It’s Showtime (Dagli)

It's_Showtime_(logo_2012)

Humihingal pa si Billy nang pumasok siya sa girl’s dressing room. Hinihintay siya roon ni Coleen na kasalukuyang nagre-retouch.

“Napanood mo kami, Boss Lady?,” tanong ni Billy.

“Mas magaling pa rin gumiling sa’yo si Vhong.”

Lumapit si Billy sa nakaupong si Coleen. Niyakap niya ang dalagita mula sa likod. “Ako ang boyfriend mo kaya dapat fan kita.”

“Ano ba, Billy! Pawis ka. Babaho ako,” parang kiti-kiti sa pagpupumiglas si Coleen.

“Bakit parang diring-diri ka sa yakap ko? Okay naman tayo kagabi, ah?”

Hindi kumibo si Coleen. Sinuklay na lang niya ang buhok habang matalim ang titig sa salamin.

“Huy, ano ‘ng problema mo?”

“Makipag-break ka muna sa girlfriend mo,” pakli ng dalagita.

“Split na nga kami. Last week pa. Bakit ba ayaw mong maniwala?”

Sinalubong ni Coleen ang tingin ni Billy sa harap ng salamin. “Nakita kayo ng kaibigan ko nung isang gabi. Nagdi-dinner.”

Natameme si Billy.

“Kung gusto mo kong yakapin, siguraduhin mo munang akin lang yang mga brasong yan.”

Padabog na tumayo si Coleen. Lalabas na sana siya ng dressing room nang biglang pumasok ang make-up artist niya.

“Ms. Coleen, retouch tayo?,” tanong ng bakla.

“Okay na. Make-up lang ang kailangan ko.”

Binuksan ni Coleen ang pinto ng kwarto at lumabas nang hindi man lang nililingon si Billy. Agad namang sumunod sa kanya ang namumutlang lalaki.

Nang maisara ang pinto, dali-daling dinukot sa bulsa ng make-up artist ang kanyang cellphone. Nag-uunahan ang mga daliri niya sa pagta-type. “Sinetch itey na noon-time show host na tinu-two-time ang long-time GF? Ang bagong girlet ng host/dancer-singer ay co-host niya. Huling-huli ko, Tita!”

Ginalugad ng bakla ang phonebook. Nang makita ang numero ni Tita Cristy, walang pagdadalawang-isip na ipinadala niya ang mensahe.

“It’s showtime!,” sabi niya sa sarili.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s