Si Ate Angge at Kung Paano Magkwento ang Kanyang Musika

Isang pagpupugay para kay Marie Angelica Dayao, 2016 UPLB Most Outstanding Artist:

Magkaklase kami ni Angge sa SPCM 104 noong 2007. Sa isang speech ay naibahagi niya kung paanong minsang nadurog ang puso niya dahil hindi nabigyang halaga ang ginawa niyang musika para sa isang produksyon. Nakita ko noon kay Angge ang pagsuko ng isang musiko na para bang ayaw na niyang sumubok pang muli.

Subalit hindi iyon ang kanyang tadhana. Bago ang kaniyang graduation, nahanap muli ni Angge ang kanyang musika. Bahagi ako noon ng pangkat pang-artistiko na bumuo ng pagtatanghal ng awiting “Isang Daan” na ipinanalo ni Angge sa UPLB Centennial Theme Song Competition. Mula sa tagumpay na iyon, nagsimula ang mahaba at patuloy na humahabang ugnayan namin sa pagbuo ng sining.

Bilang isang dating aktor sa UPLB, naging saksi ako sa kahusayan ni Angge sa paglikha ng orihinal na musika. Sa dulang “Tao”, na idinerehe nina Jeremy dela Cruz at Dennis Gupa, naranasan ni Angge na mag-ulit ng mga dinisenyong musika matapos mag-crash ang kanyang laptop. Nangyari ito isa o dalawang araw bago ang aming pagtatanghal. Sa mga dulang “Riders to the Sea”at “Teginef”, na idinerehe rin ni Gupa, ipinamalas ni Angge ang angking galing niya sa paghawak ng isang live orchestra — ang Harmonya. Nasundan pa ito ng “Ondine”, na idinerehe nina dela Cruz at Ron Binas, kung saan ang mga komposisyon ni Angge ay talaga namang nagmarka sa mga manonood. Magpahanggang ngayon nga ay nananabik ang mga dati kong estudyante na nakanood noon ng dula na maulit ang naturang palabas dahil talagang inibig nila ang mga awit. Ganoon ang musika ni Angge. Kumukurot. Tumatatak.

tao- samasining (48)

“Tao”

riders- samasining (45)

“Riders to the Sea”

teginef (35)

“Teginef” A Dream Play”

teginef (6)

“Teginef: A Dream Play”

Nang ako ay magsimula nang magsulat ng dula, kasama ko pa rin ang musika ni Angge. Nahamon ang kanyang husay sa adaptasyon ko ng “Junto al Pasig” kung saan tatlo o apat na instrumento ang tinugtog niya ng live para sa palabas. Bukod pa rito ang pagbuo niya ng mga komposiyon at ang pagsasanay niya sa mga manganganta. Sa dulang “Articulo Mortis” naman, bagaman isang awit lamang ang ginawa ni Angge, nagpaunlak pa rin siyang maging gabay ng mga batang kompositor na bahagi ng produksyon. Ganoon si Angge. Mapagbigay. Nagbabahagi.

DSC_0093

“Ondine”

294094_2211459958866_1018515965_2416017_7173411_n

“Junto al Pasig”

Maging sa labas ng unibesidad ay nakatrabaho ko si Angge— partikular na sa dalawang dula na binuo namin para sa bayan ng Tayabas sa Quezon. Sa “Oh My Gulay” at “Gulantang”, tinawid ng musika ni Angge ang mga kabataang lider ng pamayanan at ang mga musmos na hindi nakatapak sa paaralan. Sa saliw ng kanyang musika, nakapagturo ang aming mga dula ng kahalagahan ng organikong pagsasaka at pangangalaga sa kalikasan. Ganito rin ang tema ng huling proyekto namin sa ASEAN Centre for Biodiversity. Pagbalik ni Angge mula sa pag-aaral sa ibang bansa, muling nagniig ang aking dula at ang kanyang musika sa “Nawa’y Muli Tayong Makauwi.” Ganoon ang musika ni Angge. May katuturan. May pinaglalaanan.

Imahe119

“Gulantang”

181980_10150413987290565_652570564_17672840_7014557_n

Harmonya’s First Concert

180663_10150413995010565_652570564_17673035_2020246_n

Harmonya’s First Concert

11046237_10156191981290160_7361765314814145595_n

“Nawa’y Muli Tayong Makauwi”

Maraming artist na tulad ko ang nabahagian din ni Angge ng kanyang talento. Ngunit masasabi ko na mas mapalad ako sa kanila dahil personal kong nasaksihan ang kanyang paglalakbay bilang musiko. Mula sa kawalan niya ng determinasyon, hanggang sa muli niyang pagkumpas at pagbangon, narinig ko ang tinitipa ng kanyang puso — ang maglingkod at magkwento gamit ang kanyang mga instrumento.

DSC_0102

Marie Angelica Dayao – crush lang kita dati, outstanding artist ka na ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s