BUENA MANO: Unang Pambansang Palihang Multi Genre ng PUP sa 10 Litrato

1. Labinlimang Pangalan

“Ito ang pinakaunang workshop ng PUP sa loob ng 111 years. Mabigat at mapangahas ang workshop. Gusto naming tugunan ang hamon na magbigay ng edukasyong pampanitikan sa mga nangangailangan. Gusto rin namin na makapag-ambag sa pambansang panitikan.” – Dekki Morales, Center for Creative Writing – PUP

13055423_10208045860936338_663997106603868851_n

2. Maligayang Pagdating sa Mulanay

UNANG GABI: Narinig ko na sa French Diner magdidinner. Wow may French diner sa Mulanay! Nag-imagine ng masasarap na pagkain. Pero mostly, Italian dishes. Pagdating sa Mulanay, direcho sa pinakahihintay na kainan. Plot twist: Friends’ Diner pala, hindi French. Walang pasta at tinapay. Merong gisadong ampalaya, sinigang na isda, at minatamis na saging.

13226729_988635647920083_7711176834336185046_n

3. Sa Labas ng Container House

“Kumaway ako sa iyo at nagkanya-kanya tayo ng lakad. Maghapon kitang iniisip. Napanaginipan kita. At paggising ko kanina, iniisip ko kung posible ba, Mahal–na magising ako isang araw at hindi na kita mahal.” – mula sa Ang Posibilidad ng mga Bagay ni Jerry Gracio

13254337_10208417367103786_1748206152282826231_n

4. Usapang Chuchuchuchu

“Kung walang itinaya ang karakter, bakit tataya ang mga manonood” – Jerry Gracio

13312660_996458007137847_620976994595344806_n

5. Lahing Bulakenyo

“Sa mga young writers, hanapin niyo ang espasyo niyo sa inyong panahon. Kapag nakita niyo, bakuran niyo na. Sa inyo na yun.” – Jun Cruz Reyes

13310583_996492263801088_8171576209808210726_n

6. Labinlimang Mukha

“Kapag pinangalanan mo ang isang karakter, obligado ka nang i-develop yun.” – Jun Cruz Reyes

13254474_996463177137330_4903530877170027219_n

7. Virgin Bitches

“Ikaw ang petsa sa aking kailan.
Ikaw ang bilang sa aking ilan.
Sa aking paano ikaw ang paraan.
Sa aking bakit ikaw ang dahilan.”
– mula sa orihinal na awit ni Koyang Jess Santiago

13237846_10153831910469753_129684314657354046_n

8. Hmm. Hmm.

“Hindi lahat sinasabi sa dagli, kasi nagtitiwala ang manunulat sa bisa ng salita at talino ng mambabasa.” – Eros Atalia

13254428_10153831911694753_6482842278827450243_n

9. Pasalubong

“Hindi mo dapat tawagin ang sarili mo na makata. Ang taumbayan ang maggagawad ng titulong iyon.” – Jess Santiago

20160517_175943

10. Buena Mano

“Kahit pagod at maraming naiwang trabaho, nagagalak dahil sa dami ng mahuhusay na manuskrito. Kapos sa pondo ang PUP Center for Creative Writing na pasimuno nito, pero hindi kapos ang workshop sa talento at sa sipag ng staff na matiyagang nag-asikaso sa fellows at panelists. Buhay na buhay ang committed literature! Feeling ko magkakatotoo ang sapantaha ko na lumilipat ang gravitas ng panulat mula sa Silliman, Diliman, Katipunan, at España, tungo sa riles ng Sta Mesa.” – Jerry Gracio

13319962_996493883800926_1417390940063273264_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s