Maraming Salamat, The Virgin Labfest

Isang araw bago magbukas ang tabing para sa ika-12 taon ng The Virgin Labfest, hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa nagdaang mga edisyon. Sino nga ba ang mag-aakala na ika-4 na taon ko nang nakikibahagi sa “laboratory festival of untried, untested, unpublished, unstaged plays” ng Writer’s Bloc, Inc., Tanghalang Pilipino, at Cultural Center of the Philippines (CCP).

Apat na taon. Tatlong dula. Isang karanasang masarap ulit-ulitin.

YEAR 9: MAY MAS SASARAP PA BA?

Hinding hindi ko talaga malilimot ang unang tikim. Ang pagka-devirginize.

600605_534105386626016_1544347535_n

May mas sasarap pa ba sa erratum na ipinaskil sa Facebook matapos ang ilang minutong mai-announce ang main line-up ng VLF 9? Na ang dulang “OWEL” ay kabilang sa 9 na iskrip na maitatanghal sa Huseng Batute?

Fotor0719152958

May mas sasarap pa ba sa pakiramdam na ang unang VLF direktor ay si G. Marlon Rivera na direktor ng “Ang Babae sa Septic Tank”?

May mas sasarap pa ba sa prebilehiyo na ang mga pangunahing aktor sa iyong dula ay sina Andoy Ranay at Jomari Jose? Na sinamahan pa nina Jenny Jamora, Lynn Sherman, at Alessandra de Rossi.

This slideshow requires JavaScript.

May mas sasarap pa ba sa pagbabasa ng isang review na ang nilalaman ay “Of course the ending to Owel’s – and Cecil’s – story is one that’s about a beginning too. But we are left to figure out where it might go, in the same way that no closure is ever just that, and for some relationships linger far longer than they should, for reasons more real than others. That ending, as it was the wonderfully painless unraveling, is this play’s power.”? Maraming salamat, Katrina Stuart Santiago.

Fotor071915212

YEAR 10: THE HARVEST

Maraming halakhak at palakpak ang inani ng dulang “ANG GOLDFISH NI PROF. DIMAANDAL”. Pero may higit na mahahalagang bagay akong inani sa ikalawang taon ko sa VLF.

10364075_688114094558477_7472179028001874859_n

Ang harvest ng isang masayang kolaborasyon kasama si G. Roobak Valle.

Ang harvest ng isang pamilya sa katauhan ng aming cast. Mahal na mahal ni Dedels sina Tita Peewee O’Hara, Tita Sherry Lara, Wenah Nagales, Paolo O’Hara, Chrome Cosio, at Nay Mosang.

This slideshow requires JavaScript.

Ang harvest ng hagikgikan nina Baha, Ching, at Miss Nikki Torres sa tuwing mapapanood ang dula.

Ang harvest ng pasasalamat mula kay Prof. Lerma Dimaandal, ang inspirasyon ng dula, at mula sa kanyang mga dating mag-aaral na dumayo sa CCP para tunghayan ang aking akda.

YEAR 11: SARIWA

Sariwang-sariwa pa sa akin ang mga alaala ng nagdaang edisyon ng VLF. Ang hindi malilimutang paglalakbay ng “SI MARIA ISABELLA AT ANG GURYON NG MGA TALA”.

11242789_842529369116948_6793525217082452204_n

Sariwang-sariwa pa ang alaala ng sumasabog na creative juices ni G. Ed Lacson, Jr. noong unang beses naming pag-usapan sa Shangri-la ang vision niya sa dula.

safagv

Sariwang-sariwa pa ang surpresang hatid na unti-unting masaksihan ang pagkabuo ng dula sa tulong ng napakaraming kaibigan: sina Toni, Domini, Io, Ralph, Joyce, Mara, Micky, Tess, Carlo, Sig, atbp. Wala sa hinagap ko na magsasanib ang sining ng mga taong ito para sa ikatatagumpay ng aking dula.

This slideshow requires JavaScript.

Sariwang-sariwa pa ang kilabot na dulot ng pagtugtog ni Lyon Lopez at ang pangingilid ng luha at pagkasamid sa kasukdulan ng pagganap nina Krystle Valentino at Rafael Tibayan.

Sariwang-sariwa pa ang labis na katuwaan sa pagpayag ni Ness Roque na gampanan ang Maria Isabella nang magkasakit si Krystle.

11169464_10206326733339568_2318735878486230594_n

Sariwang-sariwa pa ang higpit ng yakap ni G. Dean Alfar matapos niyang mapanood ang pagtatanghal ng kanyang maikling kwento.

11738017_10204921391941398_2866360679192958259_n

Sariwang-sariwa pa ang galak na hatid ng mga papuri sa buong dula.

YEAR 12: BINYAG

Ngayong taon, sa ika-12 edisyon ng VLF, handog pa rin namin ang kwento ni Maria Isabella. Walang bagong dula pero may bagong hamon na mas pag-igihin ang pagsusulat.

13332953_1022378001132083_8462832537755215120_n

Ngayong taon, nananabik akong saksihan ang pagbibinyag sa mga bagong virgin, na tulad ko noon– nangarap, nagsulat, at ngayon ay mabibigyan na ng pagkakataon.

***

Sa inyong lahat na nakasama ko sa nagdaang mga edisyon ng VLF, maraming maraming salamat. Napakarami kong natutuhan at naranasan. Napakaraming oportunidad ang nabuksan. Napakaraming alaala ang masayang balik-balikan.

Magkita-kita tayo sa Batute, umaraw man o umulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s