Para Kay Baby Brienne (babasahin niya kapag 6 years old na siya)

Nag-request si Patty Hilao-Valencia na mag-speech ako sa reception party ng kasal nila ni Albert. Galingan ko raw. Pinatulan ko naman. Sabi ko, dapat susulat ako ng play. Pero dahil kulang sa oras, love letter lang ang nagawa ko. Love letter para sa kanilang panganay.

13330884_10206591175602158_8238956143185761875_n

Heto ang liham:

June 3, 2016

Hello, Patty and Albert’s first baby,

Kasal ngayon ng parents mo. Malamang, ramdam mo ang excitement at saya ng nanay mo kahit nasa tiyan ka pa lang niya. Malamang din, kung magkasama kami ngayon, hindi ako makakapasok sa office dahil ibi-B.I. niya ko na wag nang magtrabaho. Yes, hindi perfect ang nanay mo.

Hindi siya perfect dahil hindi lang minsan siyang umiyak para sa lalaki. There was this heartbreak na kinailangan namin siyang samahan every minute para malimutan niya na nasasaktan siya. Dahil sa pagka-clingy niya, natanggal ako sa pagtuturo. But that was not entirely her fault.

Hindi perfect ang nanay mo dahil minsan siyang na-fall sa bading. Wala namang mali na ma-fall sa bading. Ang mali ay yung blind faith ng nanay mo na hindi bading yung nagustuhan niya.

Hindi perfect ang nanay mo dahil nahumaling siya sa isang bigotilyong stage actor na pagkatapos naming mapanood magperform sa DL Umali ay hindi na niya nakalimutan. Siya ang tatay mo. Hindi rin siya perfect.

Pero kahit hindi perfect ang parents mo, sigurado akong hindi magiging boring ang buhay mo dahil kaya ka nilang patawanin nang hindi nag-e-effort. Sigurado akong hindi ka magugutom dahil mahusay magluto at mag-bake ang mga magulang mo. Sigurado akong lalaki kang marunong makisama dahil experts ang magtuturo sa’yo na mag-bisyo.

Sigurado rin ako na hindi magiging perfect ang lahat para sa kanilang dalawa. Darating ang mga sandali ng mga imperfections at makikita mo silang hindi nagkikibuan at maririnig mo silang nagbabangayan. May mga imperfect moments na maaring mapagitna ka sa nagliliparang mga plato o kaya naman ay mapunta ka sa pagitan ng mabibigat na mga buntong hininga. It’s either they are rehearsing for a play, or they are just trying to grow up. And it’s perfectly fine.

Kapag dumating ang parents mo sa ganitong punto, pwede kang magtampo pero wag kang magagalit. Instead, mahalin mo pa sila lalo. Mahalin mo sila kagaya ng pagmamahal nila sa teatro. Mahalin mo sila kagaya ng pagmamahal nila sa mga kaibigan nilang wirdo. Mahalin mo sila kagaya ng pagmamahal nila sa pagnenegosyo at pagtuturo. Mahalin mo sila kagaya ng kung paano sila nagmamahal . Minamahal lahat ng imperfections.

At kung sakaling hindi pa rin sila nagkakasundo kahit naubos na lahat ng babasagin sa bahay niyo, ipabasa mo sa nanay at tatay mo ang sulat na ‘to. Para maalala nila kung bakit sila naghiwalay at nagkabalikan nung last quarter ng 2015. Para hindi nila makalimutan na pinili pa rin nila ang isa’t isa hindi para sa mga kabarkada at fans na nanghihinayang sa relasyon nila… hindi para sa pagsagip ng ilang taong effort at investment sa isa’t isa… hindi para patunayan na totoo ang forever para sa kanilang dalawa.

Ipaalala mo sa kanila na pinili pa rin nila ang isa’t isa dahil darating ka.

Loving you forevermore,
Kuya Eljay

44202_452202763696_6887100_n

Dito tayo unang nagkakilala. Akala ko, graduate ka ng private Catholic school. Nagkamali ako… in all aspects.

406795_4546143383685_53307429_n

Ganito ka lang dati. Ngayon meron ka ng baby.

68959_458046603696_3421154_n

Sa slums lang tayo natutulog noon. May bahay-bahayan na kayo ngayon.

66390_1644314194151_5386579_n

Katabi mo pa ko dati matulog.

65172_1644316394206_4875995_n

Di mo man lang naalalang iinvite si Caloy sa kasal. AZZZ IIIIIT.

39582_164812213533227_7113340_n

Kaya mo pa bang mag-eyeliner kapag housewife ka na?

37941_452225598696_1184884_n

Paano na tayo magbi-beach? Bitch.

37147_1511362957116_389921_n

Ang bilis talaga ng panahon.

33874_1634102173818_3767913_n

Sa susunod nating kita, binyag na ni Briene.

61372_161644927184161_7230510_n

Basta, andito lang kami lagi para sa inyong pamilya.

13307432_10206591201762812_369681505329557872_n

Kaming lahat.

Basahin mo ulit yung letter. Heto ang background music:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s