sa ating dalawa, panunumbat mo. Wala ka pa rin talagang pinagbago.
May pamilya ko. May asawa ka. Simula pa lang dapat itinigil na natin. Sinubukan kong magmatigas.

Mahal kita, sabi mo.
Hindi pwedeng dalawa ang mahal mo, sabi ko.
Hindi ‘yan ang sinabi mo sa’kin dati, sabi mo.
Hindi ko na kayang sumugal, sabi ko.
Hindi pa huli ang lahat, pagpupumilit mo.
Mahal ko ang pamilya ko, sabi ko.

Mahal pa rin kita. At alam kong mahal mo pa rin ako. Walang pag-aalinlangan ang boses mo.
Hanggang dun na lang yon. Alam kong narinig mo ang panginginig ng boses ko.

Pwedeng pwede natin silang iwan, sabi mo.
Ito ang tama. Ito ang dapat. Ito ang kailangan, sabi ko.
Pero hindi yan ang gusto mo, sabi mo.
Hindi lahat ng gusto ng tao, nakukuha niya. Natutuhan ko yun sa’yo, sabi ko.

Advertisements

4 thoughts on “Huling Tagpo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s