7 Kumpisal Ukol sa Dulang “Ang Favorite Book ni Jude”

Ang-Favorite-Book-ni-Jude-POSTER-1-e1460913138643

1. Ang kwento ni Jude ay hinugot ko sa masalimuot na buhay ni Job. Iilang kwento lamang sa Bibliya ang natapos kong basahin. At isa ang kwento ni Job sa pinakatumatak sa akin. Sa pagsulat ko ng dula, simple lang ang tanong na nais kong sagutin: Why do the righteous suffer?

13043766_1077161485675883_3590703153018380623_n

13062304_10153377980012471_8742627634161954750_n

2. Ang mga pangalan ng tauhan sa dula ay nagmula rin sa banal na aklat. Syempre, si Jude ay si Judas — isang mabuting disipulo na hinamon ng tukso; tinalikuran ang Diyos at kinalaunan ay binawi ang sariling buhay. Si Lena ay ang pinakasikat na puta sa Bibliya, si Maria Magdalena. Mababa man ang lipad, madumi sa paningin ng marami, sa huli ay natutuhan din niya kung paano magsisi. Si Melchor ay isa sa tatlong mago na naghandog ng regalo sa bagong panganak na si Kristo. O ‘di ba, ninong ang tawag dun? Si Marco naman ay isa sa mga propeta na naatasang magpalaganap ng mabuting balita.

13010598_1076022689123096_1926568208590505057_n

13124441_10153377968507471_1930371727949486692_n

13006645_1076023289123036_5128178711206025970_n

3.  Nang isulat ko ang dula, itinuring ko itong pag-alala sa mga dumanas ng lupit ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro noong 2011. Lumaki ako sa baha kaya’t malapit sa akin ang kwento ng mga biktima nina Ondoy, Milenyo, Glenda, Yolanda, at iba pa. Sa orihinal na bersyon ng iskrip, ang mga tauhan ay mga Bisaya. Ngayon na nalapatan ito ng ibang interpretasyon, alam ko nang maaaring ihandog ang dula sa kahit saang sulok pa ng Pilipinas o ng mundo kung saan may dinaranas na paghihirap.

13083216_1077160785675953_8228958654121770985_n

13007128_1077159615676070_5591397945306256157_n

4. Ito ang ikatlong beses na pagtatanghal ng dula. Noong 2012, ipinalabas ito ng Tabsing Kolektib sa UPLB bilang launching production ng aming grupo. Noong Pebrero naman, taong kasalukuyan, inilahok ng PNU The Thespian Society ang dula sa Fringe Manila. At ngayon, inihahandog naman ito sa atin ng Teatro Tomasino. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi sila natakot na muling magtiwala sa aking akda. Sino ba naman ang mag-iisip na agad na masusundan ang “Para Kay B” na noong Disyembre lamang ipinalabas. Mapag-uusapan pa rin naman kung gusto niyo pa ring umulit.

13062220_1077152485676783_2938517198357483958_n

12990871_1077160555675976_2006549477165266706_n

5. Nakausap ko si Bob Ong. Sa email. Sabi niya, “Sa akda ko, hindi positibong puwersa ang kausap ng kaluluwa. Bigyang pansin na hindi naniniwala sa Diyos ang kaluluwa (Jude) at ang kausap naman nito (Lourd) ay interesado sa kaluluwa niya at (maling) pagsamba. Nakipagpustahan ito sa kanya na pinatulan nya naman dahil sa maling pagkakaunawa sa mabulaklak nitong dila. Pansinin ang multiple negatives sa statement nito at makikita ang marayang resulta sa kadulu-duluhan ng pusta. Kinagat ng kaluluwa ang pusta, na nangangahulugang sa muli nyang pagbabalik sa lupa ay naisangla na ang kaluluwa niya. Ano pa man ang mangyari sa lupa, nakuha na ang kanyang kaluluwa. Panalo ang kalaban. Evil triumphs over good. Kaya ito ang paboritong libro ni Hudas. Negatibo ang kuwento, pero positibo ang mensahe. Negatibo ang kuwento, pero nailahad ang mahahalagang positibong detalye. Hindi ito para sa mababaw mag-isip o tamad umunawa. Matalino ang demonyo, sabi nga. At kailangang higit na matalino ang mambabasa.”

13077002_10153377970777471_215271684043345029_n

13096016_10153377977887471_4024998612244326854_n

6. Hindi ko sinabi sa mga aktor ng Teatro Tomasino na napaiyak nila ako noong unang beses kong mapanood ang kanilang rehearsal. Kinurot nila ang puso ko. Kiniliti nila ang isip ko. Binuhay nila ang damdamin ko. Kaya’t isang malaking kahangalan kung hindi sila naniniwalang may angkin silang galing. Dalangin ko na lamang na hindi sana dito magtapos ang pagyakap nila sa sining ng pagtiteatro.

13083260_1077152525676779_5293301183533353879_n

13124727_10153377981197471_2967951341389986213_n

7. Muli akong humanga kay Sir Ron Biñas. Kaya’t nagpapasalamat ako sa muli niyang pagdidirek sa dulang kasama rin siya sa paghubog. Ngayon ko mas nauunawaan na may dahilan ang ilang taong distansya, pananahimik, at pamamahinga. Alam kong alam niya na marami pang susunod para sa amin at sa aming mga kaibigan. Sana’y batid niyang masaya kaming makitang sabay-sabay kaming lumalago sa kung saan-saan man kami ngayon nakatayo. Hindi man namin nalililiman ang bawat isa, hindi rin naman namin nahahadlangan ang bawat isa na tumubo at mamunga.

13100897_10153377995322471_934047177622075070_n

13062505_10153377995347471_8121077002394178654_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s